Sa Pag-agos ng Panahon
Sa bawat pag pikit ay sya'ng pag mulat ng puso
sa bawat hapdi ay sya'ng pag agos ng dugo
sa bawat sakit ay sya'ng paglaho ng nadarama na noo'y binuo
unti unti nang nalilinawan
bakit nga ba ako'y iniwan?
bakit ngayo'y nasasaktan at luhaan?
sino nga ba ang nagkulang?
maaari ba na balikan ang alala nang noo'y kasama ka?
kung saan walang hanggan ang 'yong pag ngiti at pagtawa?
ang bawat yakap at pagpikit ng 'yong mga mata?
ang pagbuo ng mga pangarap kung saan tayo'y magkasama?
nais ko sanang balikan ang ating mga alaala,
ngunit tayo'y nalipasan na ng panahon,
parehas na tayong nakaahon
nakaahon sa lumipas na pag ibig na dapat ay matagal na nating ibinaon.
-----
credits to the owner of the photo // Lyrics Art.
Song: Alive by Over October
YOU ARE READING
Smile, Cry, Die
Poetry"How can you save a splitting relationship when you can't even save yourself? " I'm Dane and this are the words I couldn't dare to shout. The words of pain that I couldn't precipitate. The metaphors I couldn't dare to speak... Would you listen? ...