Ang Ating Tula
Unang araw na ako'y iyong sinulatan ng tula
Halos mapatalon ako sa tuwa at sa galing mo'y ako'y natulala
Hindi ko lubos maisip na ilang oras mo lamang sinulat ang 'yong akda
At sa ganda nito ay halos walang tigil ang pagpatak ng aking luha
Ngunit sa mga huling pahina
Sa huling pahina kung saan litrato nati'y nakatala
Ang 'yong sulat ay unti unti nang nawawala
At dun ko napagtanto na nauubusan kana ng tinta
At kasabay ng pagkaubos ng tinta ay ang pag agos ng aking luha
At kasabay ng pag agos ng aking luha ay ang pagbitaw mo sa aking mga kamay
Ang ating tinta ay unti unti nang nauubos
Ang ating pag ibig ay patuloy nang nauupos
Hindi pa man natatapos, tayo'y patuloy nang kinakapos
Kinakapos sa mga papel at tinta at dito na nga ata tayo matatapos
Ang ating tugma ay unti unti nang nababaliko
Ako'y patungo sa lugar kung saan tayo unang nagkita
At ika'y patungo sa mga bisig nya at saya mo'y aking kitang kita
Ang ating tula ay nauwi sa wala
At ang aking luha ay 'yong binalewalaSaturday, November 10, 2019 ▪️ 11:51 PM
YOU ARE READING
Smile, Cry, Die
Poésie"How can you save a splitting relationship when you can't even save yourself? " I'm Dane and this are the words I couldn't dare to shout. The words of pain that I couldn't precipitate. The metaphors I couldn't dare to speak... Would you listen? ...