Sa Paglisan
                              Kung nais mong ayusin
Bakit mas pinili mong lumisan?
Iniwan ang mga alaalang ngayo'y nalipasan
                              Mga pangakong napako
Pusong nawasak ngunit pilit na binubuo
Mga ngiting unti unting naglalaho
                              Bakit ka lumisan?
                              Sana'y inayos natin at pinag usapan
Sapagkat isang yakap mo lang mawawala agad ang sakit na aking pasan
                              Nais kong ayusin
                              Mga wasak na puso ating pagtagpi tagpiin
Mga alaala ay ating alalahanin
                              Nais kong bumalik
                              Nais kong muling maramdaman ang 'yong mga halik
Halik sa 'king noo ay nais kong bumalik
Alaala nati'y sadyang nakasasabik
                              Ngunit nais ko ring makalimot
                              Dahil pag ibig nati'y matagal nang nilulumot
Nanunuot sa 'king puso ang sakit na 'yong dulot
Pagod na 'kong pumulot
Pumulot sa pirapiraso kong puso na 'yong winasak at nagdulot ng pangmatagalang kirot.
                              ------
                              credits to the owner of the photo // kitsune
                              song: Can't Lie by Ali Gatie ♡♡
                                      
                                          
                                   
                                              YOU ARE READING
Smile, Cry, Die
Poetry"How can you save a splitting relationship when you can't even save yourself? " I'm Dane and this are the words I couldn't dare to shout. The words of pain that I couldn't precipitate. The metaphors I couldn't dare to speak... Would you listen? ...
 
                                           
                                               
                                                  