Saglit Lang
…
"Itigil mo na nga yan! " sigaw ko matapos agawin kay Ski ang kanyang telepono. Pinahid ko ang luha sa screen nito gamit ang dulo ng aking blouse at dinelete ang mensahe na dapat ay isesend nya sa walang utak at hampaslupa nyang ex.
"Can't you see yourself? Bitch, you're wasting your time for someone who isn't worth it! Iniwan kana, sinaktan kana, pinagpalit kana. Get yourself sober. Wag mong habulin yung tao na hindi naman tumatakbo. "
I said those exact words 2 years ago to sober up my friend with her toxic relationship, meanwhile, I'm here—teary eyed in front of the man who promised to marry me when we turned 28.
"Please, Drei, let's fix this... you promised, remember? " halos hindi ako makahinga nang maayos dahil tila may martilyong pumupukpok sa dibdib ko.
"Isang taon nalang, Drei... we're still getting married, right? " para akong mabubulunan sa mga sariling salita. I know it's so stupid for me to ask even though the answer is obviously in front of me.
Ang sakit, sobrang sakit na halos gusto ko nalang isipin na panaginip lang itong lahat.
He took a deep breath while I'm trying my very best to hold back my tears. Madilim ang langit na tila nagbabadya ng pagpatak ng ulan. Kapwa kami nakatayo sa harapan. Parehas na nasasaktan sa aming kinahantungan.
"Cai, I'm no longer in love with you. " para akong binagsakan ng napakalaking bato sa dibdib. Halos hindi ako makahinga at ilang segundo bago magproseso lahat sa isip ko.
Ilang segundo at tuluyan na ngang pumatak ang luha ko kasabay ng pagpatak ng luha ni Drei.
We both love to cry in laughter together before, but now we're both crying in pain.
"I'm sorry... it's just... I fell out of love. " sunod sunod na latigo ang humagupit sa puso ko. Halos hindi ako makahinga sa sikip at sakit nito.
Ilang minuto tayong nakatayo hanggang sa pumatak na nga ang maliliit na butil ng ulan. Tatlong metro ang layo natin sa isa't isa, pero pakiramdam ko ay sobrang layo mo.
Gusto kong iangat ang kamay ko, umaasa na baka muling kunin mo ito, pero napatigil ako. Dumako ang mata mo sa mata ko at sa unang pagkakataon pakiramdam ko ay hinihingal ako. Nakatayo kalang sa harapan ko, pero pakiramdam ko wala akong tigil sa paghabol sayo.
Pakiramdam ko ay naghahabulan tayo at ngayon tayo'y pagod na. Pagod na sa isa't isa.
Gusto kong sabihin na saglit lang. Na baka pwede pa tayong magpahinga. Na baka pwede pa nating ipagpatuloy dahil baka pwede pa... pero sumuko kana. Hindi mo 'ko hinintay. Tumakbo ka, lumayo at hindi na muling bumalik pa.

YOU ARE READING
Smile, Cry, Die
Poetry"How can you save a splitting relationship when you can't even save yourself? " I'm Dane and this are the words I couldn't dare to shout. The words of pain that I couldn't precipitate. The metaphors I couldn't dare to speak... Would you listen? ...