chapter 11

2 0 0
                                    

nakaalis na ang mommy ni zhen at nasa italy na ito ilan buwan na din ang nakakalipas ng umalis ito at kahit papanu naman ay nakakakuha ako ng balita sa kanya.

Hindi man ganun kalinaw ang mga balita na sinasabi niya masaya na ako sa twing sinasabi niya na nasa mabuting kalagayan naman si zhen at madami itong ginagawa.

Ito pa rin ako ang isang lord mathew naghihintay sa kanyang pagbabalik at siya lang ang minamahal. Ilan taon na ba ang nakalipas isang taong mahigit na ang lumipas pero mahal na mahal ko pa din siya walang nagbabago sa nararamdaman ko na yon.

NAGkayayaan ang team namin ngaun na magpunta sa bar. Ito ang unang beses kong sumama sa kanila pagkatapos ng mga nangyari.

Nagpunta kami sa isang bachelor bar upang mGcelebrate ng pagka panalo namin kasama namin ang aming coach at ang buong team.

Pagkapasok na pagkapasok namin, amoy agad ng alak at sigarilyo ang maamoy pati ang malakas na tugtog ang maririnig. Pakiramdam ko first tym ko lng ulit dito ngaun pero ilan beses na din naman ako nakapunta dito sa lugar na to. Kinalimutan ko lang ng mga panahon na may zhen pa ako...

Nagsimula na kami uminom ng rhum at ang iba ay nagsimula na din mag sipag sayawan. Nakaupo lang ako at umiinom sa glass shot ko wala akong balak sumayaw. Gusto ko lang mag inum sa ngaun.

Sa mga nangyari nitong nakalipas na taon ngaun ko lang naisip na hindi ko nilango ang sarili ko sa alak. Pero ngaun nag iinum ako napaisip ako ano nga kaya kung subukan kong mag masaya kong subukan ko din kalimutan ang babaeng mahal ko na gaya ng pagkalimot niya sa akin.

Uminom ako ng alak at tumayo upang makihalubilo na sa mga kasamahan ko sa dance floor.

Di nagtagal may lumapit sa aking na babae. Sumasayaw siya at nilalapit talaga niya ang kanyang sarili sakin. Humahaplos din ang kanyang mga kamay sa akin. Napatingin ako sa babae, maganda siya, maputi, nkadress ng maikli at kulang na lang lumabas ang malulusog niyang dibdib.

Pero binaliwala ko lang siya. Mag sasaya lang ako pero hindi ako makikipagrelasyon o titikim ng bagay na pag sisihan ko din naman sa huli.

Bumalik kami sa upuan at nagsimula na ulit uminom mejo may mga tama na din kami lasing na ang iba sa amin at nGpasya na lang akong umuwe. Nagpaalam agad ako sa kanila at umalis.

Yong totoo di naman talaga ako uuwe, pupunta lang ako sa bahay nina zhen at dun na magpapalipas ng oras.

Narating ko ang kanilang bahay at agad akong pumasok sa loob, nagpunta ako sa silid niya at nahiga.

Zhen kelan ka ba babalik? Babalik ka pa ba? May hihintayin pa ba ako?

Dinukot ko ang aking cellphone at nagbukas ng fb ko... pagbukas ko nakita ko ang picture ng babaeng mahal na mahal ko at sobrang saya niya sa mga larawan. Pero ang mas nakakagulat ay meron siyang bata na kasama sa larawan, may video rin na kasama ung picture kaya agad kong plinay ito..

Hi my baby, how are you baby, its me mommy, ang ganda ganda naman ng babe ni mommy, lauren mae look mommy iloveyou my baby, kinikiliti niya ang baby at tawa naman ito ng tawa sa ginagawa ni zhen.

Naiyak na lang ako, habang pinapanuod ang video. Ang daming pumasok sa isip ko. Habang heto ako naghihintay sa kanya siya naman pala ay nagpapakasaya sa feeling ng iba at may anak na din siya. Zhen bakot mo nagawa to.

Yong babaeng hinihintay ko at mahal na mahal ko, may mahal ng iba at nagpapaligaya, at higit pa sa lahat wala na akong maipaglalaban dahil may anak na sila.

Umalis ako sa bahay nila at agad sumakay sa aking sasakyan. Agad kong pinaandar at di ko alam ang aking gagawin o kung san pupunta, hilam ang aking dalawang mata ng mga luha at lasing din ako.. sa sobrang wala ako sa sarili ko di ko napansin na sobrang bilis ko na pala at bigla na lang akong tinamaan ng sobrang liwanag na ilaw sa aking mga mata may kasalubong pala ako na truck na sumalpok sa aking sasakyan at ang mga huling nasabi ko na lang, paalam zhen, mahal na mahal kita...
---------------------------------------------------------
(Zhen PoV)

Its been two years na nandito ako sa italy, with mommy, daddy and my baby lauren mae, wala na din ako nabalitaan kay lord, di na siya tumatawag at ngcchat kay mommy, 1year na dito si mommy pero nawala na din si lord, napagod na ba siya maghintay sa akin, ngaun pa ba siya mapapagod na may baby na kami,

Kung sa bagay di naman niya alam na may anak kami. 1year na ang baby ko na si lauren mae arellano, yes sinunod ko ang apelyido niya sa daddy niya yun din naman siguro ang gusto nito di ba.

Nag aaral pa din ako kaso 2nd year college na nga lang ako dito dapat sana 3rd year na nagstop kasi ako dahil pinagbuntis ko si baby lauren di ko alam na buntis ako pagkalipas ng buwan na nandito ako sa italy,

Noong malaman ko na buntis ako gusto ko ng bumalik sa pilipinas pero hindi ako pinayagan kasi naging masilan ang kalagayan ko ng pinagbubuntis ko. Muntikan pa ang baby ko mawala sa akin kaya minabuti na lang ni daddy na magstay ako at saka na lang bumalik sa pilipinas.

Pag kaanak ko naman kay baby lauren di din ako pinayagan ng doctor at masyado pa daw baby ang anak ko para lumipad at masyado daw mahaba ang biyahe kaya eto ako kmi nina mommy naghihintay na mging 3yrs old si baby para maipakilala ko na siya sa daddy niya at sa mga tito at tita niya pati sa lola at lolo niya sa pilipinas, konting panahon na lang ang hihintayin namin, makakabalik na kami at sana naghihintay pa din siya sa pagbabalik ko

Sa mga taon na lumipas siya pa din ang mahal ko at mas lalo ko lang soyang minahal lalo na ngaun na nagkaroon kami ng anak na bunga ng pagmamahal namin sa isat isa. Lord konti na lang magkakasama na ulit tayo.

Binuksan ko ang aking fb account pero kahit anung tingin ko sa account ni lord ay wala pa din nagbabago last post at open ay last year pa. Nagbago na ba siya ng account kaya ganito.

Nakita ko naman na online si chato at naisipan ko magtanung sa kanya, lagi man kami nagkakausap ng mga kaibigan ko hindi naman nagkaroon ng pagkakataon na masingit sa usapan namin si lord o kung kumusta na siya.. agad akong nagtype ng ssabihin kay chato.

Frend? Kumusta kayo jan.

Frend mabiti naman. Buhay pa ikaw ba buhay ka pa ba, hahahaha

May nagrereply b na patay huh. Baliw ka talaga,

Pwde ba akong makibalita sayo?

Frend zhen, ano bang balita ang gusto mong malaman sige magtanung ka lang at sasagutin ko kapag alam ko ang sagot.

Frend chato, hmm kumusta na si lord?

Baliw talaga ang babaeng yon, binasa lang ang chat ko at di na sumagot anu kayang nangyari lintik na babae yun wala talaga siyang pasalubong sa akin pag uwe ko..

Nakita ko na lang nagreply pala siya.

Frend. Hmm e pwde ba pag uwe mu na lang dito sa pilipinas ko ikwento ang hirap kasi frend magkwento e. Baka di mo kayanin ang mga balita, uuwe ka na naman di ba. Hintayin ka na lang namin tas sabay sabay tayo pupunta kay lord at ikkwento namin sayo lahat ang nangyari..

Wag ka magisip ng kung ano huh. Basta magingat ka jan. Umwe k na dito miss ka na namin at miss ka na din ni lord.. baka wala ka na abitan na lord sa tagal ng pamamalagi mu jan sa italy... bye we miss u..

Sige bye ingat din kayo..

Anu kayang nangyari kay lord napaisip talaga ako at kinabahan sa sinabi ni chato baliw talaga kailangan ko na siguro bumalik ng pilipinas pero pano baby p si lauren di ko siya kayang iwan..

Your The Only One Where stories live. Discover now