Nakakasaklap isipin na sa pagtagal ng panahon lumalala na ang mga pang-aabuso sa mga bata na nagsasanhi ng mga pasa at pagka trauma din. At pang-aabuso sa bata na pwedeng humantong sa kamatayan ng isang musmus na bata.
"Child Abuse" o Ang Pag-Aabuso sa mga bata ay di dapat gawin dahil masama ito dahil nananakit tayo ng kapwa, Nakakasakit tayo ng mga musmus na bata. Ang mga dahilan kung bakit nagagawa nila ang mga ito dahil daw sa masamang pag uugali at dinidisiplina daw nila ang mga anak nila pero iba ang disiplina sa pananakit. Ang tamang pag didisiplina sa mga bata ay ang pagpapayo ng maayos at ang pagsesermon sa kanila ay ok lang pero ang pananakit ay hindi dahil masama ang panakit ng bata dahil tao din sila at may buhay. Ayon naman sa datos ay tumaas ng 93% ang kaso ng child abuse at masakit isipin na ang magulang nila mismo ang nang-aabuso sa kanila dahil daw masama ang ugali nila. At ang iba naman ay may sama ng loob at doon sa kanilang anak nila inilalabas ang lahat ng sama ng loob.
Dapat talaga natin itigil ang mga ito dahil masama ito at pwede tayong parusahan at mali talaga ang panakit ng mga musmus na bata at kung may kasalanan pagalitan lang at wag saktan. Kaya ikaw wag kang manakit, kahit na emotional man yan o pisikal.