Ang bawat tao ay may karapatang mabuhay dito sa ating mundong ginagalawan. Mabuhay, buhay kung saan magagawa mo ang mga bagay gusto mong gawin. At dapat nating pahalagahan ang ating mga buhay dahil lahat ng yan ay pansamantala dahil kukinin ang lahat ng yan.Buhay, May karapatan tayong mabuhay.
Pero ang ibang bata ay nawawalan na ng karapatang mabuhay dahil ipinagkait ito sa kanila ng sarili nilang magulang sa pamamagitan ng aborsyon.
Ang Aborsyon ay napakalaking problema sa ating bansa kung saan ay napakalaking kasalanan sa mata ng diyos at ng mga tao o sa publiko. Itong problemang ito ay matinding ipinagbabawal sa ating bansa kaya ay ang iba ay palihim na nag papa-abort. Ayon sa datos mahigit 500,000 na kababaihan ang mga nagdedesisyon na magpapa-abort kada taon na lubhang nakakasaklap kung iisipin. Isang dahilan ng mga babae kung bakit sila nag papa-abort ay baka di nila kayang tustusan ang pangangailan ng magiging anak nila o baka ay di sila pinanindigan ng naka buntis sa kanila kaya mas pinili nilang pag pa abort na isang malaking kasalanan sa batas. Nakakasakit isipin na may mga taong pumapatay ng kadugo niya.Kaya dapat nating pahalagahan ang buhay ng bawat indibidwal dahil may karapatan silang mabuhay at pansamantala lang tayo sa mundong ito kaya dapat nating pahalagahan ang buhay ng bawat isa.