Habang tumatagal ang panahon ay nakikipagsabayan naman doon ang pagtaas ng ating populasyon dahil sa panganganak o ang luluwal ng sanggol sabi ng ilan ay kada segundo ay may isinisilang.
Di talaga natin maiiwasan na marinig sa ating baranggay na "Oi! buntis ang anak ni mare, sino naman ang ama?, "sus, ang bata pa non". Bata pa talaga, Bata pa ang kadalasang nabubuntis sa panahon ngayon at lumaganap na ito sa buong bansa. Maraming pwedeng maging rason kung bakit sila nagkaganito. Isa sa mga ito ang koryusidad, maari ring baka sa kahirapan kaya napipilitan nalang na ibenta ang kanilang sarili o ang pagiging "pokpok". O baka ay di nila na displina ang anak ng maayos o ang anak mismo ang ayaw makinig sa payo ng kanilang magulang kahit ano pa ang rason ay dapat natin ituwid ang pagkakasalang ito. Marami rin ang mga epekto nito maaring mas lumaki ang populasyon natin pati narin ang "single mom". Kaya dapat natin tong iwasan hanggat maaga pa at kung maari ay wakasan na natin ang isyu ito.
Kaya umayos na tayo
dahil mahirap ang maging batang magulang dahil maraming mga responsibilidad ang ating kakaharapin at kailangan talaga natin tong iwasan upang di masira ang ating kinabukasan at pangarap sa buhay at para di masira ang buhay.