PAGTATRABAHO SA MURANG EDAD

528 0 0
                                    

                  Habang lumalala ang kaso ng paghihirap ay tumataas ang mga kaso ng mga batang nag tatrabaho na kung saan ay mali. Sa bawat sulok ng bansa ay may nakikita talaga tayong mga mahihirap kaya sa murang edad ay napilitan ng mag trabaho.

                   Mahigpit na ipinagbabawal dito sa Pilipinas ang mga kaso ng child labor na to.Ngunit marami-rami parin ang gumagawa nito siguro dahil talaga sa kahirapan dahil walang nakuhang matinong trabaho  ang kanilang magulang kaya sila nalang ang naghahanapbuhay para sa kanilang pamilya para may makain araw-araw, kahit na sa ganitong edad ay kailangan pa nilang mag-aral dapat nasa loob sila sa mga paaralan upang mag-aral ng alphabeto, numero at iba pa at sila din dapat ang mag tampisaw sa ulan at maglalaro ngunit sa ganitong edad ay nagtratrabaho na sila. Ayon sa datos ay halos sa mga minahan,fabrika, palengke at iba pang pwedeng pasukan nila at diyan sila nag  tatrabaho dahil pumapayag ang mga ito na patrabahuin sila.Gumagawa sila ng tubo o niyog at pati narin ang fashion accessories.At kung patuloy parin tong ginagawa ay pwede po makulong ang ating mga magulang o ang mga nag-aalaga sa mga bata at pati narin ang nag papasok sa kanila dahil menor de edad pa ang mga bata para sa mga trabahong yan. At sabi pa nila na ang kabataan ang susi ng bayan kaya dapat natin tong patunayan. At dapat bigyan ng goberno ang ating mga magulang ng trabaho para di na mag trabaho ang mga bata sa murang edad

                    Kaya dapat tayong mag-aral ng mabuti para maka kuha tayo ng diploma at ng magandang trabaho para kung mag-kaka anak tayo ay mabigyan natin sila ng magandang buhay para di na sila magaya sa iba na nagtratrabaho sa murang edad.

MGA ISYU NG LIPUNAN( SANAYSAY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon