Kabanata 1:

158 1 0
                                    

Her POV

Kabanata 1:

Taong 1945.

Nandito ako ngayon sa simbahan malapit sa Kamay ni Hesus.. Pinagdarasal ko ang kapayapaan ng Pilipinas.. Panahon pa kasi ito ng pananakop ng mga Hapon at ako'y nangangamba sa kaligtasan ng mga tao.. Pati na rin sa kaligtasan ko.. Wala akong ibang magawa kundi ipagdasal sila sapagkat ako'y mahina.. Hindi ko kayang makipaglaban.. Ako'y isang babae lamang na ang alam ay mga gawaing bahay at wala akong kaalam-alam sa pakikipaglaban..

Hindi lingid sa aking kaalaman na maraming namatay sa labanang ito.. Alam kong marami ang namatay sapagkat marami akong nakikitang mga patay na katawan sa mga kalsada.. Gustuhin ko mang tumulong kahit man lang sa panggagamot ngunit natatakot ako at mangmang ako sa larangan ng medisina.. Hindi ko alam kung paano gumamot.. Kahit kaunting sugat ay hindi ko alam gamutin..

********

Hulyo 1946

Ganap ng nakalaya ang Pilipinas sa kamay ng mga Hapon..

Natupad ang aking dalangin..

Maaari na akong makalakad ng walang takot sa dibdib..

"Binibing Clara.. Ika'y pinapatawag ng iyong ina" saad ni Elena-- isa sa aming mga utusan

"At bakit raw Elena?" Tanong ko naman

Bakit nga ba ako pinapatawag ni inay?

Wala naman akong naaalalang may pag-uusapan kami..

"Hindi ko alam Binibining Clara.." saad niya habang nakayuko

Ano kaya ang pakay ni ina sa akin?

"Oh siya.. Ako'y pupunta nalang kay ina upang malaman ang kanyang gustong talakayin.. Nasaan nga ba si ina, Elena?"

"Nasa silid-aklatan po Binibining Clara.. " saad niya

Inilapag ko ang abanikong kanina ko pang hawak sa aking lamesa at humayo na papunta sa aming silid-aklatan

"Pinapatawag mo raw ako ina?"

"Oh Clara, anak.. Naririto ka na pala.. Umupo ka upang makapagsimula na tayo sa ating tatalakayin ngayon.. Alam mo namang nakakangalay tumayo" saad ni ina at agad naman akong umupo sa bakanteng upuan

"Ano pong tatalakayin natin ngayon?" Tanong ko sa kanya

"Diniskurso na namin ito at ayos na ang lahat.. Gusto ko lang malaman mo na ika'y ikakasal na sa ika-25 ng Disyembre taong 1947"

"Qué?! Me estás tomando el pelo?!" Saad ko

(What?! Are you kidding me?!")

"Qué es ese tono de hablar Clara?" Seryosong saad ni ina

(What's with that tone of speaking Clara?)

"Lo siento madre.. Estaba sorprendido"

(I'm sorry mother.. I was just shocked)

"Huwag mo nang uulitin ang ganyang kabastusan.. Maliwanag ba Clara?" Seryosong saad ni ina

"Ba't niyo naman ako pinagkasundo at kanino?!"

"Pinagkasundo ka namin kay Joselito.. Ang ikalawang anak ng ating mayor" saad ni inay na ikinawindang ko

Ano?! Sa mayabang na yun?!

"Sabi nila ay magaspang ang ugali ni Joselito! Ba't sa kanya pa?"

"Sapagkat makakatulong siya upang ika'y magkaroon ng karangyang pamumuhay.. Oh siya.. Ako'y lilisan na sapagkat ako'y may pupuntahan pa" saad ni inay

Kailangan kong gumawa ng paraan para hindi matuloy ang kasalan!

Pumunta ako sa isang batis na kilala bilang Batis ng Pagdadalamhati..

Malapit lamang ito sa Hacienda namin kaya hindi na ako sinamahan ng mga guadia personel..

'Ang sabi nila.. May isang babae raw na naghihinagpis sa batis na ito at habang naghihinagpis siya.. Bigla na lamang siyang nahulog rito at ang katawan niya ay hindi na nakita pang muli'

Naalala ko yung kwento ng batis na ito..

Totoo kaya na may babae rito? At bakit naman siya naghihinagpis? Dahil ba sa pag-ibig?

Marami akong mga tanong tungkol sa batis na ito ngunit alam kong walang makakasagot nito kundi ang babae..

Sino kaya ang babaeng iyon?

Iwinaksi ko muna sa aking isipan ang alamat na iyon at naglakad lakad muna ako sa paligid ng batis..

May nakita akong isang marikit na bulaklak at agad ko itong kinuha..

Wala naman sigurong magagalit kapag pumitas ako ng isa..

Inilagay ko ito ng marahan sa aking tenga..

Pumunta ako sa may pangpang ng batis upang tignan ang aking repleksyon at namangha dahil sa taglay kong kagandahan..

Hindi sa pagmamayabang pero marami talagang nagsabi na marikit ako..

Mataimtim kong pinagmasdan ang aking mukha ng bigla na lamang parang may tumulak sa akin..

Sinong lapastangan ang gagawa nun sa bunsong anak ng mga Montemayor?!

Nakita ko ang isang matandang nakangiti at unti-unti na siyang naglaho..

Huli na nung malaman kong nahulog pala ako sa pangpang at naririto ang katawan kong lupa sa batis

HINDI AKO MARUNONG LUMANGOY!

Pinilit kong iahon ang sarili ko ngunit hindi ko talaga kaya..

Unti-unti na akong lumulubog sa batis..

Nung tuluyan na sanang oipikit ang mga mata ko.. Bigla na lamang kumulog ng malakas at naramdaman kong binalot ng kadiliman ang paligid..

Uulan ba?

Hayst. Ba't ko ba iniisip ang mga iyon eh nasa bingit na nga ako ng kamatayan?

Nawindang ako nung bigla na lamang parang bumukas ang lupa sa ilalim ng batis..

Hinigop ako nito at tuluyan na nga akong nawalan ng malay..

Nung nagising ako.. Nagulat na lamang ako sa aking nakita..

Wala na halos akong makitang mga matatayog na puno.. Mga malalaki at matataas na gusali lang at ang usok! Napakaitim! Wala na rin akong makitang kalesa.. Ano ang mga bagay na ito? Ano ang kanilang sinasakyan? Maraming mga tanong na bumabagabag sa akin isipan ngayon..

Kung nasaan ba ako.. Kung anong nangyari.. Kung bakit ako napunta rito.. At kung saang panahon ako!

Napakainit!

Suot suot ko pa rin ang baro't saya ko at sa tingin ko.. Ito ang dahilan kung bakit ako naiinitan..

Suot suot ko naman ito kanina ah? Bago ako napunta sa lugar na ito ngunit ba't hindi ako naiinitan nun?

Ano ba talaga ang nangyari?

Sinuri ko ang lugar kung saan nakatungtong ang mga paa ko..

Ang mga kasuotan nila ay napakaiksi.. Kinulang ba sila sa tela?

Ang kanilang suot na pantalon rin ay may sira.. Nakakaawa!

Wala ba silang pambili?

Kung gayon ay napakamaralita naman pala nila.. Sana'y dinulog nila ito sa gobenadorcillo upang sila'y matulungan hindi iyong nagtitiis sila sa mga damit nilang kinulang sa tela at sira sira!

Ano bang nangyari sa mga Pilipino? Hindi naman ganito ang mga tao sa lugar namin kahit na payak ang kanilang pamumuhay.. Kung sabagay.. Hindi pa nga pala ako nakapunta sa lahat ng sulok ng Pilipinas..

Umupo muna ako sa mahabang bangkong malapit sa isang matayog na puno..

Mag-iisip muna ako kung bakit ako napunta rito..

Ilang minuto pa ang nakalipas.. May napagtanto na ako..

Nagpagtanto ko na wala na ako sa taong 1946..

Kung gayon.. ANONG PANAHON ITO?!

I Love You Since 2064Where stories live. Discover now