14

829 43 2
                                    

Ron's PoV

I went back to the restaurant. Oo narinig ko, Liana and Riza even saw me. Pero sabi ko wag silang maingay.

The whole time I was listening to her, masaya ako. At least I know she feels the same way.

When Liana asked about my condition kinabahan ako. Bakit nga naman niya gugustuhin ang may sakit sa puso ehh dun namatay yung tatay niya?

"Wala akong pake kung may sakit siya o wala! Gagaling siya!"

She still believes na gagaling pa ko. She wants me to live but she has priorities, and I totally understand. I was actually planning to ask my dad about the procedures abroad for my health, kaya ako bumalik. I wanna live longer.

Bago pa man makahalata si Isay na andun ako sa restaurant umalis na ko. Knowing she feels the same way is enough for me. I'll make sure to let her feel kung gano siya kahalaga sa buhay ko. I'll formally ask her permission if I can court her. Liligawan ko si Isay and that's final.

Melissa's PoV

"Nako ipush mo na yaaaan!" Liana

"Ipush ka dyan!"

"Girl grabe I'm so happy for you!!!" Riza

"Nammroblema nga ako dito tapos happy ka for me?? 😣"

"Nako girl!! Kung alam mo lang!! Gustong gusto nang tumili hahahaha" Liana tapos nag-appear sila ni Riza

"Alam ko ang alin ba?! Laking tulong niyo mga bakla!!"

"So maiba kami, bakit may pahalik si sir Ron sa noo mo? Ha? Ha?" Riza

"Ahh ehh..."

"Ano nga?!" Liana

"Eto naman napakaatat eh!"

"Naeexcite ako sa lablayp mo!" Liana

"Ano na nga yon? Anong ganap niyo kanina?? Umamin din ba si sir Ron sayo?? Ha??"

"Hindi... pero mag... magdate daw kami sa weekend 🙈"

"KYAAAAAAHHH homayghaaaaad" Liana/Riza

"Ano ba bat kailangan sumigaw?!"

"Baklaaaa omayghaaaad waaahhh" Liana/Riza

Buti na lang wala na yung nag-iisang customer. Ang ingay nila jusko.

"Tapos na kayo? Ok na?? 🤦🏻‍♀️"

"Ano kayang next chapter no?" Tanong ni Riza kay Liana

"Ano to libro??"

"Wag ka nga!! Masaya lang talaga kami para sa inyo ni sir Ron" Riza

"Naguguluhan pa nga ako di baaaa"

"Ewan ko sayong babae ka hahha" Liana

"Magsiuwi na nga lang tayo"

"Oo na sige na tara na hahaha kawawang bata problemado sa wala hahahaha" Liana

"Wala ka dyan!!"

"Joke lang! Hahahaha"

Umuwi na nga kami. Usual routine sa bahay bihis, kain, tulog.

Pano ba matulog? Naaaaah.

Madaling araw na di pa rin ako mapakali bushak!!

Itetext ko ba? Nako wala na ata akong load ehh. Tatawag ba yon? Imposible madaling araw na eh. Aissshh!!

Nagulat naman ako nang magring yung selpon ko. Halos ibato ko ng makita ko kung sino.

 Halos ibato ko ng makita ko kung sino

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
SynesthesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon