"Bakla ano na??" Liana
"Ha?"
"Ang tanga mo bakla nakakaloka ka"
"Mali ba ko dun?"
"Gets kong gusto mong iligtas yung bata pero bakla inisip mo ba kung anong pwedeng mangyare? Anong maging epekto nito kay sir Ron? Kahit pa ok na ang puso niya prone pa rin yun sa atake bakla. Nakakastress tong nangyayare"
"Bakla di niyo ko naiintindihan ehh"
"Edi ipaintindi mo"
"Nawalan na ko ng anak Liana dahil sa parehong rason"
"Ha?!"
"Oo Liana. Nabuntis na ko noon pero iniwan ako ng ama. Hinabol habol ko siya para panagutan yung bata hindi ko na inalagaan yung sarili ko. Hanggang sa makunan ako"
"Alam nina tita to?"
Umiling ako.
"Nagkunwari ako na may trabaho sa malayong lugar pero ang totoo hinahabol habol ko na yung ama nung pinagdadala ko"
"Hindi din nila alam na nakunan ka?!"
Umiling ako.
"Malaking pagsisisi ang naramdaman ko sa katangahan ko. Pero kailangan kong magkunwaring okay ako pagbalik ko sa pamilya ko" naiiyak na naman ako. Anak ko... sana napatawad mo na si mama...
"Ayokong matulad saken si Hara. Masyadong nalunod sa pagmamahal hindi na inintindi ang batang nasa tyan niya. Alam ko ang hirap na pwede niyang pagdaanan. Masakit Liana. Sobrang sakit"
"Sorry bakla oh my gosh"
"Ok lang" ngumiti ako "kahit masakit kinakaya ko. Ilang taon na din naman na ako lang nakakaalam ehh. Manhid na ko bakla haha. tama din naman kayo. Dapat malaman ni Hara yun. Siguro nga hindi na ko dapat makialam"
"Bakla ipaintindi mo kay sir Ron..."
"Sasabihin ko naman ehh. Ayokong may tinatago sa kanya. Saka gusto ko muna gumaling siya bago ko ipakilala ang sarili ko ng buo kase gusto ko makayanan niya. Matatanggap ko naman kung ano man isipin niya ehh. Pero nauna ngang magtalo kami ngayon"
"Maiintindihan ka ni sir Ron bakla"
"Sana nga. Sana"
"Mahal mo naman si sir Ron di ba?"
"Oo. Sobra. At alam kong nagkamali ako ngayon. Sana lang pakinggan niya ako"
"Andito lang kami ni Riza para sayo bakla"
"Salamat"
Sana pakinggan mo ko Ron. Sana matanggap mo kung ano man ang meron sa nakaraan ko...
Ron's PoV
It's only been two days. At eto kami, nag-away na kaagad dahil kay Hara. Kelan ba ko lulubayan ng babaeng yon?!
Umuwi na muna ako. Ayoko nang lumaki pa yung away namin ni Isay. Sana lang din maintindihan niya ako sa bagay na to.
Ayokong matulog ng hindi kami nagkakaayos. Mahal na mahal ko si Isay. We need to work this thing out. Simpleng away lang to na hindi dapat pinapatagal. Siya yung habambuhay ko. Kaya aayusin namin to.
BINABASA MO ANG
Synesthesia
Fiksi PenggemarSo what if Edward was a heartbroken young man with a heart problem who is not allowed to experience excessive joy and after a minor heart attack from being cheated on and then he meets Maymay who has to color his world slowly with real love? -direk...