Melissa's PoV
"I have loved you only in my mind
But I know that there will come a time
You'll feel this feelin' I have inside
You're a hopeless romantic is what they say
Falling in and out of love just like a play
Memorizin' each line
I still don't know what to say
What to saaaaaayyy
Don't know what to do
Whenever you are near
Don't know what to say
My heart is floating in tears
When you pass by I could flyyyyy"Andito na ko sa loob ng restaurant nung pagttrabahuhan ko. Sabi nung isang empleyado dito umalis lang yung mag-asawa nagkaurgent matter daw. Sarado yung restaurant ngayon kaya nililibang ko lang ang sarili ko sa pagkanta.
"Huy feel na feel mong kumanta dyan haha"
"Ayy sorry bagot na bagot lang hehe"
"Riza nga pala. Tapos eto si Liana, waitress din kami dito"
"Helloo!!"
"Hi! Melissa naman ako. Pwedeng Isay na lang"
"Mukhang may pagkabuang ka din ah? Hahaha magkakasundo tayo hahaha"
"Ayy natural na saken maging buang hahaha"
"Since birth!" Ewan ko pero sabay sabay naming nasabi yon kaya natawa na lang kaming tatlo. Hahaha. Nice. New prends!
Maya maya lang dumating na yung boss namin
"Oh? Why are you guys still here? You should go home already" sabi nung lalaki
"Ehh sir Bert inaantay kayo ni Isay ehh sinamahan na namin"
"Isay?"
"Ser!! Reporting for duty po!"
"Ohh you're the one recommended by Tere?"
"Opo ser! She's my aunt! Hehe. Hello ser!"
"Ok. Nice meeting you. You can start by tomorrow"
"Thank you ser!"
"Sige na magsiuwi na kayo. Babalik pa ko sa ospital"
"Sir kamusta si sir Ron?" Tanong ni Liana
"Not so good." Huminga ng malalim si sir Bert "and it seems like he doesn't want treatment anymore"
"Sinong sir Ron?" Tanong ko kay Riza
"Anak nila, naospital daw kanina, inatake sa puso"
"Hala!" Napalakas ata yung reaksyon ko kaya napatingin saken si sir Bert
"Ahh ehh sir bakit ayaw na ng treatment?" Tanong ko na lang. chismosa ako pasensiya na
"His girlfriend apparently broke up with him, kaya din siya inatake sa puso. Ngayon, nagising nga siya pero gusto naman na niyang mamatay"
"Hala dahil lang sa babae ser? Di dapat ganun ser!"
Nasiko naman ako ni Riza, napasobra yata ako ng reaksyon😅
"Sorry ser hehe"
"No it's fine. I'm actually hoping for him to want to live longer, kahit para samin man lang ng mama niya. We're doing everything para makaipon ng pampagamot niya sa Amerika, but then because of a brat girl, inaayawan na niya"
"Brat girl?"
Ngumiti na lang si sir Bert sa tanong ko.
"Hoy masyado ka nang chismosa" bulong saken ni Riza
"Sige na magsiuwi na kayo"
"Yes sir!"
"Kayo munang tatlo bahala dito bukas until I don't know when ok? Babantayan ko muna anak ko sa ospital. Inform me if anything happens. I'll also contact you kung may kailanganin man ako"
"Ok sir!"
"Please do well in your work... Isay right? Since nirecommend ka ni Tere, I'll trust her. Wala lang talaga akong time magbantay sa restaurant ngayon"
"Makakaasa kayo ser! Di ko kayo bibiguin pramis!"
"Good. Oh sige na. Ingat kayong tatlo sa pag-uwi"
"Kayo din po! Pakisabi kay sir Ron magpagaling po siya hehe" sabi ni Liana
"Thanks"
Sabay sabay na kaming umalis ng restaurant tatlo.
"Hoy ikaw bawas bawasan mo yung pagkachismosa mo naloloka ako sayo kanina hahaha" sabi ni Riza
"Ehh sorry naman. Natural na saken yun ehh"
"Kawawa sila sir Bert ano? Sana gumaling na si sir Ron"
"Crush mo yon ano? Haha" sabi ko
"Hoy hindi ah! Naggwapuhan lang ako no pero di ko type ugali"
"Bakit?"
"Masyadong cold"
"Luh?"
"Ni hindi mo makitang ngumiti or what. Bawal na ba kahit ngiti sa may sakit sa puso?"
"Ang OA naman"
"Kaya nga nawweirduhan ako. Sayang gwapo pa naman sana lalo kung palangiti lang siya"
"Ano ba itsura?"
"Gwapo!" Sabay na sabi ni Riza at Liana
"Wow ah hahaha"
Humiwalay na ko sa kanila kase ibang jeep ang sasakyan ko pauwi. Nako bibili pa nga pala ako ng makakain naming apat nina mama. Ako na tumatayong ama sa bahay simula nung mamatay ang tatay ko sa sakit sa puso. Nagising na lang kami isang umaga wala na siyang buhay. Kaya eto kayod! May dalwa pa kong nakababatang kapatid na lalaki. Nag-aaral sila at pinagsisikapan namin ni mama na makapagtapos sila ng pag-aaral. Kahit sila na lang hindi na ako.
Dumaan muna ako sa karinderya para bumili ng makakain namin para sa hapunan, pagdating ko sa bahay nakaabang na yung tatlo saken.
"Ate!!" Greg
"Ate anong binili mong ulam? Sana naman hindi-" Kiko
"Gulay!!"
"Ateeee kelan tayo mag iimprove ng ulam??" Kiko
"Pag nakapagtapos ka na"
"2 years pa yon ate!!"
"Nagkakarne naman tayo minsan ah wag ka ngang ano dyan kiko. Pag nakagraduate ka at nagkatrabaho kahit araw arawin pa naten ang karne"
"Hindi na ko makaintay grumaduate, hindi lang ng college kundi pati sa pag-uulam ng gulay"
"Buang ka talagang bata ka"
"Nak, kamusta araw mo?"
"Ok naman nay, wala ako halos ginawa kasi sarado ngayon yung resto. Alam mo ba nay may dinala pa ko sa ospital kanina, inatake sa puso, pero di gaya ni tatay, siya nahimatay na lang bigla."
"Oh? Kamusta?"
"Nagising nay bago ko iniwan"
"Buti naman"
"Ginawa akong poste nun nay! Bago nahimatay saken sumandal, tapos minura ako bago hinimatay. Tapos alam mo nay ang ginawa niya pagkagising niya?"
"Ano?"
"Sumigaw ng 'Am I in hell?!' Nay ginawang demonyo tong gandang to!"
"HAHAHAHAHA ate mukha ka daw sabog hahahahaha" Greg
"Che!"
"Bakit di mo na lang iniwan ate? Yiiieee" Kiko
"Anong yiiee. Tampalin ko bibig mo eh. Syempre kargo de konsensiya ko yon habang walang nagbabantay ng hindi nagigising, ako nagdala sa ospital ehh"
"Gwapo ba ate?" Greg
"May itsura"
"Nako ate pag nagkita ulit kayo ni kuya pogi baka siya na poreber mo hahaha"
"Nako jusko tigilan niyo kong dalawa"
BINABASA MO ANG
Synesthesia
FanfictionSo what if Edward was a heartbroken young man with a heart problem who is not allowed to experience excessive joy and after a minor heart attack from being cheated on and then he meets Maymay who has to color his world slowly with real love? -direk...