18

807 45 2
                                    

Ron's PoV

"Anak ko ang arte hahahaha Ron tumayo ka na dyan maghilamos ka na din pagkatapos ni Isay tapos ehh kumain na kayo. Umuwi ka na muna at maligo bago yung date niyo mamaya"

"Opo tita"

Nag-ayos na nga kami pareho para makapag-agahan. Maya maya lang din ehh nagising na yung mga kapatid ni Isay.

"Oh kuya pogi aga mo ah?" Kiko

"MAAGA talaga kuya 😑" Greg

"Haha Greg, come here buddy"

"Bakit kuya?"

"Thank you for making her sleep outside. I'll give you something to make it up with your puyat" bulong ko sa kanya. Bumalik naman yung sigla nung bata hahaha tapos bumulong din

"Nahulog ba sayo kuya?"

Tumango naman ako

"I knew it! Hahahaha"

"Ok na tayo?"

"Yes naman kuya pogi!! Ok na ok!!"

"Sige na maupo ka na dyan hahaha"

"Anong binulong mo sa kapatid ko ha?"

"Wala. Nagsorry lang ako sa naging puyat niya kagabi, di ba Greg?" Sabi ko sabay kindat kay Greg

"Oo ate!! Okii na!! Happy na uli ako!! Hahaha"

Sumama naman ang tingin saken ni Isay

"What? Haha"

"Wala che"

Habang kumakain kami napansin kong may kanin pa sa gilid ng labi ni Isay.

"Isay..."

"Oh?"

Naghanap ako ng pwedeng pamunas kaso wala. Hinawakan ko yung baba niya saka inalis yung kanin gamit yung isa ko pang kamay

"May kanin hehe" tapos sinubo ko yung butil ng kanin

"Bushak! Pwede namang sabihin na lang oy!"

"Natanggal ko naman na ehh 😊"

"Ate kalat mo talaga kumain! Hahaha" Kiko

"Leche"

Bago ako umalis sa kanila kinausap ko muna si Isay andito kami sa labas ng bahay nila.

"Ingat ka ha?"

"Opo. Gusto ko pa makita sunshine ko eh hehe"

"Suskopo. Umuwi ka na nga! Baka mapagalitan ka na nina sir Bert!"

"Yes mam!"

Di pa ko nakakalayo sa kanila ng makaramdam ako ng kirot sa dibdib ko kaya napatigil ako sa paglalakad. Am I too happy?? Bawal ba??

"Ron!! Okay ka lang?!" Pagsunod saken ni Isay

Nag ok sign ako sa kanya at pinilit kong ngumiti pero hindi na niya ko hinintay makasagot. Inalalayan na niya ako papunta sa sakayan

"Dadalhin kita sa ospital"

"Wag na..."

"Manahimik ka dyan"

Ramdam ko na bigat ng paghinga ko sa bawat paglakad namin. Pagsakay namin sa sasakyan hinawakan niya yung kamay ko.

"Pumikit ka muna. Hinga malalim. Ikalma mo puso mo please."

Wala na ko nagawa, sinandal ko na lang ulo ko sa balikat niya habang pilit na hinahabol yung hinga ko.

Melissa's PoV

SynesthesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon