20

873 40 2
                                    

Ron's PoV

Hindi ko siya binibitawan. Wala akong pakialam kung matanggal ang dextrose ko, basta andito siya. Andito siya sa tabi ko.

"Ser! Bitaw na oy!"

"No. I won't let you go"

"Ser masakit sa balakang ang pwesto ko ser!"

"Stop calling me sir, bibitawan kita"

"Pero ser- woy!!"

Hinigpitan ko lalo yung yakap ko sa kanya tapos hinalikan ko siya sa noo. Nahampas naman niya ako. Funny how I missed her hitting me.

"Isay please, don't leave me" bulong ko sa tenga niya

"Naaah bitaw oy!!"

"Say my name..."

"Ron!! Bitaw na!" So I released her from my hug pero hinawakan ko agad yung kamay niya

"Isay..."

"Ano?!"

Tumayo ako at umupo paharap sa kanya.

"I missed you"

"Siraulo ka ba?!"

"Aray!!"

Hinampas na naman kasi ni Isay yung braso ko.

"Miss mo ko?! Magpagamot ka muna!! Hindi ka naman gagaling sa kaduwagan mo kaya wag mong masabi sabi na miss mo ko! Che!"

"But-"

"Wag mo ko maingles ingles sasamain ka saken"

😣

"Isay nag-"

"Bwisit ka!! Bwisit bwisit!!"

"Aray Isay!! Sandali kasi!!" Hinawakan ko na parehong kamay niya. Baka bago pa ko makapagpaliwanag puro na ko pasa 😣

"Bitawan mo nga ako leche!"

"I'm already taking treatments. Nagpapagamot na ko Isay. And I'll have heart surgery next week"

"H-ha?"

"Nagpapagaling na ko. Kahit maliit yung tsansa ng operasyon pumayag na ko, para kina mama, para sayo"

Melissa's PoV

"Naduwag ako, oo. Aminado ako don. Patawad. Patawad kung iniisip mo ginagago lang kita. Sorry if I wasn't man enough to fight for my own life. Sorry if you felt the need to leave, but please don't. Wag mo kong iwan Isay please. I can't live without you"

Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko na ba talaga siya.

"You can punch me all you want, wala akong pakialam, wag mo lang akong iiwan, please"

Inangat niya yung kamay ko tapos hinalikan yon. Eto na naman siya. Eto na naman siya sa mga salita niya. Aasa na naman ako tapos ano?

"Isay kausapin mo naman ako oh..."

"M-magpahinga ka na"

"Can you at least give me another chance?"

Hay. Mahal kita talaga Ronald De Castro.

"Siguraduhin mong mabubuhay ka, yun yung second chance mo"

"T-talaga? You're willing to give me another chance?!"

"Bahala ka dyan" sabi ko sabay kuha ng kamay ko at umupo na ulit pabalik sa sofa sa loob ng kwarto niya

"Magpapagaling ako, pangako yan. Mabubuhay ako Isay."

"Magpahinga ka na" sabi ko tapos itinago ko yung mukha ko sa isang magazine. Napapangiti ako ng walang dahilan nakakainis. Tama yan. Magpagaling ka. Magrecover ka, sasagutin pa kita.

SynesthesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon