Sa lumang boarding house, may bagong lipat. Tapos na siya mag-impake ng mga gamit niya kaya lumabas muna siya sa balcony para magpahinga at manigarilyo.
May napansin siyang itim na parang anino at pagtingin niya, isang batang babae na nakaupo habang nakasandal sa pader at parang naghihintay.
Pinapanood niya lang ang bata at nasa isip niya ay bakit siya naghihintay roon.
Pagkatapos ng ilan minuto ay tumayo ang bata at naglakad na parang nawala agad sa kanyang tingin.
Nagulat at nagtaka ang lalaki pero binaliwala niya lang niya kasi akala niya guni-guni.
Pagdating mga ilang araw ay kapag pupunta siya sa balcony tuwing hapon, madalas niyang nakikita ang batang babae nakaupo sa sahig at habang nakasandal sa pader.
Kaya hindi niya mapigilan sa pagnonood ay pinuntahan niya na lang ang babae pero pagpunta niya ay wala na siya agad.
Ang kanyang curiousity ay dumadagdag.
Sumunod na araw ay nakita niya ulit ang batang babae at same pa rin ang kanyang pwesto kaya ito na, agad niya pinuntahan at hindi niya pinatagalan pa sabay nakita na niya ang babae.
Ang malungkot na itsura ng batang babae ay ngayong nakangiti parang first time niya makakita ng tao.
Bigla napatayo at tumakbo ang batang babae sa lalaki at niyakap niya na madiin saka sabi, "Manong!" Nagulat ang lalaki dahil wala pa siya sa edad ng pwede siyang tawagin ng manong pero kaysa itanong niya, hinayaan niya na lang yakapin siya.
Pagkatapos humiwalay na ang batang babae sa pagyayakap at nag-anyaya siya nang pumunta sa park halong excited ang bata kaya pumayag ang lalaki.
Nang pagpunta nila sa park, kaysa tanungin niya ang kanyang pangalan niya ay umupo na lang siya sa bench at pinapanood ang batang babae na masayang naglalaro.
Habang pinapanood niya ay bigla sumakit ang kanyang ulo at saka nangitim ang kanyang paningin kaya napapikit siya.
Sa pagdilat niya, nawala yung nakikita niyang dilim. Ganon pa rin nakikita saka ang batang naglalaro. Walang pinagbago maliban sa istura ng panahon ay bumababa ang araw.
Sa malayo, may napansin siya na may nakatayo na isang silweta na nakangiti ito sa batang babae.
"Sino yon?"
Tanong ng lalaki at bigla tumingin ang silweta sa kanya kaya parang siya nagulat saka nagising na talaga siya habang humihinga ng mabilis.
Napansin niya ay bumababa na ang araw, ito yung nakita niya habang sa panaginip siya kaya madali siya tumayo at pagtingin sa park, nawala ang bata.
Nagulat at nag-panic. Una naisip niya kuwawa ang ang bata at mas lalo ang mga magulang nito.
Paikot-ikot siya ng tingin hanggang sa nakita niya na ang batang babae sa bandang malayo, nakangiti at kinakaway ang kanyang kamay.
Sa mga alala ng lalaki ay nawala, ngumiti at guminhawa ang kanyang loob, pupuntahan niya yung batang babae pero bigla tumakbo kaya nagulat ang lalaki at hinabol niya.
Habang tumatakbo, dumaan ang batang babae sa gitna ng kalsada at may paparating na kotse, sumigaw siya pero hindi yata narinig kaya lalo niyang binilisan tumakbo para sagipin ang batang babae.
Nang malapit na siya sa batang babae, tinulak niya yubg batang babae. Sa bilis niya tumakbo, nadapat ang lalaki kasi hindi napansin ang gap sa sidewalk at kalsada. huminto ang driver at sinigawan ng lalaki ang na gaano siyang walang kwenta mag-drive.
Pagtingin niya sa hawak niya ay nawala at napansin niya ay tumatakbo pa rin ang batang babae, hinabol niya ulit at mabilis na ito hanggang sa umabot sila sa isang maliit na bahay.
Sa paghinto niya, nakita niya ang batang babae na nakaturo sa pinto, huminga siya ng malalim dahil sa kakatabo niya at nagtaka siya kung bakit nakaturo ang batang babae sa pinto na 'yon kaya lumapit ang lalaki sa pinto at binuksan niya.
Sa pagbukas niya ay nakita niya na isang patay na katawan at nangangamoy pa ito. Hindi niya maintindihan ang amoy basta mabaho ng parang patay na baboy.
May napansin siya sa patay na katawan, isa palang batang babae kaya paglingon niya ay nakangiti ang batang babae at sa mga mata niya ay ibang iba. Bigla nangdilim ang paningin ng lalaki.
Sa paglulubog ng araw, lumapit ang isang matandang lalaki, hindi makita ang mukha dahil nakatalikod ito, sa batang babae at tinanong na bakit siya lang mag-isa naglalaro sa park. Ang sagot ng batang babae ay inaantay niya ang kanyang nanay pero matagal pa makakauwi ang batang babae.
Ngumiti ang matandang lalaki kaya niyaya niya na ilibre raw siya ng ice cream kaya natuwa ang batang babae at masayang tanggap niya sa pag-anyaya, kaya naglakad sila.
Pero iba ang daanan nila, nakapunta sila sa isang maliit na bahay. Nagtaka ang batang babae at tinanong kung bakit sila nandoon, nangdiyan ba ang bilihan ng ice cream.
Sinuntok ng matandang lalaki ang bata sa pisngi kaya napatumba saka nanghina ang katawan. Hinatak niya ang batang babae papasok sa loob ng maliit n bahay.
May nangyari sa loob, nakatakip ang bunganga ng batang babae gamit ang kamay ng batang lalaki habang may ginagawa sa kanya. Ang saya-saya ng matandang lalaki paglabas sa maliit na bahay.
May napansin ang lalaki sa itsura ng matandang lalaki, pamilyar.
Hanggang sa realize niya, siya ang landlord sa kanyang tinitirahan. Wala ginawa ang lalaki, nakatayo lang at gulat sa nangyari. Pinanood niya lang sinarado ang pinto kung saan naiwan ang bangkay ng babae.
Pag-gising ng lalaki at napansin niya nasa labas siya, hindi siya makapaniwala sa kanyang paniginip at nangyari sa batang babae.
Bumalik siya sa boarding house para kunin ang kanyang cellphone at i-report niya ang landlord sa mga pulis pero napansin niya nakasarado ang pinto ng kwarto niya, kinapkap niya ang bulsa niya, pagkakaalam niya ay dala niya ang susi bago umalis.
Pag-alis niya sa harap ng pinto ng kwarto niya para pumunta sa police station. Sa kapit-bahay, may narinig siya ng may bagong news galing kaya pinanood niya muna yon.
Ang sabi sa balita, isang binatilyo at nasa edad na 20 na pataas, namatay dahil sa hit and run, pinakita ang mga picture.
Nakita niya sa balita ang bangkay nang katawan ay ang kanya na naiwan sa gitna ng kalsada.
The End.