Midnight Call

1 0 0
                                    

Sa hapon, ang isang lalaki ay nag-aayos ng kanyang gamit na biglaan may dumating sa harapan niya, ang isang babae na president sa classroom nila. Type na type niya yung lalaki kaya nilapitan niya tapos itinakda niya magbuhat ng mga dadalhin sa faculty room na kasama siya kaya pumayag na lang ang lalaki ng tulungan siya.

Ang dalawa tao ay nagtutuwaan at saya nila sa isa't isa. Nagkukuwento lang ang babae about sa nangyayari sa kanya saka ang lalaki ay tumatawa at nakikinig lang.

Maya't maya, nagtanong ang babae kung may girlfriend na ba daw siya.

Nginitian lang ng lalaki siya at tumango.

---

12:00 a.m.

RING RING RING RING RING RING

Isang malakas na ringtone sa madaling na araw ako at dahil dito na nagising ako, kinuha ko yung phone ko para tignan kung sino tumatawag sa akin sa ganitong oras.

"Evelyn's calling"

Whoa! Girlfriend ko! Sigurado na may ginawa na naman siya... Oh, sht! Magagalit 'yon kung hindi ko sinagot yung tawag niya!

Bumangon ako sa kama at pinindot ko yung call.

"Eve." Tapos inilagay ang speaker sa tainga. Wala akong narinig sa linya niya, hangin lang. Nagtaka ako pero pakiramdam ko na ginawa niya ulit ito.

"Anong problema?" Kalmado kong tanong sa kanya.

".... Pwede pumunta ka rito?" Sagot niya sa kabilang linya. Binigay ko siya masayang sagot na oo para hindi siya makaba sa nangyari. Binaba niya yung tawag at tumayo na ako para maghanda. Nagpalit ng damit at dinala yung

Sa harap ng pinto sa bahay ni Eve. Kumatok ako ng 5 beses, ang call sign namin. Pero wala pa bumubukas ng pinto kaya tinary ko yung door knob para buksan, sarado rin. Hindi niya yata narinig ang katok ko, kinuha ko na lang yung duplicate key na binigay sa akin.

Ilan minuto, nabuksan ko na yung pinto gamit duplicate key. Pagpasok ko sa bahay niya, walang katao-tao at ang tahimik pero ramdam mo yung atmosphere ng bahay. May presence na may nangyari. Sinarado ko na muna yung pinto, nagpaalam muna ng "pasensya sa abala," tapos tinanggal yung tsinelas at iniwan sa tabi ng pinto.

Naglakad ako. Sa bandang sala na medyo malapit sa kusina, may naamoy ako na mabaho kaya pagdating ko na sa kusina, nabigla ako dahil sa nakita ko.

Isang babae na nakahiga na walang kamalay malay, maraming hiwa at saksak, sa hindi ko mabilang ilan sa sobrang maraming dugo lumalabas sa katawan niya at ulo.

May katabi ito na nakatayong babae, pagtingin ko ay si Evelyn, walang emosyon. Balot siya ng dugo, mukha, damit, at skin niya. Sobrang kapal ng dugo at pansin ko sa kanya na naka-gloves siya habang may hawak ng kutsilyo.

Niyaya niya ako na pumunta kami sa likod ng bahay kung saan nandoon ang kabinet ng mga kagamitan, ewan ko kung kailan niya nasimulan pero una talaga ay takot na takot ako hanggang sa nasanay na ako sa ginagawa niya ganito.

Inilapag ko yung bag sa sahig at binuksan niya ang pinto ng kabinet, kinuha niya bleach, mop, brush, at iba pa mga gamit pangtanggal ng baho.

"Pasensya sa pagtawag ng ganitong oras." Sabi niya na hindi lumilingon sa akin, ngumiti na lang ako at kinuha ko sa kanya yung bleach, mop, at balde.

"Hindi, ayos lang." Sabi ko. After namin kunin mga gamit at yung bag, pumunta na kami sa patay. Habang palapit ng lapit kami, sa pagharap ng patay ay napansin ko na yung itsura. Ang president sa classroom ko na kausap ko labg kanina lang, hindi ko kasi masyado napansin una dahil kalbo ito at nakatalikod sa akin.

CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon