Otaku Girlfriend

0 0 0
                                    

"Pwede ba kita ligawan?"

Sumunod ng maraming buwan. Hindi ko ine-expect na magiging ganito, bumibili siya ng mga bagay na hindi ko alam.

Ang name niya ay si Ariana, ang tao na mahal ko. Isang maganda, humble, makulit, friendly, energetic pero isa lang hindi ko alam sa kanya ay isa siyang Otaku.

"Chaz, ito!" Binigay niya ako ng isang keychain na anime character, isang maliit na character with color black ang hair at colored ng mata niya ay green, naka-school uniform ito at may lumalabas na kidlat kulay green.

"His name is Deku, binili ko yan kasi kamukha mo~" Masaya niyang sabi sa akin at bumalik ulit sa pagbibili ng mga anime stuff.

This thing ain't look like me... Except yung kulay ng hair at hairstyle nito, isip ko at tinanggap na lang kasi bigay ng girlfriend ko so sino magrefuse? Ay, marami pala pero iba ako doon kasi never once niregalo ako ng mga ex's ko.

"Chaz, tignan mo yung hawak ko!" Tinawag niya ako at tumingin sa kanya, pinapakita niya sa akin isang jacket? Tapos different pattern, isa ay red at isa geometrically patterned na green, orange, at yellow.

"Ito yung Haori ni Giyuu! Try ko pang-cosplay kita!" Masaya niyang sabi pero tinignan ko lang yung haori na uninterested kasi parang nabobored na ako at nabigla ako na nagulat siya.

"Sorry... Akala ko gusto mo pero mukha pinipilit kita... Pasensya na." Pilit siyang ngumiti habang sinasabi mga yon at binalik yung haori. Ang tanga ko potaena, lalo nagkamali ako sa pinakita ko sa kanya.

"Wait!" Kinuha ko yung haori at uniform nito at binigay sa nagtitinda, "Bibilhin din namin ito." Sabi ko doon at tumango na lang siya saka nagkwenta.

"Sorry, Ariana. Kung pinakita ko sayo maling attitude, may iniisip kasi ako at napadaan dito sa nararamdaman ko, pasensya ka na talaga..." Pagpapasenya ko sa kanya at binigyan niya ako ng angelic smile saka sabi na, "Okay lang, sabihin mo na lang mga gusto mo at susunod na lang ako sayo." Saka sinabi ng counter magkano, pinaawat ko siya sa pagbabayad. This time kasi ako naman. Binigay ko yung pera sa counter at kinuha yung haori na nakaplastic sa loob ng plastic bag saka lumipat ng booth. Habang naglalakad kami, tinanong ko si Ariana.

"Say Ariana, magdate kaya tayo sa amusement park?" Tanong ko sa kanya at nabigla siya saka ang ngiti niya napunta sa pagtataka, "Bakit?" Tanong niya.

"Wala lang, gusto ko lang kasi sumakay sa mga rides tapos makita ko itsura mo na natatakot, natutuwa, saka mga iba't ibang expression mo." Pagkasabi ko yon, bigla siya namula ng parang kamatis saka yumuko.

"Sige... Kailan?" Tanong niya habang nakayuko pa rin, umagikgik ako dahil sa expression niya ngayon, "This Saturday, sa Enchanted Kingdom." Sabi ko sa kanya at tumango lang siya saka naglakad na kami, tinignan ko ulit ang keychain.

Well, masaya naman magkaroon ng girlfriend na otaku.

The End

CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon