Flowers

1 0 0
                                    

Pagkatapos nang ilang taon nakakalipas. Ang mahal kong lalaki, si Raphael, parang nagbago ang ugali niya.

Parang hindi siya sa sarili niya...

I mean mukhang depressed, somber, miserable, parang patay na siya sa loob, saka umiinom palagi ng alak, hindi rin lumalabas ng bahay, nagsisigarilyo, at hindi na rin siya kumakain ng mga pagkain. Tapos sobrang dumi at makalat pa kwarto niya parang lagayan ng mga basurahan.

Nakakapagtaka, bakit naging ganyan siya, kailan nagsimula yung ganyan niya? Ang mga palagi kong katanungan.

Ngayon, nakaupo siya sa marumi niyang kwarto habang pinapanood niya nga stars galing sa ilaw ng nakabukas na starry lamp habang tumutulo ang mga luha niya. Pinapanood ko lang siya sa kalagayahan niya na yan habang nakaupo sa harapan niya.

Gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang lambingin, at gusto ko rin siyang comfort...

Bigla may tumatak sa utak ko. As her fiance, kapag nalulungkot siya, gagamitin ko ang magic trick ko ay papasayahin ko siya! Para makalimutan ang kanyang iniisip na malulungkot.

Ngumingisi ako habang papalapit sa kanya, binigay ko siya funny faces na nakakatawa sa kanya at yung jokes ko yung makakapos siya ng hininga sa kakatawa to cheer him up pero mukha hindi siya natatawa at ako lamang tunatawa sa mga lames jokes ko. Tumayo lang siya at pinatay ang lamp ng pinapanood niya, tumayo din ako at sumunod sa kanya papalabas sa kwarto niyang madumi.

Ano ba nangyari sa kanya?

Kailan siya naging ganyan?

Bakit hindi niya ako pinapansin?

Paano nangyari ang pagbabago sa kanya?

Gusto ko malaman ang sagot ng mga tanong sa utak ko. Habang sinusundan siya, umupo siya sa couch at nakayuko. Bigla ko naalala sa couch na yan, ang madalas namin bonding dalawa.

Umupo ako sa tabi niya at tinignan ko ang nakayuko niyang ulo ng parang may iniisip ng malalim, hinawakan ko braso niya at tinanong, "Raphael... Bakit malungkot ka ngayon? Sabihin mo sa akin problema mo..." Tanong kong mahinahon sa kanya pero hindi siya umimik o nagsalita, nanatiling nakayuko.

Tapos nagulat ako sa ginawa niya kasi bigla siya tumayo at tumingin sa akin gamit ang kanyang paglulungkot na mata, namula ako na halong na-excite kasi akala ko sasabihin niya na problema niya pero lumihis siya ng tingin at dumiretso sa banyo. Pinuntahan ko siya sa banyo na nainis kasi hindi ako pinansin at sumigaw.

"Raphael, hindi habang buhay binabaliwala mo lang ako? Sabihin mo naman sa akin." Pinakusapan ko siya habang lumuluha na ako

Hindi niya ako sinagot.

Lumabas siya ng banyo at nabigla ako sa itsura niya ngayon kaya tumigil ako sa pagluha at tinakip ko mukha ko. Bakit lalabas siya nakatuwalya.

Dumiretso lang siya sa kwarto niya at sinundan ko pero hindi pumasok kasi privacy. Ilan minuto, lumabas siya ng kwarto at nakabihis ng maayos saka inayos niya kwelyo niya. Dumaan siya sa living room at kinuha niya yung wallet niya sa bandang desk saka binuklat niya ito, sa mata niya nagform ng luha at lumihis siya ng tingin saka sinarado yung wallet saka naglakad papunta sa pintuan at binuksan niya ito, sinundan ko siya palabas ng bahay niya.

Habang naglalakad kami, tinignan ko buong paligid na nadadaanan namin, wala pagbabago except sa ibang mga store mukha mga bago at tinignan ko rin yung langit, napakagandang mga bituin na nagniningning. Tapos tumingin ako kay Raphael na nakatalikod sa akin at naglalakad lang, ngayon lang lumabas si Raphael at sayang hindi niya pinapansin lugar ng dinadaanan niya.

Pumasok siya sa flower shop na palagi siya bumibili ng flowers at doon ang dati kong pinagtrabuhan. Sinundan ko siya at pumasok din sa flower shop. Napahanga ako sa sobrang improve at ang daming flowers na naka-display. Tumingin ako kay Raphael, parang din siya isa sa mga bulaklak.

"Oh, a man always buys the same roses every this day." Tawag ng babae sa kanya pero hindi siya sinagot ni Raphael. Kilala niya ba mahal ko? Ano pumupunta dito ng every this day.

"Ganon pa rin flowers?" Tinanong ng babae employee doon at tumango lang si Raphael.

"Huwag ka lumungkot. Lahat ay magiging okay..." Tinitiyak niya sa kanya at habang inaayos niya ang mga bulaklak. Bigla napaluha si Raphael at nawala ngiti ng employee na nag-aayos ng bulaklak.

"Alam ko masakit at mahirap talaga, kuya. Pero ayos lang, for sure magugustuhan niya yan!" Binigay niya yung flowers at kinuha lang ni Raphael na walang sabi saka nilapag yung bayad sa desk at umalis, sinundan ko siya palabas ng flower shop.

Ano sinasabi niya? Magugustuhan niya?

Bigla ako nakaramdam ng lungkot at selos, napaluha kasi sa narinig ko... Siguro may liligawan siya ng bago kaya hindi ako pinapansin...

Bigla umambon pero patuloy kami sa paglalakad at naalala ko hindi dala ni Raphael yung payong kaya tinawag ko siya. Hindi niya ako sinasagot.

"Raphael! Maabunan tayo, wala ka pang dalang payong!"

Tuloy pa rin sa pagtatawag at sinasabi sa kanya hanggang sa point nagalit na ako.

"Punyeta naman to si Raphael! Saan ka ba pupunta? Bakit hindi mo ako pinapansin! Bakit hindi mo ako kinakausap!" Habang lumuluha, hindi man siya na-flinch o nilingon ako, tuloy pa rin sa paglalakad at ang ambon bigla lumakas at bilis pagtulo.

Umuulan na ng malakas at wala pa rin paki si Raphael, kahit mabasa man kami ng ulan, tuloy pa rin siya. Nakita ko lumiko siya kaya ginaya ko rin siya, hindi ko.makita ang direction pupuntahan namin kasi sa lakas ng ulan at naka-focus pa rin ako kay Raphael sa paglalakad.

Bigla huminto si Raphael sa harapan ko at lumuhod, hindi ko makita expression niya at bakit siya lumuhod. Lumapit ako sa kanya para tignan bakit siya lumuhod at ano expression niya at nakita ko na.

Kaya pala may nangyari sa kanya

Kaya pala siya naging ganyan

Kaya pala hindi ako pinapansin

Kaya pala ang laki ng pagbabago niya

Nasa cemetery kami... Si Raphael nasa libingan ko, binababa niya ang mga bulaklak na kanyang binili sa flower shop sa sahig.

Ngayon araw ay namatay ako.

"Yanna..." Tumingin ako sa kanya at nakangiti siya habang lumuluha, "Hindi sa isang araw nang hindi ko pinapalampas ang pagbisita dito... Kailan mo ako mapapatawad?" Umiyak siya tahimik.

The end

CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon