Meron ako isang pusa, ang kanyang pangalan ay Sky. Dahil isa siyang binigay ni God sa akin. Inalagaan ko siya noon baby pa lang siya, nakita ko kasi siya sa daanan at umiiyak, wala mga kapatid niya o mommy niya kaya ako ang umano bilang ina sa kanya.
Pinalaki ko siya, kahit na tuwing madaling araw umiiyak para lang linisan ko siya o painumin ng gatas.
Hanggang lumaki na siya, tuwing umuuwi ako galing eskwela ay siya agad ang nabubungad ko at ang kanyang malakas na, "meow" sa pagbati sa akin.
Nasanay ako na palagi siya umaalis ng bahay at babalik tapos tatawagin ako. Natutuwa ako sa kanya at kahit na nagdadala siya ng patay na ipis at ibibigay sa akin.
Pero hapunan, hindi siya umuwi. Nag-aalala ako pero sabi ng magulang ko, babalik din daw gabi pero kinagabi na, hindi pa umuuwi. Lumabas ako para hanapin siya at tinatawag ang kanyang pangalan baka lumabas siya at isang "meow" lang.
Hindi ko siya mahanap at sa gitna ng kalsada, bigla ako napaluha at parang bumigat ang buong katawan ko at nanghina.
Hindi ko na rin matanggal ang mga sinasabi ng utak ko.
"May kumuha ba sa kanya?"
"Naligaw kaya siya?"
"Ano gagawin nila sa pusa ko?"
"Saan ka na, Sky?"
Ilan araw nakalipas, wala pa rin sign tungkol kay Sky. Kahit na naglagay ako ng poster na may sabi;
MISSING CAT
Wala tumatawag sa akin o pumunta sa bahay namin, report na nakita nila si Sky o mga tsismis na may nakakita sa kanya.
Isang umaga, may isang guard tumawag sa akin, sabi may pusa sila nakita sa playground at kamukha daw ng pusa ko kaya agad ko pinuntahan, hindi nagdoble-isip.
Pagtingin ko, pusa ko nga pero mahaba na buhok niya na at ang dumi pero sa ibang parte ng balahibo niya ay nandoon ang unique na kulay.
Lumapit ako sa kanya at tinawag pangalan niya kasi namiss ko siya ng sobra. Nag-hiss siya sa akin pero binaliwala ko 'yon at umupo ako sa harapan niya, at tuloy pa rin ako sa pagtatawag sa kanya.
Nang inilapit ko ang kamay ko sa kanya para amuhin, una ay tinitignan ako saka inamoy niya at bigla nilambing ang kamay ko.
Bigla bumuhos ako sa pag-iyak, ang pusa ko na nag-survive sa kahirapan, ang pusa ko na inalagan ko noon baby pa lang siya, ang pusa ko na tuwing uuwi ako, babatiin ako, ang pusa ko kasama ko sa paglalaro, ang pusa ko mahilig sa kalokohan, ang pusa ko na nilalambing ako tuwing malungkot ako.
Ang mahal kong pusa, nasa harapan ko, nilalambing kamay ko.
Pero pagpikit ko, parang malabo paningin ko at madilim. Pinunasan ko luha ko, ang nakita ko ceiling at naramdaman ko nakshiga ako.
Nagising ako sa reyalidad at nandoon pa rin ang ekspresyon ko na umiiyak.
Miss na kita, Sky.
Uwi ka na...