Feiy's POV
Maaga na at nagising na agad ako. Pumunta na ako sa baba at nakita si Mama na nagluluto at wala si Kuya
"Asan po si Kuya, Ma?"tanong ko kay Mama
"Kasama ang mga kaibigan niya. Sabi niya don daw muna sya matutulog" paliwanag ni mama kaya tumango na lang ako. Kaya umupo na ako at pati na rin si mama, di na naman kami kumpleto kumain.
"Ahh, Ma musta na po pala yung business?"sabi ko atsaka napatingin sa akin si mama
"Ok naman Baby, salamat sa pagaalala"sabi ni Ma at ngumiti siya.
***
Matapos na nga ako kumain ginawa ko na nga ang daily routine ko. Umalis agad ako ng bahay ng maaga at maglalakad na lang, di naman ako marunong magdrive ng kotse laging si Kuya. At habang naglalakad ako feeling ko may sumusunod sa aking na kung ano man. Tumungin ako sa likod at isang kotseng itim ang nakita ko at tingin ko naka stop naman ito. Pero hindi ko naman ito nakita sa daan kanina lang. Mali lang yata ako ng iniisip, kaya pinagpatuloy ko ang paglalakad ko. Kaso feeling ko talaga may sumusunod sakin.
*Beep*
"Waahhhh kabayo!" Sigaw ko at napatalon pa sa gulat. Etong kotseng itim ang sumusunod sakin kanina pa, at ng ibaba nito ang bintana si Shu lang pala
"Sa gwapo kong ito kabayo?Pinapasakay ka sakin ng kapatid mo, wag ka lang tumayo diyan" sabi neto sa nanaiinis pa ang itsura. Papasok sana ako sa likod kaso naka lock.
"Lock naman ehh" reklamo ko sa kanya.
"Gagawin mo pa akong taxi driver, no?"sabi niya, Eek nakakatakot naman sya kung magalit. Kaya sa passenger seat ako umupo at tumingin sa bintana. Walang nagsasalita sa amin kundi ang radio lang. Inaamin ko gwapo siya na nakakatakot.
"Asan po si Kuya?" Panimula ko, para mas komportable naman ng kaunti kahit papano.
"Ahh nandun sya sa Gang House, whats prob?"tanong neto at umiling lang ako sa tanong niya.
"Wala naman po"sabi ko at kita ko na medyo napahigpit ang paghawak niya sa manibela. "Bakit po?" Tanong ko at bigla kami na pahinto sa pag andar bigla siyang tumingni sa akin.
"Hindi mo kailangan gumalang dahil magkasing edad lang tayo tandaan mo iyan"sabi niya na may pagkairita sa mukha, tumango ako ng dahan dahan. "Good"sabi niya at nawala ang inis sa mukha saka sya nag maneho.
"Salamat"sabi ko at ngumiti
"W-wala iyon, utos lang naman sakin ng kuya mo" sabi niya kaya napangiti na lang ako dahil merong naging mabuting kaibigan si kuya. Napatingin ako sa cp ko at nasa cafe daw sila.
"Geh mauna na ako"sabi ko, ngumiti sya at tumango lang. Naglalakad ako at nakita ang babaeng nabangga ko non sa hagdan.
"Well nagkita muli tayo Ms. Trash"sabi niya, tinignan ko lang sya at aalis na sana
"Oops, dont think about going somewhere else"sabi ng babae, teka sya yung babaeng tinulak ni kuya nung first day ko dito sa school. Ka-gang nya ba yung mga kasama nyang ito?
"Ano? Hindi kaba sasagot? Fine, dalhin nyo siya." Sabi ng Queen B, at hinawakan ng iba ang magkabilang braso ko. Kahit anong pagpupumiglas ko ay walang kwenta. Bat ba ang hina ko?
Pinunta nila ako sa walang taong lugar. Saka nila ako hinagis kaya nagasgasan ang tuhod ko sa sahig. At nagtawanan ang iba.
"Look at yourself! Such a Dumb! And Poor! Kawawain nyo sya sa paningin ko!" Sigaw niya at ang iba pinagsasabunot ako, pinagsisipa, pinagsasampal, at saka pinaghahampas ng kahoy sa mga hita at braso. Masakit sa totoo lang.
BINABASA MO ANG
Me and The Gang School (Hiatus)
Teen FictionMabait, mahiyain, at hindi magaling sa kahit anong sports na babae ang makikilala natin sa paaralang GSAI kung tawagin ay Gang School Academy Inc. At siya ay si Feiy Thorillio isang babaeng bagong lipat sa paaralang ito na puno ng mga gangs or gang...