Feiy's POV
Masarap ang tulog ko ng dumapi sakin ang sinag ng araw na sanhi ng aking pag gising.
Nu bayan sarap sarap ng tulog ko eh, panira naman -sabi ng isip ko. Kaya umupo ako at kinusot ang aking mga mata."Gising ka na pala,maghanda kana, Breakfast is ready"sabi ni Kuya at umupo sa dulong gilid ng kama. Pero bago muna yon tinignan ko ang kagandahan sa bawat sulok ng kwarto na itong pinagtulugan ko.
"Where are we Kuya? Hindi ito bahay natin? Nasan tayo?"sunod sunod kong tanong kay Kuya.
"Hindi nga natin bahay to. This is our house or let me say Gang House of The Colds. We're here to stay, because Ma is going to America for our company. She will stay there for 2 months, tingin ko hindi nya nasabi iyon sayo"mahabang litanya ni Kuya, Matagal pa pala ang balik ni Ma -malungkot kong sabi sa utak ko, na naibulong ko rin pala sa sarili ko.
"Nga pala, kailangan mo nang maligo, ang baho mo na eh"dagdag pa nya at tinignan ko sya ng masama
"Ano sinabi mo ha, Kuya?"Inis kong tanong at inamoy ko ang sarili ko. Abay wala naman akong naamoy sa sarili ko "Hindi naman ako mabaho Kuya!"dagdag ko at hinagisan sya ng unan, pero nailagan nya iyon.
"Syempre sarili mo yan, talagang hindi mo maamoy, yucks ambaho mo talaga"sabi niya at tinakpan pa ang ilong at hinawi hawi pa nya ang kamay na para bang may tinataboy na langaw.
"Eto na nga maliligo na nga ako sabi eh"sabi ko at inis na nagdadabog papuntang banyo at kita ko na ngumingisi sya ng papasok ako sa banyo saka ko sinimulan ang pagligo. Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto, at panigurado lumabas muna si Kuya ng kwarto.
Nang matapos ako maligo kinuha ko ang tiwalyang naka sampay at yun ang pinangtaklob ko sa katawan ko. Aba may blower dito, pero teka bakit parang samin ito ha?
"Nga pala Pandak nandiyan na lahat ng kailangan mo, inayos ko na ang mga gamit mo, lahat lahat"sigaw ni Kuya, para marinig ko hanggang dito sa banyo. Aba ang galing ha, advance si Kuya.
Ginamit ko na nga ang blower at pinatuyo ko ang buhok ko saka ako nag toothbrush. Pagkalabas ko ng banyo sinuot ko na ang uniporme ko na dinagdagan ng pagpolbo, at lipbalm sa mukha. Ang buhok kong black hair ay inayos ko sa pag ka pony atsaka ko binitbit ang bag ko.
Pagkalabas ko nakita ko si Kuya sa gilid na nakauniporme habang nakasandal sa pader at nakapikit. Nakuha nya ata ang presensya ko kaya napatingin sya dito sa gawi ko.
"Ready?"tanong ni Kuya at tumango lang ako sa kanya at ngumiti. Gumanti din sya ng ngiti sakin saka na kami lumakad. Habang naglalakad kami nakatingin lang ako sa kanya, at nakuha nya magtanong ng di ako sinusulyapang nakatingin.
"Anything wrong Feiy?"satanong niya na nakatingin sa cellphone
"W-wala po Kuya"sabi ko at wala nang imik sa aming dalawa. Nang bababa sana kami ng hagdan natuunan ko ng pansin ang isang chandelier sa gitna, na nakakabighaning tignan.
"Maganda ba?"tanong ni Kuya at tumango lang ako "Well kaming The Colds ang bumili nyan, there are about million of diamonds are in that chandellier" sabi nya. A-ano? Tama ba narinig ko? Diamond? Grabe yaman naman ng mga kaibigan ni Kuya.
"Eh Kuya sino nakaisip na magpatayo nitong malaking gang house na ito?" Tanong ko sa kanya, in-off nya ang phone at inakbayan nya ako...parang alam ko na sasabihin neto.
BINABASA MO ANG
Me and The Gang School (Hiatus)
Teen FictionMabait, mahiyain, at hindi magaling sa kahit anong sports na babae ang makikilala natin sa paaralang GSAI kung tawagin ay Gang School Academy Inc. At siya ay si Feiy Thorillio isang babaeng bagong lipat sa paaralang ito na puno ng mga gangs or gang...