Chapter 8 - Curiosity (1)

66 11 3
                                    

"May sakit ka ba? Alam mo kanina ko pa talaga napapansin na namumula ka eh"sabi ko napaiwas naman sya ng tingin at pinitik ang noo ko. "Waahhh! Masakit!"dagdag ko pa

"W-Wala akong sakit Liit!"pangaasar nya sakin.

"Aba! Ikaw naman higante!"balik kong sigaw, dumeretsyo lang sya at umupo sa sofa.

Parang kung anong meron sa titigan namin, parang may kidlat. Hanggang sa ma give up ako at tinarayan sya saka ako napahiga sa kama. Hmm about sa kanina lang atsaka dahil sa ngayon na sinabi nya...

Ngayon alam ko na... Alam ko na kung bat ito nagustuhan ni Kyla.

Sadya talagang caring itong si Dexter, hindi pala sya yung tipong puro galitin palagi. Di ko ba maintindihan, parang may kalahating anghel at may kalahataing ka demonyohan itong lalaki

***

Feiy's POV

Nandito pa din ako sa kwarto ko at walang magawa kundi ang magpagaling lang at ang tumitig sa kisame. Ang bagal ng oras, magtatanghali pa lang. Naisipan kong tumingin na lang sa bintana, kaya tumayo ako at pumunta doon pinatong ko ang siko ko at sinalo ng kamay ko ang baba ko. Sa pagkakatanda ko, dahil sa medyo maluwang ang bintanang ito dahilan para makapasok yung Ash na yun.

Pagnakita ko talaga sya?! Siguradong mapapatay ko yung lalaking iyon!! Akala ko mabait, yun pala ubod ng kayabangan at kasamaan. Teka, kundi dahil sa sikretong iyon hindi ako magkakaganito. Ano ba ang sikreto na sinasabi ng tato na lalaki? Bakit parang napakalaki yata ng sikretong iyon na hindi pwedeng malaman? Mabubunyag din yun sigurado ako, sabi nga diba? "walang sikreto ang hindi maitatago".

"Hayst,mukha akong nasa kulungan. Di pwedeng lumabas. Ano ba magagawa ko dito?"sabi ko sa sarili ko at narinig kong bumukas ang pinto saka pumasok si Higante, di ko sya pinansin ng umupo sya diretsyo sa sofa

Hmm ang magagawa ko lang siguro ay antayin sila Shiela kaso matagal pa. Nandito nga si higante kaso mukhang hindi naman ito makikisama. Teka di ko malalaman kung di ko susubukan!

"Hoy! Higante"tawag ko sakanya at napatingin naman sya, wews si uto gusto nga nya talaga tinatawag sya na higante Hahaha.

"Ano na naman ba?"sabi niya at bumalik ang tingin sa hawak nyang bat na hinahampas nya sa kanyang kamay.

"Wala pa akong sinasabi, gusto mong maglaro?"tanong ko sa kanya, napatingin sya sa gawi ko at nagtataka ang itsura.

"Laro? Ano namang laro yang naisip mong Liit ka?"pangaasar nya. Humanap ako ng mapaglilibangan at nakita ko ang isang tela.

"Ganito, i bli blind fold kita gamit itong telang puti. Tapos hahanapin mo ako kung nasaan ako"sabi ko sa kanya

"Pano kita mahahanap kung nakatakip yung mata ko?"tanong nya, hindi yata neto alam ang larong takip silim.

"Syempre papakiramdaman mo kung nasaan ako para mataya mo ako. At ako naman iiwasan ka para di moko mataya"sabi ko sakanya, pero mukhang di nya gets -,- "Osigeh ako ang taya, papakita ko sayo kung paano"tinakpan ko ng blind fold ang mata ko at syempre wala akong nakikita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 11, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Me and The Gang School (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon