Chapter 7- The Book that I... Judge?

129 12 16
                                    

"Errghhh, Di bagay sayo"sabi lang ni Kuya at hinawakan ang buong mukha ko gamit ang isang kamay nya lang at nilayo nya ako sa braso nyang yakap ko.

"Bagay kaya sakin! Cute cute ko nga eh, Ikaw lang itong pangit eh"sabi ko at humiga na saka tumagilid na nakaralikod sa kanya.

"Aba, nagsalita yung akala mong hindi"sabi nya, Arghh naiinis na talaga ako kay Kuya, kung wala lang talaga itong mga sugat at pananakit ng katawan ko, matagal ko na syang sinapok.

"Ewan ko sayo Kuya! Bahala ka, dyan ka matulog kung gusto mo"sabi ko na lang at pumikit, di ko namalayang nakatulog agad ako. Sabi ko sa inyo antukin ako eh hahhaha.

***

Feiy's POV

Medyo napapikit pa ako lalo dahil sa liwanag ng araw na tumama sa mukha ko. Kaya tumagilid na lang ako sa kabila ng maramdaman kong parang may katabi ako.

Hahaha sabi na't hindi ito makakatulog sa sofa si Kuya eh. Tignan mo? nagpapilit pa sa akin na dito sya matulog -sabi ko sa isip ko. Tinaas ko ang kamay ko at niyakap si Kuya......T-teka? Bakit parang medyo tumangkad ng kaunti si Kuya? Nang abutin ko ang paa ni kuya gamit ang paa ko ay di ko ito maabot, tas ang mukha ko ay nasa dibdib nya. Hmm... di ba hanggang baba ang tangkad ko kay Kuya? Bat ganito?

Saka ko naisipang imulat ang mga mata ko at medyo malab,o kaya kinusot ko ang mga mata ko but still nakayakap parin ako kay Kuya. Nang imulat ko ulit ang mga mata ko laking gulat ko na iba palang tao ang nakahiga dito sa aking kama at ang kapal ng mukha na natulog pa sya dito sa katabi ko?!

"WAAAHHH!!"sigaw ko at napa balikwas ng bangon at sinipa ko ang lalaking ito hanggang sa mahulog sya sa kama.

"ARAY PUTCHA!!"sigaw neto,..t-teka pamiliar yung boses, gumapang ako sa kama at sumilip ako kung sino. "HOY IKAW BABAE KA! MATAPOS MO AKONG HITAKIN SA KAMA MO AT MATULOG NA YAKAP PA AKO! GANITO LANG DIN GAGAWIN MO SA AKIN OAG NAGISIBG KA?!"sigaw nya matapos makatayo, nanlaki ang mata ko. Napaupo ako ng maayos sa kama at hinarap sya.

"Abay teka nga lang! Eh bat ba ikaw kasi ang natulog dito?! Edi sana ginising mo ako para binitawan kita! Ikaw itong may kasalanan eh!"balik kong sigaw sa kanya at tinuro turo ko pa itong dambuhalang bomba...arghh, Dexter

"A-Ako pa talaga ang may k-kasalanan?! Gusto mo bang masaktan ulit?!"hindi ko alam pero,bat sya nauutal?teka bakit din sya medyo namumula?

"Ako masaktan? Eh ikaw?! Mukha ka ngang may lagnat dahil ang pula mo"balik kong sigaw ulit sa kanya, kaso napansin kong parang natahimik sya at tumalikod sa akin.

Ano na naman kaya ang idadahilan netong higante? Bat to tumahimik? - saka ko naisipang tumayo, at saka ako sumilip sa gilid nya para tignan kung ano nangyayari sa higanteng ito. Nang tinignan ko sya ay napatingin din sya sa akin, at parang kung anong multo ang nakita nya kaya sya napaatras.

"Ano? Yung mukha mo parang nakakita ng multo"sabi ko lang at kita kong parang lalo syang namula kaysa nung kanina.

"T-Tumigil ka n-nga! L-Lumayo ka"Utal nyang sabi, teka? Ano ba nangyayari sa kanya.

Saka ako tumayo ng maayos at ang dalawang kamay ko ay nasa magkabilng bewang saka ako lumapit ng lumapit sa kanya, habang sya ay paatras ng paatras hanggang sa pader. Tinitigan ko yung mukha nyang pulang pula kagaya ng kamatis. Atsaka ko naisipang itaas ang kaliwang kamay ko at hinawakan ang noo nya at ang akin din gamit ang kanan, para ramdamin ko.

"Hmmm, wala ka namang lagnat eh"sabi ko lang saka ako lumayo at umupo sa kama. Napansin kong parang naka freeze lang sya doon sa pader na kinataas ng kilay ko.

Me and The Gang School (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon