Pinapanood ko lang ang choreography namin na si Kevin habang nag tuturo ng sasayawin naming (Barot saya) para sa buwan ng wika. Sabado na ngayon at may ensayo kami para sa gagawin naming Folk Dance sa lunes.
" ANO BAAAA! WALA PA BA SI BLAKE?!" napatingin kami kay Sir Jom ang adviser naming bakla. kung makatili naman ang baklitang to kala mo kinukurot sa itlog.
" wala pa sir " Sabi naman ni James na pa chill chill lang. Tapos katabi niya si Nalyn na pangiti ngiti pa na parang may something sa kanila ni James.Nag magtama ang mata nilang dalawa sabay pa silang napangiti. HHMMM wag ako alam ko yang mga galawan ninyong ganyan. MGA MALALANTUTAY!
" Kung sino pang malapit ang bahay siya pa ang late !" paghihimaktol ni Sir Jom. Wala padin naman kasi talaga si Baby loves ng buhay ko. Tanaw na tanaw lang namin yung bahay nya kasi halos katapat lang ng school pero kahit anino niya hindi pa namin nakikita. Halos kumpleto na ang lahat siya nalang ang kulang kaya hindi makapag simula. Naisipan ko ng tumayo para sunduin ko yung asawa ko sa bahay nila kaso...
" James! Rostom! sunduin niyo na nga si Blake!" pag hihimutok ni Sir. Umupo nalang ako ulit para di ako mapahiya. Natatawa nalang kami kay Sir kasi itong guro namin na hindut na bayut masyadong maiinipin ang ulo. Binuksan lang niya ang hawak nyang pamaypay at umirap sa amin. Ang arte.
Umalis na sila James at Rostom, medyo nadismaya ako kasi gusto ko ako ang sumundo sana sa kaniya kaso wag nalang marami kasing aso sa kanila baka mamaya lapain lang ako, Matigok at matapos na ang estoryang ito.
Makalipas ang 15 minutes na pag aantay dumating na sila. Sawakas! ang gwapo talaga ng love ko!! nakatulala lang ako ngayon sa kanya habang slow motion nanaman ang ng yayari sa paligid ko. Ang gwapo niya parin kahit bagong gising lang siya. Kahit naka tshirt na plain lang tapos pajama pa ata yung suot niya ang lakas padin ng dating. Yung buhok niya medyo sabog sabog pa at ang kanyang mata lalong naniningkit dahil siguro kakagising lang niya. Pero kahit na ganon!! Ama banal kapot makapangyarihan sa lahat sana po wag akong mag kasala na gahasain si Blake Yashita ngayon. Parang awa niyo na.
" OK formation!!!" sigaw ng choreo namin kaya dali dali kaming nag punta sa gitna. Pero ang mga mata ko hindi padin naalis kay Blake ang gwapo niya talaga! Papalapit naman na ngayon sa amin sila Blake para pumila narin sa gitna pero tinawag ni Sir Jom si Blake.
" Ikaw Yashita!!! " pagalit niyang sabi. Lahat kami napatingin sa dereksyon nila. Pwde ba siyang makipag usap na hindi sumisigaw batuhin ko siya ng microphone e.
"hindi porke gwapo ka eh pwde ka ng malate" Pag papatuloy ni Sir Jom unti unti siyang lumapit kay Blake at hinawakan niya ito sa balikat.
" Mukang kakagising mo lang ha. nag tanghalian kanaba?" Pati ako nagulat sa pag iiba ng tono ng Baklang hindut na guro namin parang lumambing ito.
"Pasensya napo " Sabi lang ni Blake sa malamig na tono at parang naiirita nanaman. Ni hindi nga siya tumitingin sa Guro na nasa harap niya.
" Oh sige na praktis kana don " sabay hawak ni Sir sa pisngi ni Blake. Natatawa pa si sir na kinikilig POTA PATAYIN KO KAYA TONG MALANDING HINDUT NATO! Sa mantalang si Blake parang hangin lang. Walang ekspresyon ang muka. lumapit na siya sa amin na parang inis na inis. Napansin ko nalang si James na nag pipigil ng tawa kaya naman siniko siya ni Blake.
matapos ang tatlong minuto. Tatlong minutong mahalaga sa buhay ko dahil nalaman ko na si Blake pala ang magiging partner ko! OW EM JI ! Lord napaka swerte ko naman. Kahit na hindi ako palasali sa mga ganitong activity sa school binigyan niyo ako ng pagkakataon na makasali at makapartner ang taong gustong gusto ko! Nasaan naba kasi si Nina wala man lang akong masaktan dito para lang mailabas yung kilig ko sa katawan!

BINABASA MO ANG
How Deep is Your Love
RomanceBASED ON REAL EVENTS Young and Pure love A story you will ever forget. Para sa mga taong pumasok o nainis pumasok sa mundo ng pag ibig. HANGGANG SAAN ANG KAYA MONG IBIGAY. Puno ng katatawanan, kilig ,kalokohan , kagaguhan at sana makapag iwan ng...