2011
Nagising nalang ako sa paulit ulit na tunog ng aking 3210nokia phone
—————————-
From: PUSIT
Hoy! Papazok khaba oh h!ndi~lady_Chicka22~
—————————-Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis dahil napaka jejemon ng pinakamatalik kong kaibigan. Halos makatanggap ako ng mahigit sampong message galing sa kanya. Napatingin ako sa wall clock ng kwarto ko. Mag si seven na pala ng umaga. Para sakin masyado pang maaga pumasok at mag asikaso para sa school. Inaamin ko isa din ako sa mga tamad at takot maligo sa umaga lalo na kapag walang mainit na tubig! Ang diskarte ko lang dadasalan ko muna ang napakalamig na tubig na galing sa baldeng sira sira gamit ang tabo na medyo maitim na sa pag kaluma. Sunod sunod na buhos, unting sabon at ISANG PACK NG PALMOLIVE na ubos saking maninipis na buhok.
Natapos na akong mag asikaso kakain nalang ako sa maliit na lamesa. Nakatakip ang ulam namin na tuyong isda. Napatingin ako sa masikip naming sala merong maliit na TV at luma lumang DvD. Sa may sahig nakalatag ang banig at andoon natutulog ang 7 years old kong kapatid na babae.
Hindi kami mayaman. Tingin lang ng mga chismosa yun saamin. Hindi kami yung tipong malapalasyo ang bahay. Nakakaranas din kami ng gutom, tulo sa bubong mula sa malalakas na ulan, nangungutang at nagkakatol sa gabi dahil iisa lang ang Electric fan. Inuupahan lang namin ang bahay at kasama ko ang kapatid ko , tito ko at yung lola ko. Hindi kami masyadong close ng lola ko simula bata pako lagi kaming nag aaway BAKIT?? Mahabang kwento.. Ang mama ko nasa ibang bansa nagtatrabaho ngunit hindi sapat ang kinikita nya para mag karoon kami ng mas magandang buhay. Hindi naman ako nag rereklamo masaya ako sa kung anong meron saamin lalo na lagi kong kasama ang kapatid ko hindi ko naman nararamdaman na akoy nag iisa.
Ang papa ko hindi ko kilala ni pangalan nga hindi ko din alam AT WALA DIN AKONG BALAK ALAMIN. Sabi lang ng mama ko iniwan na kami habang nasa sinapupunan palang niya ako.
"Joe! Hindi kaba mag aasikaso?! Kung hindi ka papasok .. hindi nadin ako papasok! "
Napatingin ako agad sa pintuan namin at sa babaeng nag salita yung bestfriend kong maitim oo MAITIM! Kaya pusit ang tawag ko dyan! Shane talaga ang tunay niyang pangalan tawag ko lang sa kaniya ay pusit sabi nga nila e " PAG MAHAL MO ANG KAIBIGAN MO BINUBULLY MO DAPAT" Ako si JOELYN ESPERANZA. JOE for short.
Napatingin ako sa relo ko.
" 7:52 am palang pusit " Habang sumubo ako ng tuyo na isda ninanamnam kupa ang ulo nito habang sinasawsaw sa suka."Bilisan mo! 8am kaya ang time!!" Inis na sabi nya napapailing nalang ako habang nag mamadali nadin.
Naka complete uniform. Mahabang palda lagpas tuhod, naka blouse na kulay tae hindi kasi marunong maglaba ng puti! Ito kaibigan ko Imbis na puti .. dirty white na ang kulay. Nakasapatos na pangtag ulan at halos hindi pa nag susuklay.
"School pupuntahan natin hindi gera" -Pang aasar ko sa kanya. First day of school ganyan ang itsura nya.
" Bilisan muna!!!" - inis na sabi niya sakin habang nag hihintay sa may pintuan namin.
Parehas lang kami ng uniform, Ngunit mag kaiba kami ng baitang, grade 6 palang sya first years HS (High School) na ako. Malapit lang naman ang school namin. Ilang bahay lang ng tsismosa ang dapat naming tawirin tapos may simbahan, tapos mayamang bahay, tapos may tindahan, tapos school na namin! (e/imagine niyo nalang)Sa madaling salita walking distance lang ang school namin. Kaya hindi ganon kahirap gumising kahit malate kami malapit lang.
Nakakasilaw ang mga make up! makakapal na lipstick! Eyebrow nilang hindi pantay! Yan ang mga bantay sa gate ng school namin kung tawagin sila mga (SSG/Special Services Group) kung baga sila ang batas sa school! Wala kaming sariling security guard, public school lang naman kasi at hindi pa afford kahit janitor man lang.
"Joe dapat mag SSG kanadin para makahanap ng katapat yang mga yan." - Sabi ni pusit. Habang naglalakad papalapit sa gate tinititigan niya ng masama yung mga babaeng nakatayo doon.
"Matumal yan. Saka wala akong planong mag ganyan alipin ng teacher yang mga yan e." At sabay kaming nag tawanan. Chineck lang ang ID namin ng mga SSG karamihan sakanila mga senior na sa school. Pagpasok namin sa gate tumunog na ang bell. Maraming estudyante ang nagtakbuhan at naglabasan sa mga room dahil magsisimula na ang flag ceremony na laging ginagawa sa quadrangle ng school.. Naghiwalay na kami ni Shane at hinanap ang pila ng bawat baitang. Ako sa first year si pusit naman sa grade 6. Halos Tanaw lang din namin ang isat isa.
" Find your height! High School!! "Sabi ng isang teacher sa harap maliit lang pero higante ang boses.
Napansin kong unti lang ang babae sa first year HS hindi pa lalagpas sa 15 . Ang totoo nyan Halos kalahati ng estudyante sa klase ko kilala kuna. Yung iba kasi kababata ko lang yung iba naman kaklase kuna nung grade 1&2. Hindi ko lang pinagpatuloy ang elementary ko sa school nato dahil lumipat kami ng tirahan. Kung baga ngayong high school lang kami ulit bumalik. Ngunit isa din ako sa mga transferies.
Sa kaliwang bahagi naman nakapila ang lahat ng lalaking first year halos tren ang haba nila.
Habang pinagmamasdan ko ang pila mula sa unahan hanggang sa pinakadulo natanaw ko ang lalaki na tahimik lang. Dahil matangkad sya andun sya sa pinakadulo. Maputi, balingkinitan kung titingnan para siyang may lahing koreano POGI GWAPO lahat na ng term te. nakalagay na ang kanang kamay sa dibdib dahil mag sisimula ng kumanta ang lahat ng Lupang Hinirang.
Sino kayo yon ang gwapo naman non sobra.
Sumabay na ako sa pag awit.
Ngunit parang may kabayong nag uunahan sa dibdib kong flat. Ang puso ko ang bilis ng tibok. Ito naba yung sinasabi nilang LOVE AT FIRST SIGHT?

BINABASA MO ANG
How Deep is Your Love
RomanceBASED ON REAL EVENTS Young and Pure love A story you will ever forget. Para sa mga taong pumasok o nainis pumasok sa mundo ng pag ibig. HANGGANG SAAN ANG KAYA MONG IBIGAY. Puno ng katatawanan, kilig ,kalokohan , kagaguhan at sana makapag iwan ng...