" Alam mo Joe unti nalang mabubuntis nayang slam notes mo, Kanina mo pa niyayakap " Naputol nalang ako sa pag di day dream ko ng marinig kong magsalita itong pusit nato. Tumingin ako sa kanya saglit, inirapan ko nalang sya at patuloy niyakap ang hawak ko na notebook habang nakatitig sa madilim na kalangitan at pinapanood ang pag ningning ng maraming bituin.Hanggang nagyon tuwang tuwa padin ako kasi sinagutan ni Blake ang slam notes ko.
" Hindi kaba kakain uubusin ko na ito " pag sasalita Nanaman niya. napatingin nanaman ako kay Shane na kasalukuyang kumakain ng isaw na binali namin kila aling Baby ( isa sa mga dakilang chismosa ). Nakatambay kami ngayon dito sa Bubong ng bahay namin. Palagi kami dito ni Shane tuwing gabi lalo na kapag maayos ang panahon. Natatanaw kasi namin dito ang dagat at napapaligiran ng malalaking bundok. Masarap mag muni-muni oh kaya mag imahinasyon na magiging kayo ng crush mo someday at magkakaroon kayo ng maraming anakis.
" Kakainin ko nato ha bahala ka dyan" napatingin nanaman ako kay Shane at aakmaing kukunin ko yung isaw pero huli na dinilaan nya ito at saka sinubo.
" Gagu ka! " sigaw ko sabay tulak sa braso Niya muntik pa syang ma out of balance dahil napalakas ata ang tulak ko. Buti nalang napabalikwas siya at hindi tuluyang nahulog sa baba.
" Tangina para lang sa isaw papatayin moko ! " hawak hawak pa nya yung dib dib nya nakala mo nauubusan ng hininga.
" Ang takaw mo kasi! Hindi lang ako nakatingin inubos muna lahat! nag tira ka nga stick naman! " pinakita ko sa kanya yung stick at itutusok ko sana sa leeg nya. Kaso tinamad lang ako.
Muli nanaman Akong tumingin sa notebook na hawak ko. Binuksan ko ang unang pahina at nakitang nakalagay ang pangalan ng taong kinababaliwan ko.
" Joe ako ba hindi moko papasagutin sa slam notes mo " tanong ni Shane na kasalukuyang pinang titinga yung stick na ginamit sa isaw.
" Wag kana hindi ka naman importante " This time ako naman yung tinulak nya na ikinagulat ko din.Kamuntik malaglag yung puso ko dahil napatingin pako sa baba buti nalang hindi Ako nag tuloy tuloy kundi tusok yung bungo ko dahil may malalaking bakod sa baba. Humarap ako sakanya at saka siya pinaghahampas. Hanggang sa nag hampasan nalang Kaming dalawa.
" Wait ayoko na !!! " pag pigil ko. Tiningnan ko ng mabuti yung notebook ko kusot kusot na ito siguro dahil ginamit ko din pang hampas sa kanya. Kasi naman nakakainis. Binuksan ko ulit ang pahina nakita nanaman ang pangalan ng crush ko.
" Para kang timang dyan Joe. Tumatawa ka nanaman" nakita kopang umirap sya sakin pero di. Nalang ako nag salita. Baka itulak ko na sya ng tuluyan eh.
" Wag ka ngang magulo dyaan kinikilig ako. Pinirmahan ni crush yung slam notes ko " saad ko saka tumingin sa kalangitinan saka ngumiti. Ng napakalawak.
" Ang pangit. Mo joe. Para kang tomboy na di maka ihi" Pang aasar lang ni Shane. Kahit kailan wala talagang pag support itong monggoloid nato. Inirapan ko nalang siya. Binuksan ko ang note book at ipinakita sa kanya yung mga nasagutan ni Blake.
" Tingnan moto nak— "
"Wala akong pake alam " sagot nanaman nya kaya hindi ko napigilan ihampas sa muka niya yung notebook. Napahilamos nalang sya at saka tumitig sa notebook na akala mo nag po focus talaga siya. Tinuro ko yung pangatlong question.
" DATE OF BIRTH: NOV. 25 1997. Ibig sabihin Sagittarius ang zodiac sign Niya ako naman cancer " Saad ko at sinundan ng malawak na ngiti. napatingin ako sakanyan nakita kong napakunot siya ng noo na parang hindi niya naiintindihan.

BINABASA MO ANG
How Deep is Your Love
RomanceBASED ON REAL EVENTS Young and Pure love A story you will ever forget. Para sa mga taong pumasok o nainis pumasok sa mundo ng pag ibig. HANGGANG SAAN ANG KAYA MONG IBIGAY. Puno ng katatawanan, kilig ,kalokohan , kagaguhan at sana makapag iwan ng...