DALAWA

23 3 0
                                        


"Blake.. Blake Yashita yon ang pangalan nya.. ang pogi no!" pabulong na sabi ni Nalyn habang sekretong nakatingin kami sa lalaking koreano. Ang lalaking nakita ko sa Flag Ceremony. Nasa classroom nakami ngayon. Naghihintay nalang kami ng unang klase. Nakatitig padin ako sa lalaki. nasa first row kami nasa 3rd row naman sya alphabetically arrange kasi ang seats namin naka dipende sa last name. Esperanza ang last name ko so bale dito ako sa bandang bungad.

"Muntae naman yung pangalan nya half half bayan" - Saad ko. at iniwas na ang tingin sa lalaking koreano

"Girl.. nako maraming nagkakagusto dyan wag kana dumagdag" - rinig kopang sabi ni Lori isa sa mga kaklase ko noon nung grade 1

"Kahit nga yung teacher nating bakla crush siya e" - Charry. bestfriend ni Lori isa din sa mga kilala ko.

"Suplado naman yan walang pinapansin kahit nung Grade 6 pa kami" - Nalyn. Kababata ko yan halos matalik konading kaibigan.

Napaisip ako sa Blake nayon dito pala sya nag grade 6 kaya maraming may kilala sa kanya.

-Taga dyan yan e yung sa malaking bahay ..

-Ang gwapo nyan ang dami talagang may gusto dyan ..

-Kaso masungit .

-Bakla ata yan e.

-sabi nila isnabbero yan at walang girlfriend

-muka syang koreano no ang gwapo naman sobra

Kanya kanya na silang opinyon at chismisan. Napasulyap ulit ako sa Blake na tinutukoy nila habang sya naman parang may dinadrawing lang sa notebook.

"Ikaw Joe siguro crush mona noooo-" Napalingon ako kay Nalyn. May halong pang aasar ang kanyang muka may kasama pang nakakalokong ngiti.

"Ako?! Tang-ina hindi no!!!!!! Pag dideny ko.

"Yiiieeeeeeee"

"Yiiieeee !!!" At sabay sabay nilang kantiyaw.

Hindi ko maintindihan pero pakiramdam ko umiinit yung buong muka ko.

——————————
Mabilis Lumipas ang isang buwan napakabilis dahil napakadami naming araw na walang pasok dahil sunod sunod ang bagyo lalo na pag buwan ng Hunyo. Kaya tuwang tuwa nanaman kaming mga estudyante. Pero napapansin ko sa sarili ko ginaganahan akong pumasok palagi dahil sa kadahilanang gusto kong makita ang koreano nayon. Inamin ko sa bestfriend ko na may gusto ako sa kanya sya lang yung pinag kakatiwalaan ko sa mga ganitong bagay.

"Oo nga tama ka pogi talaga yon..  kahit nga sa mga kaklase ko grade 6 palang nag kakagusto na sa kanya". Kwento ni Pusit habang kumakain ng mangga at paduyan duyan pa ang paa habang nakaupo kami sa papag sa labas ng kanilang bahay. Walang pasok at Magkalapit lang din kasi kami ng bahay kaya madali akong nakakatambay dito sa kanila.

"Saka alam mo Joe kahit mag kagusto kadon di ka naman papansinin non" - dugtong pa niya. kinagat nya ng malaki yung mangga nahalos mangalahati na agad.

''Wala naman akong balak mag papansin'' - saad ko. inirapan ko nalang siya at nag hahanap ng mangga na nakalagay sa plastic bag.

" kung totuusin Mas lalaki ka pa nga don!" Napakunot yung noo ko sa sinabi nya. Tumingin naman sya sakin at tinitigan ang katawan ko mula ulo hanggang paa.

''Yan tingnan mo yan. Ang laki ng damit mo ang laki ng short mo! Hindi ka marunong magtali ng buhok! Wala kang make up sa muka. Halos lahat ng gamit mo panglalaki! Siga kapa maglakad kahit sino naman walang mag kakagusto sayo''  - kung hindi ko lang mahal itong kausap ko sinapak kona to agad. Umirap nalang ako at sinusubukan balatan ang mangga.

How Deep is Your Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon