ANIM

20 1 2
                                        


Linggo ng umaga nandito na kami ngayon sa school upang gawin ang huling ensayo para sa Folk dance namin bukas. Nakasandal lang ako sa may pader ng stage habang kinakain ang binili kong Cream stick kila aling Baby (isa sa mga chismosa). Hinihintay lang namin ang Choreo na dumating pati narin si Blake dahil late nanaman kasi ito. Habang pinag mamasdan ko lang ang bahay ng Crush ko na tanaw na tanaw mula dito sa entablado hindi ko makalimutan ang ng yari kahapon.

" KABABAE MONG TAO BASAGULERA KA"

Tanging iyon lang ang tumatakbo sa isip ko mula pa kagabi. Paulit ulit na linya pati nadin ang malamig na tono sa boses ni Blake. Ano bang magagawa ko, siguro kaya ko lang naman nasapok si Angela dahil ninakaw niya yung C2 ko YUN LANG TALAGA ANG DAHILAN. Naalala ko pala kagabi may mga nag hahanap sa akin na mag asawa. Napag alaman ko na magulang pala ni Angela yon nag ka black eye daw siya at nahihiyang lumabas ng bahay. Galit na galit sakin ang mag asawa sabi nila ipapakulong daw nila ako. As if namang matatakot ako e kasalanan naman ng anak nila. Nang dahil sa ng yaring iyon kagabi galit na galit sakin kaninang umaga tumawag siya ng Long distance para lang sermonan ako. Wala nakong ngawa kundi tanggapin ang parusa niya na wala daw akong allowance ng isang buwan. kahit nasa America si mama alam niya ang ng yayari dito sa amin dahil ang lola kong sumbungera ang laging nag sasabi kay mama. Alam ko nahihirapan na si mama kakatrabaho doon tapos binibigyan kupa ng sama ng loob. Pano ba naman kasi mahilig lumapit sakin ang gulo. Napatingin ako sa kaliwa ko at nakita si Angela na nakikipag usap kay Lori. Naglalagay pa siya ng lipstick at nag mamaganda. Napairap nalang ako. Kunyare pa itong si Angela na hindi makalabas ng bahay eh bakit nandito sya ngayon?! Ang sabihin nya nag iinaso lang siya at kaya andito yan ngayon dahil alam niyang makaka partner niya si Blake. Tinakpan nya ng concealer yung black eye nya para hindi halata. Sapakin kupa kaya yung kabila para pumantay.

" Goodmorning kuya kevin" bati ni Lloyd. Binati narin siya ng ibang estudyante. Tumayo narin ako para makapag ayos na dahil andito na ang Choreo namin maya maya lang mag sisimula na to pag na kumpleto na kami.

" Ok guys formation na ulit! Mag sisimula na tayo " Sabi ni kevin na ngayon na katayo sa harapan namin.

" pero Kuya kevin wala pa po si Blake " saad naman ni Angela na nag pout lips pa sya na akala mo kinaganda niya ito. Nag muka lang siyang bisugo.

" oo nga pala " Napakamot si Kevin sa ulo niya at parang may iniisip.

" Hindi na pala sasali satin si Blake kinausap niya kami kahapon " dagdag ni Kevin. Ikinagulat naming lahat iyon.  Mabilis akong lumapit kay Kevin dahil baka mali yung narinig ko.

" Ha bakit hindi na siya sasali ? Sino nalang partner ko? " pag tatanong ko sa kanya halos narinig naman ng lahat kaya napatingin sila sakin na gulat na gulat.

" excuse me ako kaya partner ni Blake remember nag palit tayo " Nagpantig yung tenga ko sa bruhildang babae na si Angela dahil sa sinabi niya.

" Excuse me may black eye kaya yang mata mo, remember ?" Pinakita kupa yung kamao ko sa kanya. " baka gusto mo dag dagan kupa " Sabi ko sa kanya na halos sunugin ko na siya dahil nag liliyab ang mata ko habang nakatingin sa kanya.

" wwwoooo "

" 1 on 1 daw oh "

" hawakan mo nga tenga Joe "

" sabunutan nayan "

Mga kung ano anong komento ang naririnig ko pero wala akong paki dahil mag katitigan padin kami ni Angela pati siya nakatitig din sakin ng galit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 19, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

How Deep is Your Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon