SIMULA: A night with Him

349 5 0
                                    

WARNING: Slightly SPG 😁

Her Pov

Kinakabang ipinunas ko ang namamawis na palad sa suot kong palda habang hindi mapakali sa kamang kinauupuan.

Dagdagan pa na nakapiring ang dalawa kong mata at nakikiramdam lang ako. Ang tanging alam ko lang ay dinala ako ng mga lalaking hindi ko kilala kung sino dito sa isang silid at sinabing maupo saka maghintay.

Tama ba 'tong desisyong ginawa ko??

Tama ba na sumale ako??

Malalim akong napabuntong-hininga saka malungkot na tumango sa sarili.

Bahala na...

Akmang gagalaw uli sana ako sa kinauupuan ng marinig ko ang marahang pagbukas ng pintuan.

Awtomatikong napatayo ako at mahigpit na hinawakan ng dalawang palad ang gilid ng palda ko.

" S-sino yan?! " medyo basag ang boses na tanong ko.

Ano ba Ajel ! Ginusto mo yan diba ?! Yan mamatay ka ngayon sa kaba !

Ang sarap huguten ng konsensya ko sa loob ng bungo saka pigaen dahil sa sinabe nitong iyon. Pero wala ng atrasan to kaya bahala na.

Napabagsak ako ng upo ng may mahigpet na mga kamay ang humawak sa balikat ko at padiin akong tinulak sa kama.

" S-sino kaba huh?! " di maitago ang kaba na tanong ko.

Hanep naman yan ! Akala ko ba sarap ang mararanasan ?! Bat parang kaba ata ang ikamamatay ko?!

" H-hoy -! "

" Makinig kang mabute... " natigilan ako dahil sa boses na iyon.

Wala sa sarileng napalunok ako ng laway at kinagat ag sarileng dila dahil sa magaspang na boses ng nagsalitang iyon.

Na animo anumang oras ay pwede niya akong gawan ng masama pag hindi ako nakineg sa sinasabi niya.

" Bukas pagkalabas mo ng kwarto na'to ay wala ka ng maipagmamalaki pa sa magiging asawa mo sa tamang oras dahil sa pinili mo " napakunot noo ako.

" A- "

" Tapos naba 'ko? " muli akong napalunok sa sinabi nitong iyon.

Sabe ko nga hindi pa..

" Madame-putang ina..." napakagat-labi ako sa malutong niyang mura. " Alam mo ba kung anong klaseng grupo ang gusto mong pasuken? " napayuko ako sa tanong niyang iyon.

Malumanay magsalita..

Mahina magsalita..

Kalmado pero..

Nakakatakot yung himig ng boses ng taong kaharap ko ngayon.

Na kapag sumagot ako at nagsalita ng isang salita na ayaw at hindi niya gustong marineg ay baka masampulan kagad ako.

Bat ganon? Ganto ba talaga kapag sasale at bibigyan ng initiation??

Ganto ba talaga kapag bibinyagan??

Kapag sumasale sa frat??

Tas imbes na ipagmalaki o itaas ng miyembro yung grupong kinabibilangan niya ay ibinababa niya pa ito??

Ganon ba talaga??

Sino ba kase tong taong kaharap ko ngayon?? Oo alam kong lalake, pero sinong lalake?? Bat ganto nakakatakot?

Napakislot ako ng lumuwag yung pagkakatale ng panyo na nakapiring sa mata ko. Kasabay non ang paglaglag ng panyo at dumaan sa mukha ko ang ginamet sa pagpiring.

" Buksan mo yung mga mata mo "

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at sinunod yung sinabi ng estrangherong lalaki.

Yown, makikita ko den kung sino tong lalaking to na tinatakot ako gamit lang ang bose-

Eh?

Wala paden akong makita !

Sobrang dilim paden ng paligid at hindi ko maintindihan kung talaga bang nakadilat nako o hindi pa, kaya naman ilang beses ko pang kinurap kurap yung mga mata ko para siguraduhin kung nakadilat naba ako o hindi.

Pero wala talaga ! Madilim paden !

" As- "

" May nakikita ka? " napahampas ako sa noo dahil sa naging tanong na iyon ng estrangherong lalaki na hindi ko alam kung nasa harap ko ba o ano.

Ang sarap sanang pilosopohin at sabihing andame kong nakikita pero wag na pala, nagbago na yung isip ko at baka masampulan ako !

Magiisip na sana ako ng tamang isasagot dito ng maramdaman kong bigla nalang may naghiwalay ng dalawa kong hita ! Kasabay non ang pagpasok ng estranghero sa magkahiwalay kong hita.

Hanep !

Napapalunok na nagpaubaya nalang ako. Pero mahinang nagdadasal na sana naman sa susunod sabihan niya ko ng idadamoves niya diba !

Nanigas ako ng maramdaman kong may kamay na humawak sa leeg ko at ipinasok sa buhok ko.

Shetuks...

" Sabihin mo sakin kung anong nararamdaman mo... " napaawang ang labi ko ng maamoy ang mabangong hininga ng estranghero ng magsalita siya.

Mariin akong napapikit at hindi nakapagsalita.

Ilang segundo akong ganoon at muling dumilat para sana sagutin ang tanong niya ng maramdaman ko ang kanyang labi na padampi damping hinahalikan ang gilid ng labi ko. Pigil ang hiningang muli akong pumikit ng mariin at iniiwas ang mukha para hindi niya mahalikan ang bibig ko pero agad akong pinigilan ng kanyang hintuturo at itinapat ang mukha ko sa sariling mukha niya saka sinakop ang labi ko.

Sinipsip niya ang ibabang labi ko at naramdaman kong pinapasok din niya ang kanyang dila sa loob ng bibig ko.

Hanep yan...

Inangat nito yung kamay ko na mahigpit na nakakapit sa gilid ng palda ko at ipinulupot niya sa batok.

Mas pinalalim pa ng estranghero ang halikan namin at hindi ko namamalayang isinasabunot ko na pala sa buhok niya ang dalawang kamay ko na nakapulupot sa kanyang batok .

" Anong pakiramdam??... " muling tanong niya at muling dinampi-dampian ng halik ang bibig ko.

Lumunok ako at animo lasing na isinandal ang mukha ko sa leeg ng estranghero.

Ambango..

Pero sinapo ng dalawang kamay niya yung mukha ko at idinikit ang noo ko sa kanyang noo.

" Tinatanong kita " muli na namang naging nakakatakot yung boses ng estranghero kaya muli akong napalunok para ibsan ang panunuyo ng lalamunan.

" M-ma... " napakagat labi ako.

Hanep naman ! Bat ba nagtatanong pa siya kung anong pakiramdam?!? Hindi ba pwedeng gawin nalang niya  ang dapat na gawen para tuluyan na akong maging opisyal ng myembro ng frat nato !

Mapapahiya ako pag sinabe kong masarap eh !

Matunog na lumunok ule ako ng laway at akmang sasagot na pero muli na naman akong hinalikan ng estranghero !

Hanep ah ! Sabeng magsasabe eh !

***

A Night with a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon