AJEL
Malakas na napasinghap ako at napadilat dahil sa malalakas na katok na nagmumula sa pinto ng banyo ko.
Wala sa sariling napairap ako sa kawalan.
Paniguradong si Mama yan at gusto akong kausapin dahil sa hindi ko pakikipag-kooperasyon sa nangyaring meet-up between Re Sadida and Valmar family.
Eh ano bang magagawa ko? Eh sa biglang umurong ang tapang at pagkamaldita samahan nadin ng pagrerebelde ko ang lahat ng makita ko si Ales na siyang ipinakilala sakin. Kasalanan ko ba namang naumid ang dila ko?
" Angela Jelessa! Lumabas ka dyan at mag-uusap tayong dalawa! Wala kang konsiderasyon! Pano mo naaatim na ipahiya kaming dalawa ng papa mo?! Ganyan kaba talaga kasuwail na anak?! Ni hindi ka man lang nakipagplastikan doon!! "
For the nth time ay napairaip muli ako.
Panong walang konsiderasyon?! Eh ni hindi na nga ako kumukontra sa mga pinaguusapan nila habang nakikipag-usap sa pamilya Valmar bagos wala pading konsiderasyon?! Dat nga magpasalamat pa sila na umurong lahat ng plano ko kanina kung hindi ay baka mas malala pa ang ikinagagalit niya ngayon panigurado.
" Angela Jelessa Re Sadida! Ano- "
" Ma naliligo pa naman ako! Can't you just calm down and wait for me a little bit?! " Malakas ang boses na sigaw ko dahil medyo malayo ang pagitan ng bathtub sa may pinto.
Tumayo nadin agad ako sa pagkakahiga sa bathtub at naglakad na papunta sa shower para magbanlaw ng katawan. Panigurado din naman kasi na hindi nako makakapag-relax dahil pag nagtagal pako dito sa loob ng banyo eh baka kunin pa ni mama ang susi para lang mabuksan ang banyong ito.
Madilim na mukha agad ni Mama ang nabungaran ko sa pinto palang ng banyo. Lumabas ako ng tuluyan ng banyo at binitawan ang seradura matapos kong isara ang pinto. Agad namang tumayo si Mama mula sa pagkakaupo sa kama ko at nakahalukipkip na sumunod sakin ng maglakad ako patungo sa harap ng salamin at umupo sa upuan.
" What do you think you are doing Jelessa?"
Kinuha ko ang suklay at inumpisahang magsuklay ng buhok.
" Bakit naging ganon ang pakikitungo mo sa pamilya Valmar? Didn't I told you to play nice with them?!"
Nagpakawala ako ng marahang buntong-hininga habang isinasaksak ang blower sa socket para magpatuyo ng buhok.
" Hindi ba't sinabihan ka namin ng papa mo na magpakabait sa harap nila?! Pero anong ginawa mo?! "
Inayos ko ang suot na turtle neck na longsleeve na pwedeng ipantulog saka ako tumingin kay mama gamit ang repleksyon niya sa salamin.
" Ma, diba nagpakabait naman ako? Ni hindi nga ako nagsalita doon at mga tango lang ang sinasagot ko! " Sagot ko nalang sa tadtad na tanong niya sakin.
Wala akong balak patagalin ang paguusap naming ito ni Mama dahil baka makahalata siya sa kung anong suot ko ngayon. Well I'm maybe conservative in any way at madalas den na laging longsleeve at pajama ang suot kong pantulog sa gabi at alam kong alam yun ni mama pero iba padin na naka-turtle neck ako ngayon sa harapan niya kahit gabi naman.
" Gusto niyo paba na nagsasalita nga ako pero puro naman kapilosopuhan ang isagot ko doon? Di ba hindi? Kaya please lang Ma, I wanted to rest early tonight " pagpapanggap ko at pinababa ang boses.
Sinuklay kong muli ang buhok ko ng matuyo ito ng blower at hinugot na ang saksakan.
Narinig kong bumuntong-hininga si mama sa likuran ko.
" I'm sorry anak, pasensya na kung ipinosisyon ka kaagad namin ng papa mo sa ganitong sitwasyon pero believe us anak, we're just doing this for you...gusto lang naming i-secure ang future mo.. " mukhang nakonsensya siya sa narinig na boses ko at naging mababa nadin ang tono ng pananalita niya.
Believe me din Ma, pero di ako naniniwala sa sinasabi mong 'yan
Nag-iwas nalang ako ng tingin mula sa pagkakatingin ko kay mama sa salamin at tumayo na mula sa pagkakaupo.
" Matutulog na ako Ma " nakatalikod na sabi ko at binuksan na ang lampshade sa may lamesa saka tagilid na humiga ng kama, patalikod sa kung nasaan si Mama.
Ipinikit ko ng mariin ang mga mata para ipakita sa kanya na wala talaga ako sa mood makipagtalo ngayon. Di rin naman nagtagal ay tuluyan na akong ginupo ng antok.
Pero bago yun, naramdaman ko pa ang marahang paghaplos ni Mama sa buhok ko at ang magaan na pagdampi ng labi niya sa tuktok ng ulo ko.
***
" Babe... " tabingi ang ngiti ng ibaling ko ang mukha sa nakasimagot na si Abeth saken pagkabukas na pagkabukas ko sa pinto ng sasakyan namin.
" Babe mo mukha mo! Buti naman at dumating ka na?! Akala mo ba nakalimutan ko na yung ginawa mong hindi pagsagot sa lahat ng mga tawag at text ko sayo ha?!! " Napangiwi ako sa lakas ng boses na siyang ibinungad sa akin ni Abeth dito sa parking lot ng school.
" Thank you Manong " kinuha ko na ang shoulder bag na gamet at lumabas na ng sasakyan matapos magpaalam kay Manong Emil saka mabilis ang hakbang na naglakad palalit kay Abeth na nakatayo di kalayuan.
" Sorry talaga babe...may nangyari lang kasing- "
" Anong nangyare nagyare ka dyan?! Tragis ka babe sobra mo'kong pinag-alala alam mo ba ha! "
Sobra ko nga ata siyang pinag-alala kase hindi naman ganto to magagalit kung di siya sobrang nag-alala sakin.
" Sorry na babeeee babawi ako pramisss " hinawakan ko ang braso niya at nagpa-cute ng kaunti.
Masamang tingin lang ang isinagot niya sakin saka hinila ang braso at walang pasabing tinalikuran ako at naglakad na palayo sa parking lot.
Napahampas nalang ako sa noo ko at nagmamadaling sumunod.
Deadma ang medyo masakit pang pagkababae ko, basta kailangang mawala ang pagkabanas sakin ni babe kasi yari talaga pag tumagal pa'to.
May kailangan pa naman akong sabihin sa kanya.
Nang makarating kami sa classroom ay ibinaliktad ko ang upuan paharap sa kanya saka sinusuyo ko padin siya.
Kahit talaga kailan mahirap itong paamuin. Lalo na pag sobrang bigat ng ginawa mong kasalanan sa kanya. Well, di din naman kasi siya nagagalit basta basta lang sa malilit at walang kakwenta-kwentang bagay kaya naman kapag nagalit ito ay alam mong galit talaga dahil minsanan lang naman. Saka nakakatakot at nakakabahala talaga.
Mukhang sobrang bigat talaga nung ginawa ko kahapon.
Sabagay, sino ba naman kasing matutuwa na may nag-aalala na sago bagos dimo man lang sinasagot ang mga tawag ang text nito? Malamang kahit ako. Kaya diko din masisisi si babe.
"Babe naman... Sorry na talaga ha.. Nag-" hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil napansin kong tumahimik ang mga kaklase ko kaya akala ko dumating na yung prof.
Umayos ako ng pagkakaupo sa upuan ko at nakayuko ang ulo na kinuha ko ang notebook para sa Philo subject namin ng hindi tumitingin sa pintuan.
Nang makita ang notebook para doon ay nag-angat na ako ng ulo para lang magulantang na may lalaki palang nakatayo sa harapan ko.
Hindi lang lalaki kundi isang nakakatakot na lalaki pala.
BINABASA MO ANG
A Night with a Stranger
RomanceTrying to be a rebel daughter, binigay ni Angela Jelessa Re Sadida ang pagkabirhen sa isang estrangherong lalaki dahil gusto siyang ipakasal ng kanyang mga magulang sa kasosyo nito sa negosyo. Labing-walong taong gulang pa lamang ang dalaga kaya nam...