SIYAM: Meet Aled Dran Valmar

166 7 16
                                    

AJEL

" Sorry, I'm late " iniwasan ko ang nagbabantang tingin ni mama sakin saka ako marahang umupo sa tabi niya.

Parang de javu.

Nandito uli ako sa isang mamahaling restaurant kasama ang mga magulang.

Suot uli ang turtle neck na kulay maroon this time at nakalugay lang ang buhok ko.

I greeted Mr. and Mrs. Valmar at tulad nung isang gabi'y binigyan uli ako ni Mrs. Valmar ng magiliw na ngiti.

Nakakahiya dahil sa pangalawang pagkakataon ay late na naman akong dumating! Kung bakit ba naman kasi nakaidlip ako pagkatapos ng-

I unconsciously bit my lower lip when I remember what had just happened awhile ago.

Pero hindi tulad nung isang gabi'y may nabago ngayon.

" Iha, this is my another son, Aled Dran Valmar "

What?

Napalunok ako ng laway ng makita ko ang walang ekspresyon na mukha ni Aled na nakatingin sa akin.

Hindi ko alam kung anong nangyari at bigla nalang akong tinawagan ni Mama para sabihing pagkauwi ko galing sa school ay dumiretso ako sa lugar kung san niya ako pinapunta nung isang gabi. Only to find out that we're going to meet the Valmar family-again.

But this time, ibang anak naman?

Just, what the hell.

Bahagya akong napaigtad ng maramdaman ang pagsiko sakin ni Mama sa tagiliran ko.

" Uh yeah, hello Aled good evening " simpleng sambit ko.

Akmang may sasabihin pa sana si Mama pero dumating na ang dalawang waiter para i-serve ang mga pagkaing inorder na siguro nila kanina.

Napapalunok na umayos ako ng upo sa aking upuan at pilit na hinahamig ang sarili.

Tulad nung nakaraang gabi ay tahimik lang ako habang kumakain at hindi umiimik. Simpleng tango lang ang isinasagot ko kapag pilit akong sinasali ni Mama sa conversation nilang matatanda.

I just focused my eyes to my plate and eat silently.

Ni hindi din ako nagtangkang sulyapan ang banda ni Aled na siyang katapat ko lang.

Just the thought of it makes me shiver.

Nang matapos kumain ay nagpasya akong magpaalam na pupunta lang ng restroom.

Pagkarating sa loob ay napasandal ako sa pinto niyon at mariing pumikit.

Umatras ba si Ales? Ito ba ang ibig sabihin ng sige niya kanina? Pero anong silbi ng pag-atras niya kung papalit din naman ang kanyang kapatid? Matatali at matatali padin ako sa ibang paraan!

What should I do now?

Should I do the same to Aled like I did to his twin Ales?

I doubt it!

Ni hindi ko nga matingnan ng matagalan si Aled kaya imposibleng magkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin sa kanya ang sinabi ko sa kakambal niya.

Tuliro parin ang utak ko ng lumabas ako ng restroom at bumalik sa table namin.

" We'll do it as soon as possible tito " natigilan ako sa sinabing iyon ni Aled.

What are they talking about?

" Andyan kana pala anak " pansin sakin ni Mama. " Why don't you talk to my daughter about your upcoming wedding iho? " halos lumuwa ang mata ko sa sobrang pag-irap sa sinabing iyon ni Mama.

A Night with a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon