AJEL
Kapag tinatamaan ka nga naman ng kamalasan!
Kabadong napalunok ako ng laway ng magtagpo ang mga mata namin ng lalaking nabangga ko.
Oo, hindi ako sigurado kung si Aled ba itong nasa harapan ko na sinasabi ni babe na isang delikadong tao pero iba eh, animo naka-automatic yung katawan ko na agad-agad kinakabahan kapag napapaharap sakin ang isang Aled Dran Valmar.
Tumikhim ako at sinikap na tuwirin ang salitang bibitawan.
" Sorry hindi ko sinasadya... " mahina ang boses na sabi ko.
Akmang yuyuko sana ako para damputin yung selpon na nasa kamay ko kanina pero naunahan na ako ni Ales...o Aled?
Ah ewan ko! Diko naman sila kaagad madidistinguish eh! Ni ngayong araw ko nga lang nalaman na may kakambal pala si Aled.
Inabot niya sakin yung selpon ko na agad ko namang kinuha.
" Sa- "
" Aled! "
Naloko na! Si Aled ang kaharap ko hanep!
Nanlalaki ang matang hinanap ko ang boses ng taong tumawag sa lalaking kaharap ko ngayon at nakita ang patakbong si Azandra palapit sa kinaroroonan namin ni Aled- this time I'm sure that the man infront of me is no other than Aled Dran Valmar.
" Uuwi ka na? " tanong pa ni Az kay Aled.
Simpleng tango lang ang isinigot sa kanya ni Aled at mabilis na itong tumalikod sa amin.
" Anong nangyari dun? " binawi ko ang tingin sa papalayong likod ni Aled at bumaling kay Az dahil sa tanong niya.
" Ha? " di-makahanap ng sagot na tanong ko.
Tinaasan lang ako ng kilay ni Az.
" Malay ko " masungit nalang na sabi ko.
" Ang sungit talaga nento! " natatawang asar niya.
Naguumpisa na naman ang baliw!
I just rolled my eyes at her and stayed silent.
" Nga pala, uwian niyo naden? " maayos naman ang pagkakatanong niya kaya pina-normal ko na ang ekspresyon sa mukha ko.
" May emergency yung prof namin sa accountancy " maayos kong sagot.
" Really? Same with us! Tara antayin natin sila Asha sa may likod ng Engineering building " aya niya at umuna na sa paglalakad papunta sa Engineering building kaya sumunod ako.
Wala pang sampung minutong paghihintay ay dumating na si Atasha at isa pang babaeng hindi ko pa kilala.
" Nagpaganda pa 'tong mga to oh! " agad na bungad ni Azandra sa mga bagong dating na tinawanan lang nila Atasha.
" Kasi may igaganda pa! Wapak! " di-nagpapatalong sagot naman ni Atasha saka bumaling sakin na tahimik lang dito sa may gilid.
" Hey Ajel, guess what? " masayang tanong niya.
Binigyan ko lang siya ng naghihintay na ekspresyon.
" Our founder message me earlier and guess what he said? " napairap na ako sa kawalan ng banggitin na naman niya ang salitang guess what.
" Napipikon na yang si Ajel kaka-guess what mo, siraulo kang Asha ka! " nagtawanan sila Asha kasama ang babaeng kasama niya sa sinabing iyon ni Azandra.
Mga siraulo talaga
" Ay sorry! Nadala ko kasi yung mannerism ni Ms.Aide kanina hahahaha! " tumatawang sagot ni Atasha.
BINABASA MO ANG
A Night with a Stranger
RomanceTrying to be a rebel daughter, binigay ni Angela Jelessa Re Sadida ang pagkabirhen sa isang estrangherong lalaki dahil gusto siyang ipakasal ng kanyang mga magulang sa kasosyo nito sa negosyo. Labing-walong taong gulang pa lamang ang dalaga kaya nam...
