LIMA: Blessed to have a Babe

97 3 1
                                    

AJEL

" What?! Are you out of your mind Angela Jelessa Re Sadida?!?! " galit na galit na sigaw ni babe sa mismong mukha ko.

Ikinwento ko ang lahat sa kanya, simula sa pag-announce nila mama sa gagawing pagpapakasal ko hanggang sa pagsali ko sa frat nila Azandra.

" Anong pumasok sa kokote mo at naisipan mong sumali ha?! Diba nga ayaw na ayaw mong sumali noon kaya kita tinulungan! " dagdag pa niya.

She's right.

Ang pagtanggi kong sumali sa frat ang dahilan kung bakit magbestfriend kami ngayon ni babe.

Hindi kasi nagtapos sa simpleng pagtanggi ko lang ang naging paguusap naming iyon nila Azandra, Atasha at Amil.

I don't know if it's them, but I think it is part of the process. Na kapag hindi sumali ang isang estudyante na sa alok ay mapupuno ito ng threaths, and that happens to me.

Araw-araw matapos akong kausapin nung tatlo ay ramdam ko palaging may nakasunod sakin na animo nagmamatyag sa lahat ng kilos ko. Hindi rin iisang beses na alam kong may nag-aabang sakin para siguro turuan ako ng leksyon. Maswerte nalang ako at nagagawan ko ng mga paraan iyon.

Pero hindi naman madalas ay maswerte ako. Isang araw ay natyempuhan ako ng isang grupo nila Azandra at balak na sanang bigyan ng leksyon ng may marinig akong wang wang ng pulis na siyang nagmadaling nagpaalis sa grupong iyon.

Na isa palang scam.

Si babe lang pala ang may kagagawan noon dahil gusto niya akong tulungan.

Simula noon ay lagi na siyang naka-agapay sakin kahit na hindi naman talaga kami magkaklase sa iisang room. Ni hindi rin kami pareho ng building kasi iba ang course niya pero nagawan niya ng paraan hanggang sa nawala nalang bigla ang mga threaths sakin.

That's how our friendship started.

" Hello! Earth to my babe! " napakurap ako at napatingin kay babe.

" Sorry babe... " mahina ang boses na sambit ko.

" Maloloka ako sayo! Nasan ako nung nakipag-usap ka dun sa Aizen para sabihing sasali ka?! " medyo galit pading tanong niya.

" Nung nagpaalam ako na bababa para bumili ng tubig sa canteen, umupo muna ako para maghintay kasi may pila tas ayun nakita ko na siya " maamong sagot ko naman.

Tiklop talaga ang pagka-masungit ko dito kay babe eh.

" And then?! "

" Kinahapunan, they told me meet with them "

" Kaya nagmamadali kang umalis ng wala man lang paalam sa akin?! " nakayukong marahang tumango lang ako.

" Shit naman babe! Hindi mo ba alam kung gaano kadelikado yang pinasok mo?! That's dangerous! Ni hindi mo pa nga kilala yung mga taong yun eh! Pano kung anong nangyari sayo doon?! " may nangyari nga...

Napakagat-labi ako sa naisip.

" I thought of this as an only way to get rid of that marriage babe " nagpapaunawang tumingin ako sa mga mata niya.

" Madami pang ibang solusyon babe! "

Malalim na napabuntong-hininga nalang ako.

" So what now? Anong balak mo? How about that group? Anong sabi nila sa'yo? " my lips slowly formed into a smile.

Sa huli, susubukan padin talaga akong unawain ni babe kahit gaano pa kakumplikado at kapalpak ang mga desisyon ko sa buhay.

" Thank you! I really love you so much babe! "

" Don't give me that smile. I love you too " nangingiti nading sabi niya.

Yes! Oks na kami ni babe!

" Answer my questions first! " pinandilatan niya ako ng mata.

" I will still need to receive my five slaps from them na kasama parin sa initiation " parang wala lang na sagot ko.

" What?!!! You already gave your precious thing to just fucking someone then you still need to receive a damn five slaps from them?!! " kabaliktaran ni babe na sobra ang pagiging histerikal.

" My god Angela Jelessa! " animo napu-frustrate ng sabi niya.

Napakamot nalang ako sa ulo at napangiwi.

" But still, babe! They have good agendas! May mga charities silang sinusuportahan at nagbibigay ng mga donasyon sa mga taong nangangailangan! " pag-aangat ko naman sa grupo nila-este namin na pala, nung malaman ko ang mga bagay na ito kahapon dahil narin sa mga kwento nila Azandra at Atasha.

" But still, babe still babe! They're still a fraternity! They give hazing to those recruited people! " pananalungat naman ni babe.

Napalunok ako.

She's somehow right though.

" They're still fucking dangerous for me Angela Jelessa, so please..."

I bit my lower lip again.

" Babe...I can't back out, baka mas lalong mapahamak ako " napalingon ako sa paligid.

Buti nalang at wala talagang madalas na taong dumadaan sa parte ng campus na'to, kung hindi ay baka may nakarinig na saming dalawa dito ni babe.

" Then what's your next step? Ganon nalang yon? " kunot ang noong tanong niya.

I sighed.

" Magkikita kami nila Azandra at Atasha for me to complete my initiation so that I would be officially joined to the group, so yeah...I'm continuing this babe tutal naumpisahan ko naman na eh " I answered still sighing.

" Pano yung set-up ng mga magulang mo? Yung pagpapakasal mo kay Ales? Ano nga palang napag-usap niyo ni Ales kanina? "

Bahagya akong natigilan sa huling tanong ni babe.

Nawala na sa isip ko yun kanina pero dahil itinanong na naman ni babe ay muling bumalik sakin ang napag-usapan namin ni Ales.

Yung sige nito na hindi ko maarok.

What a word tss.

" I don't know... " wala sa sariling sagot ko kay babe.

" Ha? Bakit? " nagtatakang tanong naman niya.

Natulala nalang ako sa kawalan ng masabi hanggang sa ayain na ako ni babe pabalik ng room.

***

" Are you really sure na okay nang ikaw nalang babe? Sasama ako kung gusto mo " napangiti ako sa alok ni babe.

Kahit kailan, napakaswerte ko talaga sa kanya grabe. Oo nga't hindi marami ang kaibigan ko pero swerte parin ako kasi may isang Abel Theriz Seyer na laging handang tumulong sakin sa oras ng kagipitan. Na laging handang umunawa sa ugali ko. Na hinding-hindi ako pababayaan at laging dadamayan.

" Oo nga nu kaba! I'm fine babe, don't worry too much about me. I can handle this okay? " I assured to her. I also hugged her tight and whispered thank you's.

Gusto pa sana niyang umalma pero naglakad nako papunta sa engineering building habang masiglang kumakaway saka tumalikod para tahakin ang building ni Atasha at hintayin sila.

Alas-tres palang ng hapon dahil maagang nagpalabas yung prof namin sa Accounting 1 dahil may emergency daw ito sa bahay. Usually ay four-thirty pm ang uwian namin. Hindi ko lang alam kung anong oras ang labasan nila Atasha. Nakalimutan ko nading itanong kahapon.

Kinuha ko ang selpon sa loob ng bag ko at pumunta sa message ng maalalang dapat kong padalhan ng mensahe si Manong Emil at sabihing hwag na akong sunduin mamayang alas kwatro dahil may pupuntahan pa ako ng mabunggo ako sa isang bagay-

No, tao pala.

Isang nakakatakot na tao-

Na naman.

***

Don't forget to share your insights and opinions about this chapter.

Thank you mwah!

A Night with a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon