S I M U L A

84 7 0
                                    

 Simula

"H-hindi na 'ko makakatulong sa inyo, nanghihina na talaga ako." Mahinang sabi ni Angel.

Bumaling ako kay Val na nakasandal sa monster truck namin. Tumagas ang dugo sa kaliwang braso. Humihinga pa,pero hirap na din.

"Zehd, ikaw na lang ang pag-asa namin. Paparating na ang mga kalaban." Saad ko.

"Hindi ko kaya okay? Naalala niyo ba kung anong nangyari nung ginamit ko yang baril na iyan?! Muntik ko nang mapatay si Christian!"

Pagkatapos niyang sabihin yon ay narinig namin ang yabag ng mga kalaban.

"Pero hindi ko na rin kakayaning maniubrahin yang baril. Lahat kami may tama sa katawan. Please...Ace of Hearts ka... kaya mo yan." Tumingin siya sa aming tatlo. Huminga siya ng malalim saka mariing pumikit.

"Tama ako ang Ace of Hearts...Pero kailangan ko munang maging brutal ngayon." Aniya tsaka binuhat ang imbentong baril ni Tike.

"Kapag namatay ako sabihin mo kay Christian na wag siyang magte-text sa iba,mumultuhin ko siya!" Sigaw niya bago pinitik ang gatilyo.

Sa lakas ng impact ng baril ay halos pati katawan niya'y tumalsik. Pero dahil malakas siya ay hindi niya yon ininda.

Pinilit kong hindi mawapan ng ulirat masiguro lang na buhay kaming apat.

Nauubos na ang mga kalaban niya at batid kong nauubos na din ang bala niya.

Hinipan niya ang nguso ng baril na umuuso pa. Akala mo nasa action movie siya.

Sa pinakahuli-hulihang bala ay nasapul niya ang kalaban. Napangiti ako ng wagas. Pero agad ding nawala ng may naira pa palang isa.

"Ha! Akala mo ubos na 'noh?" Pang-asar na tanong ng isang lalaking mukhang tambay sa kanto. Pinapatunog pa nito ang mga daliri at ang leeg niya.

"Anak ng putcha! May natira pang daga!" Bulalas ni Zehdvrei. Tinutok niya ang baril at mabilis na ginalaw ang gatilyo pero walang lumabas na kahit isang bala.

Tumawa na parang baliw ang lalaki.

"HAHAHAHA! Wala ka ng bala! Hindi mo na 'ko mapapatay." Mayabang na sabi nito.

"Hay nako! Akala niyo siguro lahat kakayan-kayanin ninyong mga babae kayo 'no? Di ako tulad ng mga 'yan na susugod dito tapos ipapamukha sa mga kalalakihang daig niyo kami. Kita mo yang mga kasama mo? Mamatay na yan! Tapos ikaw? Ang payat-payat tapos ang liit mong babae pano moko mapapatay---?"

Hindi na niya natapos ang kadaldalan niya ng ihampas sa kaniya ni Zehdvrei ang mabigat na baril. Ang ending tulog agad ang lalaki.

"Taragis ka! Ang daldal mo! Natatae pa naman na 'ko!" Aniya na ikinatawa ko kahit nanghihina na 'ko.

"Yan, bagsak ka tuloy. Wala pang baka tong baril ko ah, pano pa pag may bala? Aish! Boplaks!" Galit niyang sabi sa lalakomg bagsak na kasama ang mga iba pa.

"Mga beh? Babalik ako ha? Hihingi ng tulong okay? Pag namatay kayo nako wala nakong kasamang magaganda, ayoko namang maging endangered species tayo okay? Walang mamatay! Seat pretty muna kayo." Tsaka mabilis na tumakbo para humingi ng tulong.

-mami

Lovely ThievesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon