C H A P T E R 4

41 3 1
                                    

Chapter 4

Dedicated to: @sereendipity hi! Maddame!

Aces

'Ang sarap naman matulog dito! Ang lamig at ang lambot ng kama!'

Kinusot-lusot ko ang mata ko at uminat ng nakangiti. Grabe ngayon lang ata ako nakatulog ng ganon kasarap!

Nagmulat ako ng mata at laking gulat ko na hindi yero ang nakikita ko. Wala ako sa kwarto ko! Dahil kung nasa kwarto ko ako malamang may nakikita na akong butas-butas na bubong!

Pero ang nakikita ko ngayon ay isang magandang kisame na may magandang disenyo pa ng chandelier.

Nasan ako?!

"Best morning, ladies!"  Napadako ang tingin ko sa isang flat screen T.V na may imahe ng isang babae na nagsasalita. Pero hindi pinapakita ang mukha niya. Hanggang leeg lamang ang sakop ng telebisyon. At ang tanging mapapansin lang sa kaniya ay ang tattoo ng numerong 7/11 sa kamay niya at may korona sa gilid.

Naalala ko na ang lahat! Ang lalaking 'yon! May masama pa lang balak sa buhay ko!

"I hope na nakatulog kayo ng maayos sa mansion ko!" Patuloy niya sa pagsasalita.

'Sino ka...?'

"Paniguradong nagtataka na 'kayo' kung bakit 'kayo' nandito at alam kong gusto niyo na rin itong malaman. Anyways, wag kayong tamad kung gusto niyong malaman kung nasan kayo lumabas na kayo!" Dala ng kuryosidad ay lumabas ako ng kwarto ko.

Saktong pagbukas ko ay pagbukas ng katapat na pinto at bumungad sa akin ang babaeng sabog-sabog ang buhok,may panis na laway pa sa labi niya at pareho g madungis ang damit namin.

Dahil sa gulat ay pareho kaming sumigaw---mali! Pare-pareho dahil may dalawang babae rin sa gilid namin ang mukhang bagong gising lang din!

Sa gulat ay nagkasigawan kami! Lahat! Nagaya sila sa 'ming dalawa! Halos palakasan kami ng sigaw. Hanggang sa nanakit na lang ang lalamunan ko nakasigaw pa rin ako.

"T-teka nga! Ba't ba kayo sumisigaw ha?!" Tanong nung babaeng maigsi ang buhok. Parang pati siya nanakit na rin ang lalamunan niya kaya pinilit niyang huminto.

Dahil naman doon at nagsitigil kami.

"O-oo nga! Ba't kayo nagsisigawan! Napagaya pa tuloy ako! Ano? May ipis ba? Ha? Hindi ko kasi mastadong makita malabo yung mata ko dahil nawawala ang salamin ko!" Asik naman ng babaeng may balingkinitang katawan.

"ETO KASI EH!" Sabay pa naming sabi ng babaeng may panis na laway pa.

"ANONG AKO?" Parang tanga,pero sabay na naman kami!

"Anu ba yan! Money for us! Money for us! Gaya-gaya ka ng sasabihin ko hindi tayo magkakapera niyan ei!" Sabi niya na naiinis na rin siguro dahil sa pagsasabay ng mga salita namin.

"Oh,ano na ba't kayo nagkakasigawan diyan?" Tanong ulit nung babaeng maigsing buhok.

"Nagulat lang ako." Sabi ko.

"Tama! Nagulat lang siya sa kagandahan ko!" Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Putcha! Ganda-ganda ng araw sinisira mo. San banda yung ganda? May panis na laway ka pa nga!" Angal ko na natatawa. Pati yung dalawa natatawa na lang din sa amin habang siya patuloy na hinahanap kung saang banda ng labi niya nakalagay ang panis na laway niya.

"Grabe ka naman...wag naman panis na lawat dapat leftover para sosyal!" nakasimangot na siya. Kaya lalo kaming nagtawanan. Napalakas pa ang tawa nung mapayat na babae.

"Hoi! Kung makatawa ka parang walang muta yung mata mo ah!" Kaya nagtawanan uli kami dahil sa sinabi niya. Pero huminto ang tawanan namin ng may pumasok na tatlong bakla.

Lovely ThievesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon