Chapter 7
Stolen First kiss
Isha's PoV
Tatlong araw. Tatlong araw na kaming nasa loob ng headquarter ni Maddame Rain.
Wala akong balita sa pamilya ko. Wala kaming kahit anong balita mula sa labas. Patuloy kami sa pagsabak sa iba't-ibang klase ng pag-eensayo.
Maaga akong nagising. Ginawa ko ang mga nakasanayan kong gawin sa umaga. Anong ginawa ko? Hehe! Malamang tumunganga muna.
Pagkagising. Tunganga. Umupo sa kama. Tunganga. Nanguha ng damit sa cabinet. Tunganga. Umupo sa inidoro. Tunganga. At nasa harap ako ng salamin ngayon dahil tapoa na kong magbihis. Hulaan niyo yung ginagawa ko. HAHAHAHAHA
Malamang tumunganga na naman.
That's my morning tunganga ritual.
Maya-maya pa'y lumabas na din ako. At gaya nung mga nagdaang araw. Naabutan ko sila duon na nakahapabilog na sa mesa. Nasa tapat ng projector ni Madamme Rain. Ganon pa din. Kamay lang niya ulit na may tattoo ang ipinapakita.
Kung makikita niyo siya ngayon. Nakakacurious ang hitsura ni Maddame. Sobra. Halos lahat kami walang ideya kung sino siya. Maliban sa tatlong mga mini-madamme.
"Good morning,My Diamond..." bati sa kin ni Maddame nang makalapit ako sa mesa. Lahat sila napalingon sa akin.
"Good morning po." Tipid akong ngumiti. Binalingan ko sila isa-isa. Mukhang ayos lang naman sila.
Nang makalapit na ako mg tuluyan nakita ko kung ano ang nasa gitna nito. Agad na nagningning ang . mata ko sa sandamakmak na tocino!
Namiss ko 'to!
Matagal-tagal na na rin simula nang makakain ako paborito kong tocino.
Grabe!
Ayos pala dito sa headquarters na 'to,e. Sa sobrang pagka-excite ko handa na sana akong kamayin ang tocino pero may mabigat na kamay ang tumapik sa kamay ko. Aray!
"Wala ka talagang ka-alam-alam sa etiquette of proper table manner! Malinis ba 'yang kamay mo? Ikaw lang ba ang kakain para kamayin mo? Gosh!" At eksaheradang nag-abaniko si Ms. Julier.
"Chill,sissy. Hindi ba nga't tuturuan pa lang natin sila,latur" sabi naman ni Ms. Bruciana na pinapakalma si Ms. Julier.
"Truth! So girls you better go eat na kase later we will teach you on how kumilos ang nga elite families and others!" Wala namang nakapagsabi sa 'min na conyo pala itong si Ms. Antonia.
"Kailangan pa ba no'n? Bakit? Makikipagsalamuha ba kami sa mayayaman?" Tanong ni Angel. Angel ba? Basta pagkakaalam ko siya si Angel.
"Oh,yes babygurl! Kailangan niyo 'yon. Kaya kumain na kayo tapos derecho agad sa kwarto sa taas. At kailangan na kayong paunti-unting turuan." Tumango kami sa sinabi ni Ms. Bruciana.
Tocino, here I comeeee!
Handa na sana akong kumuha ng tocino ulit nang may tumapik ulit ng kamay ko. Si Ms. Julier pa din!
"Ano na naman po ba?" Nawawalang ganang tanong ko.
"Tss." Napabaling ako kay Tike na animo'y babae kung umirap.
"Ibaba mo 'yung paa mo" napapahiya kong ibinaba 'yung isa kong paa. Wala pala ako sa bahay.
"Sorry na mga kapatid, nasanay lang sa bahay." Napapahiya kong sabi. Ngumisi lang ang mga kapwa kong babae na nabiktima ng kidnapping,charot!
"Uhm, Madamme, 'asan po 'yung iba? Pansin ko po wala sila Christian" Hays buti na lang nagsalita si Zehd. Hindi na mababaling sa 'kin ang tingin ng halos dalawampung-tao na nasa iisang lamesa para mag-almusal.
BINABASA MO ANG
Lovely Thieves
ActionBe careful with these lovely thieves, they might steal all of your valuables... even your heart. Date started: October 23,2019