C H A P T E R 2

32 3 0
                                    

C H A P T E R 2

Wallet

Isha's PoV

"Ate,palimos po..." nagmamakawang sabi ng isang batang babae na gusgusin at madungis. Sa umpisa'y aakalain mong isa lang siyang ordinaryong  pulubi na namamalimos--pero hindi. Kasabwat siya ng isang magnanakaw. At panigurado,ang magnanakaw na 'yon ay walang iba kundi ang babaeng maigsi ang buhok,katamtaman ang tangkad at halata mong maputi. May ilan lang siyang dumi sa katawan. Hindi ko makilala ang hitsura niya kase nakatalikod ito sa aking direksiyon.

Tahimik ko lang silang pinapanood habang nakaupo sa tiangge ni Tikyo. Alam ko na ang susunod na mangyayari dito, kumbaga sa mga pelikula: gasgas na.

Bakit hindi ko sasabihin sa aleng mananakawan na siya? Alam kong gipit rin ang isang 'to. Kaya nga siya nagnanakaw diba? Tsaka di ako naniniwala sa kasabihan nila na: "Galit ang magnanakaw sa kapwa magnanakaw" ang totoo pa nga, suportado ko sila. Syempre! Pare-pareho lang kami ng estado sa buhay.

Gaya nga ng inaasahan, habang nililibang ng batang babae ang isang Ale, mabilis na hinablot ng babaeng maigsing buhok ng bag nito at dali-daling tumakbo. Gaya ng senaryo kahapon, naghahabulan sila ng ale. Mamaya lang may kasama ng pulis yan at para silang timang na maghahabulan kahit na alam naman natin na tatanga-tanga ang karamihan sa mga pulis. Papaano sila makakatakbo ng mabilis kung naglalakihan ang mga tiyan nila? Malamang mabilis silang matatakbuhan ng mas bata sa kanila at mas payat dahil maliliksi. Tsk!

"Laganap na talaga ang magnanakaw ano? Ikaw ba Isha? Ayaw mong tigilan yan?" Sumimsim ako sa softdrinks na mainit na.

"Gustuhin ko man, wala akong choice. Alam mo naman yon diba? Wala akong tinapos sa pag-aaral at isa pa, ito lang ang alam kong trabaho na makakakuha ng malaking kita. Maging totoo tayo rito, hindi ba't mas malaki pa sinasahod ng tulad kong magnanakaw kesa sayo na tindera ng mga tsinelas at sapatos?"

"Tama ka naman don. Pero diba mas masarap pa ring kumita ng pera sa marangal na paraan? Kahit maliit basta marangal!"

Gustuhin ko mang maging marangal na manggagawa,alam kong wala akong alam gawin kundi ang maging kriminal para lang mabuhay. Mas pipiliin ko nalang maging praktikal. Wala namang kukuha sakin ng trabaho diyan kung ganitong wala akong tinapos at kung meron man bakit pa ako magnanakaw diba?

"Isa pa, napadelikado niyang gawain mo! Paano kung mahuli ka ng mga pulis? Paano ang pamilya mo? Wala. Ikaw pa naman ang inaasahan nila!" Napaisip ako sa sinabi niya.

Paano nga kaya ang pamilya ko kung sakaling mahuli ako ng nga pulis? Paano ang mga pangangailangan nila?

"Mas masaklap! Pano kung may gusto nang pumatay sayo dahil sumusobra na ang pagnanakaw mo?"

Pagkasabi niya non ay nakakita na  namman ako ng  lalaking nakakulay itim at may marka sa leeg ng joker! Puny*ta talaga itong mga 'to!

"Payong kaibigan lang Isha, dahil kaibigan lang naman tingin mo sa kin kahit tingin ko sayo ay isang espesyal na binibini," natawa ako sa sinabi niya. "Hanggat maaga pa, hanggat kaya pang iwasan, iwasan mo na. Sa huli? Ikaw din makikinabang. Magbago ka, wala namang makakaalam kung anong klaseng tao ka dati, ang mahalaga sinubukan mong magbago"

Sana nga ,sana maumpisahan ko nang baguhin ang sarili ko.

---

Pagkatapos sabihin ni Tikyo ang mga paalala niya ay umalis na ako. Alamm kong umalis na din ang anim*l na lalakking may marka ng joker. Alam kong hindi na siya yung lalaking tinusok ko ng beinte-nuebe.

Habang nagsisiksikan ang mga tao sa dami ng mga sale at bargain sa palengke nakisiksik din ako para makapili ng madedekwatan.

Nang makita ko ang babaeng may ginto sa leeg ay mabilis ko itong tinabihan. Gamit ang mahiwagang taktika na itinuro ni Boss Anton, nakuha ko ang kwintas ng babae ng walang kahirap-hirap at wala siyang naramdaman.

Lovely ThievesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon