C H A P T E R 3

30 3 0
                                    

Chapter 3

Dedicated to: Guthrie. HAHAHA! Inspired talaga sa'yo si Kulot!

Diamond


Isha's PoV

Nakakagigil! Alam mo 'yon?! Ganon pala pakiramdam ng manakawan! Kaya tuloy parang nakonsesiya ako sa mga nanakawan ko ei! Malamang ganon din ang naramdamn nila gaya ng naramdaman ko.

Kinapa ko ang bra ko kahit pa may mga tao sa likod na nakapila. Hala ngang iratado na sila dahil ang tagal kong magbayad.

Hindi ko inaasahan ang makikita ko. Yung malulutong na tig-iisang hawak ng lalaki kanina ay nasa loob ng bra ko! As in! Bukod pa sa wallet niyang ninakaw ko!

Kaya pala pakiramdam ko kanina may ginawa talaga siya malapit sa baby boobs ko. Sinasabi ko na nga ba at may kakaiba don sa lalaking yon ei!

"Miss ano ba?! Magbabayad ka ba? Nagmamadali ako,aba!" Nagising ako sa reklamo ng isang matandang babae na mukhang principal sa suot niya.

"Maam,may problema po ba?" Tanong ng cashier. Mukhang kanina pa rin siya naghihintay.

"Sorry po Maam heto na po magbabayad na. Pasensya na Miss, magkano ba lahat?" Nasa 600 pesos lang naman pala ang nabili ko kaya binayaran ko na agad. Nagsorry din ako sa mga taong kanina pa pala naghihintay na matapos ang binabayaran ko.

Habang naglalakad pauwi,hindi mawala-wala sa isip ko ang lalaking 'yon. Hindi kaya magnanakaw din siya? Hindi kaya snatcher din siya kagaya ko?

Kaso parang hindi ei! Wala sa hitsura niya. As in walang-wala! Ang ayos ng mga damit niya. Ang kutis niya pangmayaman din. Tapos...ang gwapo niya pa----joke! Erase! Erase! Ibig kong sabihin, sa ganong pustura magnanakaw ba?

O baka isa siyang magic-ero--hindi rin naman. Masyado lang mabilis ang kamay niya. Pwede pa ma-tricks-ero hehe kbye.

Ugh! Punyeta ba't ba kasi hindi mawala sa isip ko ang lalaking yon!

Tsaka siya lang ang kilala kong ninakawan ko na dinagdagan pa ang pera na ninakaw ko sa kaniya mismo. Baliw ba siya? Ehhhh!

Halata at malamang sa malamang alam naman talaga niya na ninakawan ko siya ei. Pero bakit hindi niya man lang ako inireklamo? Bakit hindi siya nagalit sa'kin? Ang masaklap! Nagawa pa niyang bumanat ng corny'ng kalokohan!

Tapos napakawalang kwenta ko pa pala! Bwiset! Ako na yung tinulungan niya siya pa tong binay*gan ko. Ay ano ba yan! Kasalanan naman niya ei!

Buong gabi yung punyetang magnanakaw na yon ang nasa isip ko. Alas-tres na nga din ako nakatulog.

-------

"Huy Ate Inday---!"

"Ay bulb*l na kinalbo!" Halos malaglag ang puso ko sa panggugulat ni Kulot. Napahawak pa ko sa dibdib ko sa gulat.

"Ayyy baastuuss ~" nagtakip pa siya ng bibig gamit ang maliit at madudungis na kamay niya.

"Aba't ako pa ang naging bastos?! Kung hindi ka sana nanggugulat edi sana hindi ko nabanggit ang mga salitang 'yon?" Tumatawa-tawa na siya at litaw na ang dalawang bungi ng ngipin niya na magkabilaan.

"E ikaw kasi Ate ei! Ang lalim ng iniisip mo." Sabi niya bumubungisngis pa din. "Sino ba yang iniisip mo Ate? Mahal ka ba niyan?"

"May nalalaman ka pang 'mahal-mahal' diyan! Nako ang bata-bata mo pa ha!"

"Joke lang Ate naririnig ko lang din naman sa mga kalaro ko 'yan ei" sabi niya at kumamot-kamot sa batok niya. Nglow din ang buhok niyang mala-logo ng isang sikat na tindahan ng milk tea. Mala-Ang De. Mataba pa ang pisngi niya tulad talaga ng sa logo.

Lovely ThievesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon