CHAPTER SIX
"Oh, anong nangyari?" Pigil ang tawa ko.
"N-Nabutas, eh...pagkahakbang ko," he said, blushing as red as tomato.
"Sige, pasok ka na, patatahi ko na lang sa Lola ko."
"Nandiyan ba si Tita?"
"Wala, nagtatrabaho na siya sa Canada."
Pumasok na kami, naabutan kong nag-uurong ang Lola ko. Tinanong ko kung bakit siya ang nag-uurong imbis na si Manang Brigitte. Pinauna ko na sa kuwarto si Cloud pero ayaw niya.
"Kamusta po?" bati niya.
"Kamusta din sa 'yo, ato. Anne, sino ba 'yang kasama mo, classmate mo?" tanong ni Lola.
"Si Cloud po, Lola," sagot ko.
"Ah, 'yong puppy love mo? Ay, kaylaki na ng pinagbago, ha? Kayo na ba ulit?" Si Lola talaga, ang tanda-tanda na, echosera pa rin. Pero naaalala niya pa?
"Lola naman! Sige na Cloud pumanik ka na."
"'Yong pants ko, paano?" nag-aalala niyang tanong.
"Ay, oo nga pala. Naka-boxer shorts ka ba?"
"Oo," he answered uncomfortably.
"Sige, hubarin mo na. Lola, pakitahi naman 'yong pants ni Cloud."
"Iwan mo na lang diyan sa sofa."
"Anne, saan ang banyo n'yo?"
"Doon sa kulay peach na pinto."
Pagkatapos niya sa banyo ay pumanik na kami sa taas. Inihanda ko na ang lahat ng kailangan then binuksan ko na rin 'yong laptop ko. Habang nagre-research si Cloud, ako naman ay nagsusulat ng lahat ng ni-research ko sa phone ko kanina.
"Kailangan pa natin ng conclusion tapos experiment," wika ko.
"We'll do that later, kailangan muna nating unahin 'to," tugon naman niya.
Napakatalino talaga ni Cloud. Kahit saang subject nag-e-excel siya. Siya nga lang ang nagpapaliwanag sa 'kin pagdating sa mga subject where it require numbers.
"Cloud, inom ka muna." I handed him a bottle of C2.
"Thanks... Scientists believe that many different genes may increase the risk of schizophrenia development, but that no single gene causes the disorder by itself. It is not yet possible to use genetic information to predict who will develop schizophrenia. Scientists also think that interactions between genes and aspects of the individual's environment are necessary for schizophrenia to develop." Tuloy lang siya sa pagri-research.
Kahit boring ay tiniis ko na lang gawin ang napakahirap na project na 'to. Mabuti na lang at partner ko si Cloud, kahit 'di ako gumawa, sure akong may iri-report kami. Though I can't just leave everything to him. Napansin ko na ang cute ng design ng boxer ni Cloud, kulay brown na may white polkadots.
"Lakas maka-New Year ng boxer shorts mo," I commented.
"Haha, ito ba? Hindi naman ako pumili nito, eh."
"Si Sophie ba?" Tinutukoy ko ay ang nakababata niyang kapatid.
"Oo, siya," nakangiti niyang sagot.
From 6:30PM, inabot kami ni Cloud ng hanggang 8PM yet we're not done. Sobrang hirap naman kasi nito. Haggard na haggard na si Cloud, kawawa naman. Hirap talagang maging responsible student.
"Cloud, okay ka lang ba?" Of course, he's not, Anne.
"Sakit na ng batok ko pero kaya ko pa naman," he said, smiling.
BINABASA MO ANG
Love and Anxiety | COMPLETED
Teen FictionMinsan darating sa buhay na kailangan nating pumili. Kung ano, alin, saan at ang pinakamasakit sa lahat...sino? Normal ang lahat kay Anne nang pumasok sya sa Ashbridge University. Siya ay isang tipo ng estudyante na hindi naman kapansin-pansin para...