CHAPTER TWELVE

202 3 0
                                    

CHAPTER TWELVE

"Ang tagal ni Mama. I'm so sleepy, Anne but I like it here. Can we stay a little longer?"

"Oh, sige, mahiga ka rito sa hita ko. Umidlip ka muna," sabi ko at maingat siyang umunan sa mga hita ko. Suot niya ang cap na regalo ko.

"Anne, I love you."

"Mahal din kita, Luis. Sige na. Gigisingin na lang kita 'pag nadiyan na si Tita Ada."

"Anne..." he, again, called.

"Yes?" Sumulyap ako sa kaniya.

"Every second of life is a gift. No matter if you're feeling down, always be positive. Let's be positive," he said, smiling before he closed his eyes.

Twenty minutes left at wala pa rin si Tita Ada. Nakakaramdam na ako ng ngalay pero tiniis ko lang 'yon. I thought of the things na madalas naming ginagawa ni Luis. Gusto kong ulitin lahat. Pakiramdam ko ay naging unfair ako sa kaniya. All this time, alam niya kung sino talaga ang mahal ko. And I'm so stupid to not notice that he's hurting. I owe him an apology.

Ilang saglit lang ay namataan ko na parating na si Tita Ada with our Principal.

"Luis, wake up. Let's go home. Nandiyan na ang Mama mo." Bahagya ko siyang inalog ngunit hindi siya nagalaw.

Napansin ko na parang hindi na humihinga si Luis. I hate to think about it. Hindi 'to totoo. Binuhat ko si Luis at bahagyang tinampal ko ang pisngi niya. Wake up, Luis! Wake up!

"Luis, please, wake up! You need to wake up, Luis!" Tears began running its way down to my cheeks.

Niyakap ko siya ng sobrang higpit. This isn't happening. Hindi puwedeng mawala si Luis.

Tumakbo palapit sa amin si Tita Ada at umiiyak na kinalong ang anak niya. Tumayo ako at tumawag ng security guard. Mr. Ortega called for an ambulance at ako naman ay tumawag kanina Althea.

"Oh, napatawag ka, Anne? How's Luis, is he fine?"

"A-Althea... Wala na si Luis." I cracked my voice. Ang hirap sabihin. Ang hirap tanggapin.

"What?! Nasaan ka ba ngayon pupunta 'ko diyan." She panickedly asked.

Wala ng sasaklap pa sa nangyaring ito. Wala na si Luis, wala na ang palaging nagpapasaya sa 'kin, wala na 'yong lalaking isang ngiti lang sa 'kin, tanggal na ang stress ko. Wala na 'yong taong laging naglalambing at nangungulit sa 'kin, wala na 'yong taong sobrang nagmamahal sa 'kin. Hindi kami ni Luis pero hindi ko alam kung paano magsisimula.

"Anne, anong nangyari?!" Dumating na si Althea.

"Wala na siya, Althea, wala na siya, wala na si Luis."

"Tumahan ka na, tinawagan ko na sina Claire at Cloud, papunta na sila rito. Nasaan si Luis?" she asked as I cry harder.

"Dinala na siya ni Tita sa Funeral, pinasusunod na niya 'ko roon."

"Tumahan ka na, Anne. Ayan na sila."

Pagdating ni Cloud ay tumakbo kaagad siya palapit sa akin at niyakap niya ko. Umiyak ako ng umiyak. Gusto kong himatayin. Nanghihina ako. Wala na ba talaga?

"Uminom ka muna, Anne." Cloud handed me a bottle of water but I refused it.

Hindi kami nagtungo sa punerarya. Pumunta na kami sa bahay nila Luis at naghintay kami sa pagdating nila. Naabutan naming inihahanda na ang mga gamit para sa burol. Dumating si Tita Ada na tuloy pa rin sa pag-iyak. Halos hindi na siya makapagsalita. Nilapitan ko siya at niyakap. Ang sabi niya, tinawagan na niya ang Papa ni Luis. Baka raw bukas pa ito makauwi.

Love and Anxiety | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon