CHAPTER FOURTEEN
Dumating si Claire at mukhang masaya siya. Tipid ko siyang nginitian. I lost my bestfriend. I can't afford to lose one again. Anong gagawin ko?
"Kamusta, Anne? Binati mo na ba si Cloud?" tanong niya. Kumunot ang noo ko.
"Huh? W-what do you mean?" I confusedly asked.
"Birthday niya ngayon, 'di ba? Hindi pa nga ako nakakaisip ng ibibigay sa kaniya."
I'm doomed. I knew I forgot something. Hindi ko na lang pinahalata kay Claire na nakalimutan ko. Kasunod naman niya si Althea. I already caused them too much trouble. Ayoko na humingi ng tulong sa kanila.
Kinabukasan, iwas na sa 'kin si Cloud. Hindi na niya 'ko pinapansin and it's hurting me. Gusto ko talagang i-greet siya ng Belated Happy Birthday pero wala, galit talaga siya.
"Birthday pala ni Cloud yesterday, Althea." I sighed.
"Oo nga, sasabihin ko sana sa 'yo pero ayaw niya. Gusto niya kasing ikaw mismo ang maka-alala."
"Talaga? Bakit ba kasi hindi ko naalala? Hindi niya na ako kinakausap," I said as I looked at Cloud.
Sinubukan ko ulit na tumabi sa kaniya para kausapin siya but he keeps ignoring me. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Habang nagtuturo ang Prof namin sa Statistics, nakatulala lang ako sa bintana. Sabay napatingin ako kay Cloud. Hanggang ngayon galit pa rin siya sa 'kin, gustung-gusto ko na siyang kausapin. After ng Statistics ay hindi dumating ang Prof namin sa PE. Ewan ko kung bakit pero wala na 'kong balak alamin ang dahilan. Lumapit ako kay Althea para makipagkuwentuhan and yes, they are talking about the homecoming. That will be tomorrow, 6PM sa covered gym, a-attend ba 'ko? Wala naman akong gagawin do'n. Halos lahat sila may plano na. Naisip ko, a-attend kaya si Cloud?
"Nakabili na nga 'ko ng susuotin, eh. Actually, pinasadya ko 'yon," ani Althea.
"Magkano naman?" tanong ni Claire.
"Fifty thousand lang naman," she said and everybody wowed at her.
"Ano? Fifty thousand para sa dress?"
Napalunok ako sa presyong 'yon. Fifty thousand ang pagawa ni Althea sa dress niya. Gumastos siya ng gano'n kamahal para sa isang tela? Or maybe, wala lang talaga 'kong sense of fashion. Pero kahit na, hindi biro ang fifty thousand. Kaya na no'n pakainin ang ilang pamilya sa isang araw. Siguro, hindi lang talaga naiisip ng mga mayayaman 'yon, hindi kasi sila namomroblema sa pera.
"Ikaw ba, Anne aattend ka?" Baling nila sa 'kin.
"I don't know, fifty-fifty pa rin, eh." I shrugged.
"Talaga? Pag-isipan mo nang mabuti 'yan. Malaki ang mawawala if hindi ka maka-attend dito."
"Bahala na."
Ano namang mawawala? Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ni Althea. Pero hinding-hindi talaga ako gagastos ng fifty thousand. Sakaling magbago ang isip ko, mamaya pupunta 'ko sa Mall at hahanap ako ng dress. 'Yon ay kung sakali lang naman na maisipan kong um-attend. Buti pa sila, planado na para bukas. Habang nakatunganga ako, nakita kong lumabas si Cloud, sinundan ko siya.
I was so shocked nang makita kong sa TGG siya pumunta. At doon talaga siya umupo sa bench namin ni Luis. Ano kayang problema niya? Feel ko na may mabigat siyang dinadala. Ayoko naman mag-assume pero siguro iniisip pa rin niya 'yong tungkol sa amin. Naglakas-loob akong tumabi sa kaniya tsaka ko siya kinausap, pero ayaw pa rin niya kong pansinin.
"Ano bang problema mo?" ani ko.
"Wala." Nag-iwas siya ng tingin.
"Puwede bang mag-usap na tayo?" I bit my lower lip.
BINABASA MO ANG
Love and Anxiety | COMPLETED
Teen FictionMinsan darating sa buhay na kailangan nating pumili. Kung ano, alin, saan at ang pinakamasakit sa lahat...sino? Normal ang lahat kay Anne nang pumasok sya sa Ashbridge University. Siya ay isang tipo ng estudyante na hindi naman kapansin-pansin para...