CHAPTER FIVE
Sinubukan akong pigilan ni Althea but no. Pumunta ako sa room nila Luis. Kinausap ko siya, tinanong ko kung bakit niya sinabihan ng flirt si Althea. Galit ako pero hindi ko inaasahan ang rason niya. Sabi niya ay sinabihan daw kasi ako ni Althea ng plain and cheap. Noong una'y ayokong maniwala pero nagalit sa 'kin si Luis.
"She has no right to say such thing to you. If you don't believe me...fine," singhal niya at umalis na sa sobrang inis.
To make sure, bumalik ako sa room. Naabutan ko si Althea, she's still crying. Tinanong ko kung totoo bang sinabihan niya 'ko ng cheap and plain.
"Why did you say such thing? Ano bang ugali ang meron ka?" pranka kong tanong.
"Swapang ka, Anne. Feeling mo siguro, sobrang ganda mo, 'no?" Tila nag-iba ang awra ni Althea.
"So bakit nga?" kalmado ngunit may diin kong tanong.
"May Cloud ka ng inaartehan, then feel na feel mo pa na may crush sa 'yo si Luis. You know how much I like him. Bakit sobrang dikit ka pa rin sa kaniya?"
Bakit? 'Di 'ko naman kasalanan 'yon, ha? Gusto ko talagang sapakin si Althea. Gigil na gigil ako, sobra. Ang babaw ng dahilan niya para magalit sa 'kin.
Pinagtitinginan na kami ng mga kaklase namin. Sa sobrang sakit ng mga sinasabi ni Althea ay hindi ko na napigilan ang sarili kong hindi siya labanan ng salitaan and I can't believe na aabot kami sa sabunutan. Pero agad naman kaming inawat ni Claire at ng iba pa naming kaklase.
"Ang kapal ng mukha mo. Para sabihin ko sa 'yo, let me remind you...baguhan ka lang dito!" she said angrily.
"Tama na 'yan, magkaibigan kayong dalawa!" Ani Claire.
"Oo, baguhan ako kaya hindi mo 'ko kilala! I really thought you're real, Althea. I thought wrong. You're one fake douche-b." I smirked in disappointment.
Pagkatapos noon, dumating si Cloud from Computer Club. Kinusap niya ako about sa nangyari. Sinabi ko sa kaniya na 'yong friendship namin ni Althea, it has finally ended. 'Di ko alam na may itinatago palang attitude si Althea. Matapos ang ilang araw, hindi pa rin kami nagpapansinan ni Althea. Kinausap ko si Luis.
"Galit kami ni Althea and it's because of you," I told him.
"So sinasabi mong kasalanan 'ko? Wow!" sarkastiko niyang tugon.
"Bakit may sinabi ba 'ko? Ba't gumaganiyan ka? Gusto mong tayo rin ay 'wag ng magpansinan?" tanong ko.
"I...I'm s-sorry." mahinahon niyang sagot.
I rubbed my temple. Pati si Luis ay inaaway ko na. Wala naman talaga siyang kasalanan. Si Althea naman talaga ang may pagkakamali rito. I looked at him. I owe him one for defending me from Althea. Ngayon ay alam ko na kung sino ang totoo.
"Lakas din ng tama sa 'yo ni Althea, 'no?" I smiled. He just shrugged.
Ngayon ay wala na 'kong kadaldalan sa room, wala ng nang-aasar sa 'kin between me and Cloud. Medyo nakaka-miss din 'yong sobrang kakulitan ni Althea. Buti na lang nariyan pa si Cloud and Claire, may nakakausap pa 'ko sa room when I'm getting bored.
Sa canteen, nagkasabay kami ni Althea na bumili ng soda. Kasama ko si Luis which is really a bad timing. Inirapan ako ni Althea and syempre, alangan namang ngitian ko siya? Of course inirapan ko rin siya. Sige, ngayon mamatay ka sa selos.
Para maasar siya, live na live kong ipinakita sa kaniya ang panglalandi ko kay Luis. Hindi ko talaga nakilala ang sarili ko sa mga ginagawa ko. I know I shouldn't be doing this pero kapag naaalala ko ang mga sinabi niya noong nakaraan, parang bulkang gustong sumabog ng dibdib ko sa inis.
BINABASA MO ANG
Love and Anxiety | COMPLETED
Novela JuvenilMinsan darating sa buhay na kailangan nating pumili. Kung ano, alin, saan at ang pinakamasakit sa lahat...sino? Normal ang lahat kay Anne nang pumasok sya sa Ashbridge University. Siya ay isang tipo ng estudyante na hindi naman kapansin-pansin para...