CHAPTER FOUR
Dumating na ang mga pagkain at tama siya, ang sarap nga ng mga pagkain nila rito. Hindi ko alam kung paano uumpisahan ang pag-uusap namin. Mabuti na lamang ay siya ang naunang magsalita.
"Mabait ba 'yong Luis?" biglaan niyang tanong.
"Oo naman. Sobra. Mahilig siya mag-joke at kahit corny, nakakatawa pa rin. Sweet din siya. You should befriend him," saad ko at nagkibit-balikat lang siya.
"Nanliligaw ba siya sa 'yo?" Muli niyang tanong at nabilaukan naman ako nang dahil doon. Natataranta niyang iniabot sa 'kin ang baso ng iced tea at agad kong ininom 'yon. "Are you okay?"
"Mukha ba 'kong okay? Grabe naman kasi 'yong tanong mo."
"Bakit?"
"Ligaw? Nanliligaw talaga? Hindi!" sabi ko sabay inom ulit.
He just nodded at nagpatuloy na kumain. Bakit naman kaya niya natanong? Bigla kong naalala si Luis. Inamin niya nga pala sa 'kin na crush niya ako. Hindi lang sa 'kin, sa harap pa nila Cloud at Althea. Parang ayoko nga, eh. Hindi ko alam pero mas gusto ko na casual lang talaga kami ni Luis.
"Anong iniisip mo?" ani Cloud.
"Uhh...naalala ko lang 'yong sinabi ni Luis last time."
"Alin? That he has a crush on you?" See? Alam niya pa rin.
"Oo. Mabait si Luis. Boyfriend material nga siya kung titingnang mabuti. Pero kasi, mas gusto kong wala siyang feelings na kahit ano sa 'kin," I told him.
"Hindi naman kasi mahirap na mahulog sa 'yo." Tila nabingi ako sa sinabi niya. I looked at him surprisedly. "Just saying."
I saw him blushed. Ibig bang sabihin ay posibleng mahulog din siya sa 'kin? Napangiti ako sa naisip ko. Why am I thinking this way? Masyado na akong umaasa.
***
Few weeks later, tinawagan ako ni Althea, pasyal daw kami sa bahay nila. Weekend naman ngayon so pumayag ako. Tinanong ko siya kung sino ang mga kasama. Si Cloud, si class president Claire, at tsaka si Austin daw, kambal ni Althea. At first ay hindi ako makapaniwala dahil wala naman siyang nababanggit na may kambal siya. Pumunta na lang daw ako para makita ko. She even told me to get Luis with me so here I am, kinukulit si Luis.
"Hindi naman tayo magtatagal, eh. Sumama ka na," pangungulit ko.
"Psh. Okay sige, sige, sige."
"Thank you!" I exclaimed.
"Sige na." He bid his goodbye and I ended the call.
I texted Althea to fetch for Luis. After taking a bath, I wore a simple white shirt na may malaking music note print paired with a blue tokong jeans and a pair of white nike shoes. Pagdating ko ng AU ay wala pa sila roon. Nag-text na lang ako sa kanila na nandito na 'ko para sure. Maya-maya'y may natatanaw na kong asul na kotse, tama nga ang hinala ko...sila Althea na nga 'yon. Namukhaan ko kasi 'yong driver nila.
"Bakit ba ang tagal nyo?" salubong ko.
"Ang tagal maligo nitong si Luis, eh," said Althea.
"Sorry na," paumanhin ni Luis.
Malaki ang bahay nina Althea, modern house ang style ngunit hindi iyon ang kinagulat ko. I actually got goosebumps when I saw her twin brother, Austin. Fraternal twins sila at nasa College of Fine Arts ito.
"Claire, buti naman nakasama ka ngayon, himala," tawa ni Austin.
"Alam mo, Austin, gusto ko rin naman talaga ng mga get together like this kaso I am too busy para sa mga ganito. Wala lang akong masyadong ginagawa ngayon," paliwanag ni Claire.
BINABASA MO ANG
Love and Anxiety | COMPLETED
Novela JuvenilMinsan darating sa buhay na kailangan nating pumili. Kung ano, alin, saan at ang pinakamasakit sa lahat...sino? Normal ang lahat kay Anne nang pumasok sya sa Ashbridge University. Siya ay isang tipo ng estudyante na hindi naman kapansin-pansin para...