CHAPTER FIFTEEN

214 5 0
                                    

CHAPTER FIFTEEN

Several years later.

Totoo ang sinabi ni Claire. Right after the last sem, Cloud flew back to States. Maaga siyang nawala noong homecoming. Ilang taon na ang lumipas pero dala ko pa rin sa dibdib ko ang bigat nang pagkawala ni Luis. At gano'n din sa pagkawala ni Cloud.

Wala na akong naging balita kay Cloud. He deactivated all of his social media accounts. Hindi na rin siya nakipag-communicate sa iba pa naming mga kaibigan. Hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa lahat ng nangyari.

I was able to finish my master's degree in Psychology. Pero malungkot din dahil iba-iba na kami ng University na kinuhanan nito. Althea and Austin flew their way to New York for it. Clair didn't pursue her master's degree in Ashbridge University.

Two days ago, I received a text message from Althea through Facebook.

Althea Skye Salvador: Next week, we're gonna go back home, Anne! Reunion naman tayo. I was able to contact Clair yesterday. She's gonna be free on Wednesday. Ikaw?

Anne Ignacio: Okay naman ako sa Wednesday! Miss ko na kayo ni Austin.

Gusto ko sana siyang tanungin kung nakita na niya si Cloud pero masyadong malaki ang agwat nila. Ang huling balita ko lang kay Althea ay nasa Florida si Cloud at iyon lang dawn ang alam niya. I don't want to inconvenience her.

"Luis, alam mo bang uuwi na sina Althea at Austin? Magkikita-kita na ulit kami. Miss ko na sila. Ikaw din, sobrang miss na kita," ani ko habang minamasdan ang lapida ni Luis.

Tuwing Saturday na lang ako nakabibisita sa kaniya. Ang dami ko rin kasing inaasikaso these past few days. It took so many years before ko matanggap na wala na talaga si Luis. Yes, of course, there are times that I feel lonely. Natural naman sa tao ang malungkot.

"Alam kong ang last wish sa 'kin ay maging masaya. Ang kaso ay hindi naman gano'n kadali 'yon, eh. Maybe if I am like you. Kaya mong maging masaya at ngumiti sa kabila ng mga pinagdadaanan mo sa buhay," wika ko.

Back then, I felt like I was a princess in a fairytale with two princes. I felt like God made me choose between two sincere men and I decided not to choose one. Kaya pareho ring nawala sa 'kin. Sometimes, I ask... Bakit ako? It was not like it made me special.

I was so young that time. Hindi pa ako marunong mag-desisyon nang tama para sa sarili ko.

When all my friends left, nagdesisyon na akong magkulong sa sarili kong mundo. Natatakot akong baka may makilala na naman akong tao na katulad ni Luis. Na baka maulit na naman ang mga bagay na pilit kong tinatakasan na.

"Hindi ko nagsisisi na nakilala kita, Luis pero I want to keep it a hundred percent with you, ayoko na makakilala ng taong katulad mo. I want to keep the memories you gave me unique and irreplaceable as much as possible," tinuran ko.

"Wala naman yatang tao ang makahihigit sa mga memories na 'yon, eh," somebody said.

Nilingon ko ang nagsalita. It was Claire. Automatic na bumuhos ang luha ko nang makita ko siya. I just need somebody right now.

"Hala ka, umiyak na siya," aniya sabay yakap sa 'kin. "Sabi ko na nga ba, nasa malayo pa lang ako, alam kong nagda-drama ka na rito," natatawa niyang sabi.

"Na-miss kita, Claire!" ani ko habang pinupunasan ang luha ko.

"I miss you, too. Ikaw talaga ang sinadya ko, galing ako sa bahay n'yo. Ang sabi ng lola mo, dito nga raw kita makikita."

"Kung nandito ka para sabihin sa 'kin ang reunion natin nina Althea, alam ko na 'yan," wika ko.

"Hindi lang iyon, 'no. Alam ko namang mako-contact ka talaga ni Althea. May isa pa akong chika sa 'yo." Kinuha niya ang smartphone niya. "Tingnan mo."

Love and Anxiety | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon