CHAPTER TWO
"Kunin mo 'to." May inabot siya sa 'kin.
"Hair pin? Bakit naman?"
"Friendship gift ko sa 'yo. Gusto kitang maging kaibigan, Anne. Kung okay lang sa 'yo."
"Wow! Thank you! Oo naman, Cloud! Okay lang sa 'kin," I happily exclaimed.
Tumayo ako sabay yakap sa kaniya, kahit ako ay 'di makapaniwalang nagawa ko 'yon. Pero dahil nagawa ko na, bakit 'di ko pa sulitin? Niyakap ko siya ng mas matagal pa. Sobrang miss ko na si Cloud. Parang ayoko na siyang bitawan. Ang kaso, maraming tao sa café kaya bumitiw din ako.
"Okay ka lang ba?" tanong niya.
"Sorry, nadala lang," I awkwardly said.
"Hahaha, you're still funny, Anne."
Shocks! Natuwa sa 'kin si Cloud, is this true? We're finally friends na! Soon to be getting to know each other, and then dating, tapos...tantararan! Kami na ulit! Sige lang, Anne, mangarap ka. Libre naman 'yan.
Pagkatapos noon ay bumalik na kami sa klase, dumeretso na kami sa Gym dahil alam kong doon rin naman papunta ang iba pa naming kaklase. Pagdating namin ay nauna na pala roon si Althea, buti na lang hindi kami tumuloy sa Music Club.
"Kumpleto na pala sila. Tayo na lang ang kulang, Anne," bulong ni Cloud.
"Oo nga," I answered as I've realized the same thing.
Umupo na kami ni Cloud at nakinig sa Prof namin. Habang kumokopya ako ng activity, hinihimas ko ang hair pin na bigay niya sa 'kin. Sana nga 'yon na ang sign na may pag-asa pa kami ni Cloud. Naalala ko, madalas akong bigyan ni Cloud ng kung anu-anong regalo noon, anuman ang ibigay niya, lahat 'yon ay may value sa 'kin. In fact, I'm still keeping those. Sana talaga 'di ko na lang siya binitawan, boba ka, Anne. Sobra.
All throughout my college days, I just met a new friend named Luis, kasamahan ko siya sa Paper and Pen Club. Sumali ako sa club na 'to last week para naman may extracurricular ako. Gumagawa kami ng mga article for the university's newspapers
"Hi. Bago ka rito?" 'yon ang tanong ni Luis sa 'kin nang tabihan niya ako habang orientation ng Paper and Pen Club.
Luis is a funny guy kaya naman siya agad ang nakasundo ko rito. At tsaka in fairness, guwapo rin siya, lagi siyang naka-cap, maputi rin siya and halos pantay lang sila ni Cloud sa height.
"Hoy, ito na 'yong mga article. Sabi ni Ma'am sa 'yo raw ipapasa." Inilapag niya ang mga papel sa mesa.
"Hand it to me, ngayon ba natin gagawin 'to?"
"'Wag muna, ang sakit pa ng kamay ko, eh."
"Sa bagay, sa Friday pa naman 'to kailangan." Nagkibit-balikat ako.
"Mini Stop tayo," aya niya.
"Kakakain ko lang, eh."
"Samahan mo na lang ako. Please?" Nag-puppy eyes pa.
"Sige na nga."
Nagpunta kami sa Mini Stop, sa labas kasi ng campus namin, may branch ito. Siya lang mag-isa ang kumain, I'm just drinking my soda.
Habang kumakain si Luis, nakatingin naman ako sa mukha niya, guwapo siya and that is already given the very moment you see him. Bakit kaya gano'n, bago lang ako rito sa school na 'to tapos biglang puro mga kilala sa campus ang mga nagiging kaibigan ko?
Pansin ko, ang takaw pala ni Luis. Nakakadalawang meal na siya pero ang sarap niya pagmasdan. Siguro kung 'di ko crush si Cloud, siya ang magugustuhan ko. 'Di mo naman ako masisisi dahil kapag nakaharap mo siya, mapapanganga ka, para ka kayang may kaharap na anak ng sikat na artista or politician.
BINABASA MO ANG
Love and Anxiety | COMPLETED
Novela JuvenilMinsan darating sa buhay na kailangan nating pumili. Kung ano, alin, saan at ang pinakamasakit sa lahat...sino? Normal ang lahat kay Anne nang pumasok sya sa Ashbridge University. Siya ay isang tipo ng estudyante na hindi naman kapansin-pansin para...