'Crushback is real'

23 0 0
                                    

'Crushback is real'

Halos hindi na ako mag kaintindihan dahil sa mga tinatapos na gawain, halos labasan na ngayon at ako nandito hindi pa maka alis sa room, and I'm planning to stay here dahil hihintayin ko ang crush ko na matapos sa training niya,

While busy doing my works, naka rinig ako ng tilian, hindi na lamang ako tumingin dahil mas gusto ko matapos ang ginagawa ko, ngunit kumunot ang noo ko nang may biglaang kumakalabit sa akin,

"Ano ba?" Inis kong utas dahil stress na talaga ako.

"Art, yung crush mo nag hihintay sa labas! Kanina pa!" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya,

"Sus, baka may ibang iniintay at hindi ako yun!" Utas ko at heto nanaman yung sakit mag wa-wave na saken.

"Hindi! Ikaw yung hinahanap! Ikaw yung iniintay kanina pa!" Halos tumili na ang iba kong kaklase at inaasar na ako sa crush ko, halos mamula na ako sa hiya at kaba,

"Tayo na at baka mag bago pa isip nung crush mo!" Utas ng kaklase ko at tinulak ako papalabas, at halos malagutan na ako ng hininga nang makitang naka tingin pala siya sa akin!

"S-sino ang hinahanap mo?" Nauutal kong tanong, suddenly his smirk was visible,

"Let's go, uuwi na tayo." Just what the heck!

"H-Ha? Anong sinasabi mo?" Totoo ba ito? Inaakit na ako umuwi ng baby ko? OMG!

"You're planning to stay here, just to wait for me to finished my training, so I will take you home." Oh my gosh! Is this a dream again? Don't wake me up!

"H-hindi na kailangan! I can take care of myself!" Tanggi ko kahit nahihiya na at nanghihinayang sa pag tanggi ko sa alok ng baby ko.

"Tyaka hindi pa tapos ang training mo!" Utas ko,

"Mas mahalaga na maka-uwi ka agad, so I will take you home just to make sure you're safe. Let's go? Let me hold your things." Utas niya, wala akong nagawa kundi ayusin at kunin ang gamit ko sa loob at siya mismo ang nag dala noon, nag tilian mga kaklase ko na nasa room pa, at pinag titinginan kami ng nasa paligid, dahil halos lahat ay alam na crush ko ang katabi ko.

"Napagalaman ko na kaya pala lagi kitang nakikita na gabi umuwi dahil inaantay mo matapos ang training ko, you should have told me early, para naakit kita na sumabay sa akin sa pag uwi." He told me while holding my things, still attracted and so ideal!

"Crush mo pala ako, ito lang pala ang paraan para mapansin mo din ako, Art." My world just stop, dahil sa narinig. This isn't true!

"I like you since the first time I heard you cheer for me." My heart melt, hindi ako makapaniwala sa nangyayari!

"When I felt so down that time." He added.

Crush ako ng crush ko! Nag paalam siya sa mga kasamahan at ipinakilala ako! He told them that he will take his crush with him. And here I am shocked! Pa-fall! Ayaw ko na gumising kung panaginip man ito!

Collection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon