'Obra maestrang nagbibigay buhay sa aking tula—at ikaw ang aking paksa'
Yumayakap ang hanging lalagpas at sa nanlalamig kong puso ito'y tatagos, sa gabing agaas, pagtitig sa kalawakan tila mga mata mo ang nagpapaalala sa kalangitan, na kikislap sa likod ng kadiliman, mapanlinlang at aakuin lahat ng kagandahang tinataglay ng kalawakan.
Namangha at halos lusawin ng hangin at kagalakan, sayong mga matang nangungusap ako'y nawala at naligaw, ika'y dinadalangin habang ika'y malayong tinatanaw, na ako'y iyong napansin at minsan din sumagi sa iyong malikhaing isipan—Sining ang iyong mga mata at tinig na nagbibigay buhay sa nanlalagas kong mga salita at ilalahad ang metapora at magagandang salita na sayo'y babagay at ikaw ang napakagandang halimbawa.
Ang iyong obra maestrang kamay na may ipapanang palaso, hindi sinasadyang pakawalan at tumama sa aking pinakagitnang puso. Ako'y na-preso sa pagibig na ako'y inaalipin, mga tulang inuukit sa kahoy at mananatili habang panahon, Ika'y pilit ko nang hinihingi sa kamay ni Bathala—tanging sa aking mga tula at salita na lamang ba ika'y maaabot at mahahawakan; At sa mundo ng literatura ikaw ang aking paksa, ang aking isinusulat ay iyong binibigyang buhay.
BINABASA MO ANG
Collection (Completed)
PoesíaThis is random Collection of One shot stories, Poems & Proses. THE PHOTOS AHEAD I DO NOT CLAIM AS MINE, CCTO OF ALL THE PHOTOS. Source: Pinterest STRICTLY READ FIRST THE ATTENTION BEFORE PROCEEDING TO READ MY WORKS.