Pre

4.3K 135 7
                                    


"Next auditionee, please come up on stage. It's your turn," sabi nung emcee at sumenyas ito sa akin.

Bigla ulit akong kinabahan. Takte naman! Audition lang 'to Jeff! Kering keri mo 'yan. Galing galing mong kumanta eh.

Huminga ako ng malalim at kinuha ko na 'yung mic from the previous performer. At saka ako umakyat at pumwesto sa gitna ng stage.

Pinagmasdan ko ang harapan. May apat na judge. Dalawa sa kanila ang professional (vocal coach and vocalist ng bandang Voyagers), music and art council na si Julius (he's also the CSC vice president), and the school band drummer na si Ark Tolentino.

Mukhang naghihigpit sila ngayon sa pagpili ng bagong bokalista.

Tumingin pa ako sa paligid. Medyo maraming nanonood. Karamihan ay college students dahil vacant nila. Pinagmasdan ko ito hanggang sa mahagilap ng mata ko ang mga baliw kong kaibigan na todo cheer sa akin.

Nginitian ko lang sila.

"Good Afternoon everyone, I am Jeffrey Santos from the Institute of Computer Studies." Pakilala ko at nagsigawan naman ang mga estudyante na, wari ko ay mga ka-course ko.

Nagtaas ng kamay 'yung isang judge, "Wait. Can you remove your cap?"

Tanong nito. Medyo natigilan naman ako.

"I-im sorry, I can't." Sagot ko. Narinig kong may mga naghagikhikang estudyante. Wala na namang nagawa 'yung judge.

Sumenyas na ako sa technical para i-start ang instrumental.

At nagsimula na ngang tumugtog ang intro. Huminga ako ng malalim at nginitian ko ang judges.

I started singing.

"Adik sa'yo,"

My classmates started screaming. Parang mga siraulo lang.

"Awit sa akin
Nilang sawa na sa'king
Mga kwentong marathon"

Ngumiti ako sa audience. Napatingin ako sa tropa ko at todo sabay sila sa pagkanta.

"Tungkol sa'yo,
At sa ligayang
Iyong hatid, sa aking buhay
Tuloy ang bida sa isipan ko'y ikaaaaw, hey!

Sa umaga't sa gabi sa, bawat minutong lumilipas,
Hinahanap-hanap kita...
Hinahanap-hanap kita.

Sa isip at panaginip,
Bawat pagpihit ng tadhana,
Hinahanap-hanap kita...
Hinahanap-hanap kita."

The scream gets louder. Ewan ko ba sa kanila. Baka trip lang nilang tumili dahil sa kanta. Sa kanta ba o dahil sa galing kong kumanta? Haha.

"Sabik sa'yo,
Kahit maghapon
Na tayong magkasama parang
Telesine.
Ang ating ending,
Hatid sa bahay nyo
Sabay goodnight,
Sabay may kiss --
Sabay bye bye... Oooooh!"

I can already hear them singing along with me.

"Sa umaga't sa gabi sa, bawat minutong lumilipas,
Hinahanap-hanap kita...
Hinahanap-hanap kita.

Sa isip at panaginip,
Bawat pagpihit ng tadhana,
Hinahanap-hanap kita...
Hinahanap-hanap kita."

Hanggang sa matapos ko na ang aking pagkanta. Nakita ko pa sina Lyca at Erika na todo tili.

Napatingin ako sa mga judge and waited for their response.

"You have a nice voice. Pero tingin ko, hindi fit ang boses mo para sa banda," sabi nung music and art council na si Julius.

Sus. Eh puro papogi lang naman alam nito.

"I disagree with Julius, I personally think na pwedeng pwede ang timbre ng boses mo sa banda." Sabi naman ni Ark. Ang band drummer.

Nice. Tama 'yan, Ark. Myembro ng banda 'yan. Sya ang nakakaalam ng bagay na boses o hindi. Haha!

Ngumiti ako at muling tumingin sa paligid.

Sa far left corner ay nakita ko ang isang lalaki. Nakatayo ito sa may sulok at may hawak na bola ng pang soccer.

Natigilan ako. I suddenly can't move my wholebody. Sinubukan kong suriin ang mukha nito at sigurado ako -- siya 'yun. Siyang siya 'yun.

Tandang-tanda ko pa ang mga huling salitang sinabi niya sa akin.

---

"Soulmate, kailangan mo ng makakasama. You won't be happy being alone. I'm here, I am your soulmate. Nasa paligid mo lang ako sa reality mo. Ang dapat mo na lang gawin ay hanapin ako."

"Teka..hindi ko kaya. Nasa panaginip lang kita at tingin ko, hindi kita mahahanap sa aking reyalidad."

"Akala mo lang 'yan. Bilisan mo na, bago pa ako maunahan ng iba." Sabi nya at unti-unti, naglaho siya na parang bula.
---

Nabitawan ko ang wireless mic na hawak ko. Ni-hindi ko na rin naintindihan ang iba pang sinabi ng mga judge.

I unconsiously ran out of the stage at tumakbo ako papalapit sa taong nakita ko kanina sa may far left corner ng auditorium. Ramdam kong nakatingin sa akin ang halos lahat ng estudyante.

Nang makarating ako doon ay wala na akong nakita.

Pero hindi eh, hindi pwedeng guni-guni lang 'yon! Nakita ko talaga sya! Siyang-siya 'yun!

Sibukan kong lumabas ng auditorium. Hindi pa man ako masyadong nakakalayo ay bigla namang may tumalapid sa akin dahilan para mapasubsob ako sa sahig.

"Aray ko!" Sabi ko at sinubukan kong tumayo.

Dahan-dahan akong tumayo. Hawak-hawak ang kaliwang braso kong nagasgasan ay hinarap ko 'yung taong nanalapid sa akin.

"Bulag. Alam mong nakaharang ang paa ko hindi ka pa tumigil. Wag mong sabihing kasalanan ko pa kung bakit tanga ka, hahaha!" Sabi nito at saka tumawa. Nakitawa na rin ang mga kasama nya.

Pero sa halip na mainis ako, sa hindi ko maipaliwanag na kadahilanan -- nginitian ko sya.

"Ikaw nga!" Sabi ko.

Tumigil sa pagtawa 'yung lalaki. Tumingin ito sa akin na litong-lito.

"What?"

"Ako si Jeffrey Santos, ang iyong soulmate. I finally found you!"

---

HINA
HANAP-
HANAP
KITA

y a o i s t o r y w r i t e r
October 2019

BXB. Read at your own risk.


---

Credits

Special thanks to Nobleclaude for making the new cover! Thank you so much for this, ang ganda! ❤️

Hinahanap-hanap Kita ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon