Status: ONLINE

901 28 31
                                    

Status: ONLINE

©KenichiRyujiro. Wattpad exclusive.

DISCLAIMER: The characters in this story are purely fictional. Any resemblance with people living or dead, events and places are purely coincidental.

CAUTION: This story can make your hypothalamus work extraneously. Highly addictive. ;)

Stanza I. Soulmate

***

In the sea of people, there is only you…

I never knew what the song is about, suddenly now I do.

Six billion people. Ganyan kadami ang tao ngayon dito sa mundo. Six billion. By 2015, almost 7 billion na tayo. Bilyon bilyon ng mga taong lahat ay iba iba, may sari-sariling paniniwala at kultura.

Napapaisip na lang ako na sa dinami dami natin dito sa mundong ibabaw, lahat tayo binigyan ng pagkakataong magmahal at mahalin ng taong mamahalin natin. Pero, bakit may iba na, hindi happy ending ang storya ng pag-ibig nila? Bakit andaming nasasaktan? Bakit may mga hindi nakakatagpo ng taong makakapuno ng kanyang mga pagkukulang?

Siguro, dahil na rin sa bilang. Six billion. Anlaki ng chance na hindi mo mahahanap ang taong para talaga sa’yo. Sabi sa Reader’s Digest, at the age of 21, you are more likely to have met the person you’ll marry… Yun nga eh. You’ll marry. It does not guarantee you na magiging masaya ka sa married life mo. Kasi, hindi kayo compatible. Kasi, it is not really meant to be like this.

Soulmate. May mga taong naniniwala sa konsepto na lahat tayo ay nilikha na may kapareha. Na kapag iyong nakatagpo na ang nakatadhana para sayo, parang nakumpleto ka na. The missing piece. Pero, sa tingin mo ba, sa six billion na tao sa mundo, makikilala mo kaya ang nakatadhana para sayo?

Baka nagkita na kayo noong mga bata pa kayo, pero wala pa kayong muwang sa mundo. Baka minsan, naglalakad ka lang at nataong naroroon din siya kaso umupo siya at sinintasan ang sapatos niya kaya di mo siya nakita. O baka sadyang napakalayo ninyo sa isa’t isa, heto ka sa Pilipinas, siya, nasa kabilang dako pa ng mundo.

Napakaliit ng chance. Six billion. Pero, mapaglaro minsan ang tadhana. Gagawa’t gagawa ng paraan para makilala niyo ang isa’t isa. Pero, kapag dumating kaya ang tamang panahon, handa ka pa kaya? O baka nainip ka na at nagmahal na lang ng basta basta.

Malay mo, habang binabasa mo ito, nasa likod mo lang siya na nakatingin sayo. Lilingon ka, pero siyempre ayaw magpahuli, kaya ilalayo ang tingin sayo.

O baka may minamahal ka na at akala mo siya na talaga. Siya na kaya talaga? O baka may isang pusong nasasaktan na umibig ka sa iba, kahit na siya talaga ang naitadhana na makasama ka.

Saklap, pero ganyan ang salitang LOVE. Unpredictable. Pero masarap magmahal. :)

***

First of all, if you’re reading this, THANK YOU! This is my first story here on wattpad. I’ll try to finish this before my sembreak ends kaya I will keep on updating this story for you. I’ll appreciate any comments and suggestions for this story. :D Sana masamahan natin sina Kenichi, Mikai, Liann at Xander until the end. ;) Ciao!

Status: ONLINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon